Chapter 2:Alphanumeric Case

30 4 5
                                    

Chapter 2: Alphanumeric Case
(Murder chapter)

Jean's POV

Waaahhhh!!! Nakakainis! Nakakainis talaga!!! Napaka harot nya! Kala mo sinong maganda!

oh?! nagatataka kayo kung bakit highblood ako, eh umagang-umaga? Pano ba naman yung babaeng haliparot na mukang paa ang unang bumungad sakin pagpasok ko sa gate!

Napakaharot nya! Alam nya naman na sinagot kona si Gab eh! Kunyari pa sya nagagalit sa mga malalanding umaaligid kay Gab tapos sya lang naman pala lalandi kay Gab! Kilala nyo ba kung sino?? Tss sino pa ba kundi si---

"Oh, what's with that face? haha para kang tinakbuhan ng sampung may utang sayo ah?"
tss speaking of the snake! Presenting The One and Only!
Alysa 'ahas' Cano.

"Tigilan mo na ako sa kaplastikan mo Aha-- ay Alysa ah! tss alis nga dyan." Nagmumuka na tuloy akong kontrabida dahil sakanya!

"Huh? Anong ginawa ko bes?" Nagatatakang tanong nya.

"Bes?? ha! Anong bes?? Tigilan mo nga ko Alysa! Alam ko na yang sakit mo!" ang galing umacting nito kunyari walang alam tsh!

" Sakit?????? Anong pinagsasabi mo!?" Tumaas narin ang boses nya, Badtrip na siguro.

"Tsk yang allergy mo! Ang kati-kati mo eh! Dun kana kay Gab please layuan mo na ko! Nakakairita yang boses mo lala na yang mukha mo!" Nagsimula na kong maglakad at iniwan syang nanlalaki ang mata. Tsh nagulat siguro na nalaman ko agad yung kalandian nilang dalawa ng Gab na yon!

Oh well nalabas ko na naman yung batrip ko kaya Move on nako haha! yeah right, Ambilis no? Kase dapat yang mga lalaking manloloko hindi na dapat pinag-aaksayahan ng luha hindi kase ako yung tipo ng tao na magmumokmok pag iniwan ng walang kwentang lalaki

Don't get me wrong guys, mahal ko yung si Gab kaso sinayang nya lang kaya wala na sakin yung problema, nagmahal ako, nagpalandi sya, edi sila na!

"Haayyy ang boring ng buhay"
Napatingin kami kay Leigh na nakapangalumbaba sa lamesa.

Nandito kaming apat ngayon sa Canteen.

"Yeah right!" Second the motion naman nitong si Kath sabay subo ng fries nya

"Uy Rea nandito kami oh! Out of the world ka na naman, Bitawan mo nga yan!" inagaw ko yung phone nya at inalis yung earphone na nakasalpak sa tenga nya.

"Ano ba! badtrip to si Jean eh"

"Pano ba naman lagi kang may sariling mundo!"

"tss"

"Tigilan nyo na nga yan! Jean balita ko inagaw ni Alysa si Gab? hahahaha Wawa" Tingnan mo tong si Leigh imbis mang comfort kahit hindi ko kailangan nun, Nang-asar pa ang lukaret!

"Haha oo nga beshy!"
isa pa tong si kath eh!

"Kawawa nga" anak ng!? pati ba naman tong si Rea?
Hayyy Bestfriend ko ba talaga sila?? Huhuhuhu ayy ang drama

" tsk nagpaagaw sya eh di ko na kasalanan yun!" Sabi ko nalang sabay sandal sa upuan

"Oh bakit parang di ka affected? Tara na resbakan
natin" Napatingin kami kay Rea ng Nanlalaki ang mata. Si Rea ba talaga yung nagsalita?

Trusting 'too much' Kills YouWhere stories live. Discover now