Nagulat ako nung sinabi sa kin ni Ana ang mga katagang yun. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Magsisinungaling ba ako o hindi. Tumigil ng sandali ang mundo ko.Hindi ko na alam ang gagawin ko.Binuzz na niya ako sa YM.
"Ui Anton! Sumagot Ka Naman!!!! Hello!!!! Anybody Here????", sabi ni Ana sa kin.
"Huh??? Hindi ako yun no. Baka kamukha ka ko lang yun!!!!! Sus nman. ang laks ng imahinasyon mo.Ilang bote ng
Beer ba yung ininom mo. Hindi ko gagawin yun .Sigurado namang mas pogi ako dun!!!!!! Haha!", sabi ko sa kanya pero ang pakiramdam ko sa aking sarili ay masama at alam ko na nagsisinungaling na ako sa kanya.
"Ang Sama mo talaga!!!!!!! Hahaha. Excuse Me! I don't Drink!!!!!!! Bata pa ko no. .Haha! Baka imahinsayon ko nga lang yun. Ano ba nakain ko???? Haha, sa bagay, gutom nga ako nun. Pero kamukha mo talaga siya!!!! Humanda ka sa kin pag ikaw yun. Boboljakan kita!!!!!!!!!!", sabi ni Ana.
"Anong boboljakan? Hindi ko alam yung ibig sabihin nun. Haha", sinabi ko ng may pagtataka.
"Ang ibig sabihin ng boboljakan! Ay parang papagalitan na sasapakin!!!!", sabi niya.
"Ahhh ganun ba???? May bago akong natutunan na salita. Ipauso ko kaya. Haha!!, sinabi ko ng pabiro.
Iniba niya ang usapan. Malaking kaluwagan sa dibdib ko yun. Akala ko talaga mabubuking na ako. Pero hindi nawawala sa isip ko ang parkiramdam na alam kong may kasalanan ako sa kanya.
"Ui! Gusto na talaga kita makita!!!!! !", sabi niya
"Haha. Ikaw gusto na rin kita makita. Kaso mukhang malabong mangyari. Busy ka at busy ako. Ngayon lang talaga ako nakakapagonline.", sabi ko.
"Ako rin. Ngayon lang. Aalis na nga kami sa makalawa. Magbabakasyon kami sa Dumaguete. Tagadoon kasi mama ko"., sabi niya.
"Haha! Taga Negros ka rin pala. Ako taga Bacolod". , sabi ko.
Habang naguusap kami. Naguiguilty ako. Alam ko na hindi pa tamang pagkakataon na Mahalin ko siya at mahalin niya ako. Paano kung malaman niya na ako yung Mayabang. Ako yung Makulit. Ako yung puno ng Pride. Ayoko. Sana malihim na lang to. Gusto ko makilala ako ni Ana na Mabait, Sweet, Caring, Humble and Kind. Pero parang nagpapakitang tao na lang ako. Hindi ko alam!Sasabihin ko na ba sa kanya. Mamaya na lang siguro or bukas na lang.
"Oi. Bakit parang nawawala ka sa sarili mo hah!! Bakit hindi ka nagreresponse", sabi niya.
"Haha wala lang. Natutulala kasi ako", sabi ko.
"Saan naman????", sabi niya.
"Sa Kagandahan Mo.", sabi ko.
"Alam kong masarap ang bola bola pero wag namin gawin sa kin. Ang pangit pangit ko kaya. ", sabi niya.
"Hindi ah. Ang ganda ganda mo.", sabi ko.
"Anton, baka kailangan mo ng magsalamin lilibre kita. ano ba grado mo???", sabi niya sa kin.
"Oi, 20-20 ang Vision ko! Baka ikaw kailangan magsalamin.", sabi ko sa kanya.
Habang naguusap kami parang may nagsasabi sa kin na sabihin ko na sa kanya na mahal ko siya. At maging MU kami. Grabe nababalisa na ako.
"Ui. yan ka nanaman natutuliro ka na naman. Sa kapangitan ko no???? Uiii aminin", sabi niya sa kin.
"Hindi nga. Sa kagandahan mo nga!!!!!!!!!! AT DAHIL SA KAGANDAHAN MO!!!!!! UNTI UNTI AKONG NAGKAKAGUSTO SAYO. Alam kong napakabilis dahil isang araw palang tayo nagkakakillala pero hindi ko mapigilan ang puso para sabihin sayong MAHAL KITA!!!!!", sinabi ko.
"Ui easy naman diyan. Sorry Sorry.", sabi niya.
"Ana may gusto sana akong itanong sayo. Kanina pa tong naglalaro sa utak ko.Kahit alam kong napakabilis para mangyari to.", Sabi ko.
"Ano Yun????", sabi niya.
"Ana Marie Regalado, Puwede ba kitang maging GF?", sabi ko.
Itutuloy........

BINABASA MO ANG
Puppy Love (Ongoing Series)
RomanceSabi nila, hinding hindi mo malilimutan ang first love. Kadalasan yung first love mo, nararansan mo sa mga panahong bata ka pa. Nadidiskubre mo pa lang ang pag-ibig. Ito ang istorya ng dalawang batang magkakakilala sa hindi inaasahang panahon.