Venus
Nakaupo lang kami ni Ice sa couch habang hinihintay sila Mars at Rain. Nagmamasid lang ako sa paligid at kitang kita ang panganib sa paligid dahil sa dami ng mga tauhang may armas nina Mars.
'Welcome to our house.'
Napatingin kami ni Ice sa may bandang likuran namin kung saan naggagaling ang boses. Dun namin nakita si Mars na may baby sa kanyan braso at si Rain.
Nakita kong ngumisi si Mars habang bumababa ng hagdan tumayo lang kami ni Ice.
Nung makababa na sila tumigil lang sila sa harap namin mga ilang metro lang ang layo samin. May lumapit na katulong kay Mars upang kunin muna ang baby niya. Nag-init bigla ang ulo ko ng maalala ko ang baby ko.
"Have a sit."- ani ni Mars tska kami umupo pabalik ni Ice sa couch. Umupo naman sila ni Mars sa couch sa harap namin may mini table lang sa gitna namin.
"So, bakit nga pala kayo nandito?"- tanong ni Mars habang umiinom ng juice.
"You know why we here Mars."- seryosong sagot ni Ice. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nagtitimpi lang sila kaya hinawakan ko ang kamay niya upang pakalmahin siya.
Bumalik ang atensyon ko kina Mars at Rain ng bigla nalang tumawa ng malakas si Mars. "Haha alam mo namang di ko ibibigay sa'yo ang gusto mo, diba atska mamatay muna ako bago mo makuha ang gusto mo?"- lokong sambit ni Mars.
"Okay, if that's you want."- malamig na ani ni Ice kasabay ng malakas na pagsabok at mga putukan. Gumulo ang paligid namin natauhan lang ako ng hinihila na ako ni Ice.
Hawak kamay lang kami ni Ice at napapapikit nalang ako habang binabaril ni Ice ang mga tauhan nina Mars.
Nagtago kami sa isang sulok." Shit!"- rinig kong mura ni Ice nabigla ako ng biglang tumingin si Ice. Hinawakan niya ang pisngi ko kaya hinawakan ko lang ang kamay niya na nasa pisngi ko.
"Dito ka lang Ve .. Wag na wag kang aalis dito, okay"- seryosong ani niya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.
"Mag-ingat ka Ice .. A-ayokong mawala ka .."- alalang saad ko ngumiti lang siya tsaka tumango.
"I love you Ve"
"I love you too Ice."- ani ko tsaka niya ako hinalikan sa noo. Dahan dahan niyang kinuha ang kamay niya sa pisngi ko tsaka siya umalis.
Napatakip lang ako ng tenga sabay pikit at putukan at pagsabog nalang ang naririnig ko.
Makalipas ang ilang minuto tumigil ang putukan kaya minulat ko na ang mga mata ko at dahan dahang lumabas sa sulok.
Mga nakahandusay at mga basag na bagay sa paligid ang bumungad sakin.
Napatakip nalang ako ng bibig. "Ice.."- tawag ko kay Ice habang dahan dahang naglakad.
Pero napatigil ako ng makita si Mars sa di kalayuan. Paika-ika itong maglakad at halatang hirap na hirap ito at may pinatakpan siya sa tagiliran niya. Sugat .. Naglakad lang siya at di manlang ako nakita.
Sinundan ko siya hanggang tumigil sa bandang likod ng mansion. Tiningnan ko kung saan siya nakatingin.
'Ice...'- nakita kong tinutok ni Mars ang baril niya sa nakatlikod na si Ice. Hindi...
Tumakbo ako kay Mars at inagaw ang baril sa kanya dahilan para maiputok ito sa sahig.
Narinig ko ang pagtawag ni Ice at naramdaman kong palapit ito samin pero ang atensyon ko ngayon ay nasa baril na inaagawan namin ni Mars.
Baaannggg!!
***********
Salamat ng madami sa mga nagbabasa nito. :**
BINABASA MO ANG
Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018
RandomMasaya na kaming dalawa ng taong mahal ko, almost perfect na nga eh pero dahil sa katangahan ko nagbago lahat. Naging parang roller coaster ang buhay ko na humantong sa pagiging sampid ko o pagiging kabit sa buhay ng taong mahal ko. Pero nagbago ako...