Three

1.3K 16 0
                                    

*Khrischa's POV*
Another day na naman! Haist, kahit magkasama kami nito ni Lessa ngayon papuntang university, parang ako lang din mag isa. Lutang na naman sya..

Alam ko na! Siguro napanaginipan na naman nya yung ex nya kaya sya nagkakaganyan.

*flashback*

Natataranta naming hinanap ng pinsan kong si Sheryl kung saan nagpunta si Lessa. Nagpromise kasi kami sa kanya na pupuntahan lang namin yung prof namin para magpasa ng requirements kaya lang natagalan kami. Kakatakbo namin sa kung saan-saan, nakita rin namin sya sa cafeteria. Nakaupo at may kasama- LALAKI?!! oh no, paktay ako sa mama nito :( .

"Lessa!!" Sigaw ko pagkapasok namin ni Sheryl sa cafeteria. Napalingon tuloy halos lahat ng tao samin pati si lessa at ang kausap nya.

"Sigawmuch bebe? Haha kala namin may nangyari na! Hahaha" tumatawang sabi ni Lessa. Napataas naman kami ni Sheryl ng kilay dahil kakaiba ang saya ni Lessa, kahit kailan hindi pa namin sya nakitang ganoon kasaya mula noong iniwan sila ng papa nya.
Umupo kami sa tabi ni Lessa at nagpakilala na yung guy na katapat ni Lessa.

"Nice to meet you girls. Im Zyler Ferrer. Transferee ako. Actually kakaenroll ko lang. Sana maging friends tayo." Sabay abot ng kamay samin ni Sheryl. Kaya pala ngayon lang namin sya napansin.

Simula noon, hindi na mapaghiwalay sila Lessa at Zyler.

Few months after?.. Nalaman na lang namin, naging sila na. Pero ibang couple sila. Hindi sila PDA. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa rules ng school o ayaw lang talaga ng ganun.

Before mag-end ang 2nd semester ng first year namin, may dumating na masamang balita kay Lessa.

Umalis na ng bansa si Zyler at bumalik sa London. Bigla na lamang pinutol nito ang communication samin at lalo na kay Lessa. At gaya nga ng inaasahan, hindi ito natanggap ni Lessa.

*end of flashback*

*Lessa's POV*

"Ano ba yan, kaklase na naman natin itong martir. Haist. Kaya siguro sya iniwan ni Zyler kasi masyado syang nagpapakatanga sa pag-ibig. Doon nga tayo sa likod. Baka mahawa tayo." Sabi nung isang babae sa kasama nyang umupo sa likod.

Pag nagmamahal naman, hindi pwedeng hindi nasasaktan hindi ba? Kasi kaya ka nasasaktan sa mga nangyayari o nagagawa nya, ay dahil ayaw mong mapasama sya at mahal mo sya. Gusto mo lang yung makakabuti sa kanya.

Kaso mali lang siguro talaga ako ng minamahal kaya siguro ako nasaktan ng ganito.

Jusko Lord?! Gusto ko na pong makamove-on!!!!! Tatlong taon na po parang awa nyo na!!

--------------------------------------
Hey readers! Sorry po at natagalan ng upload. Hina po kask ng wifi eh xD anyways, kung nagustuhan nyo po yung first 3 chapters, wag nyo pong kalimutang ivote ishare at kung gusto nyo rin po comment :) salamat po ^^

Love Comes UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon