Listen to: I don't even know your name by Shawn Mendes while reading this (☞゚∀゚)☞
-------------
I don't believe in "Love at first sight" kasi hindi 'yon LOVE kundi ATTRACTION. Na-attract ka lang sakanya dahil maganda sya o pogi. Maganda ang katawan nya, seksi o matso. Nakakainis 'yung mga nag sasabi na "mahal ko na sya." "Na-love at first sight ako sakanya." At kung ano-ano pa.
But hell, nang makita ko sya naniwala na ako sa lintik na Love at First Sight na 'yan. Hindi ko sya makalimutan--his smile, because of his smile kaya ako nag kagusto sakanya or in other term nahulog sakanya.
Nag lalakad lakad kami ng mga kaibigan ko sa dalampasigan, nasa beach kami ngayon. Ako, si Kristina at Joy lang ang mag kakasama. Hindi na kami nag imbita ng iba dahil gusto naming sulitin ang last day ni Joy dito sa Bicol, sa Manila na kasi sya mag aaral.
Habang nag lalakad lakad kami sa dalampasigan may natanaw akong lalaki na nakaupo sa tubo ng bangka. Malayo palang sya tanaw ko na sya sa pwesto nya dahil sa kulay ng kanyang t-shirt, pink. Nasa kanya lang ang atensyon ko kahit na nasa tabi ko lang ang dalawa, nag kukulitan. Nasa buhangin kami, sya naman malapit sa mga cottage at may bangka pa roon.
Kinalabit ko si Kristina. "Tignan mo 'yun." Pasimple kong tinuro ang direksyon ng lalaking na naka kulay pink.
Nilingon ito ni Kristina. "'San?" Tanong nya.
Tinuro ko ulit ang lalaki.
"Oh ano naman?" Minsan nakakainis si Kristina, mapili kasi sa lalaki kaya ganyan kung makaasta.
"Tss, ang cute nya diba? Diba?" Pumunta ako sa harap nya at pinandilatan sya ng mata.
"Hindi naman ah, maputi lang sya." Napasimangot ako sa sinabi nya. Maputi talaga sya, isa sa mga gusto ko sa lalaki maputi.
"Ang cute cute kaya nya!" Napapadabog na ako sa harapan nya. Samantala si Denise tinignan lang ang lalaki at umismid.
"Asan ang cute sakanya?" Isa pa 'to. Dahil lang sa kalandian nya ang crush nya ganyan na din kung umasta.
"Ang cute kaya nya! Ang puti pa!" Napalakas ang pag kakasabi ko kaya napatingin sya samin, hindi ko pa rin iniiwas ang tingin ko sakanya at bigla syang ngumiti. Hindi ko alam kung ba't biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Dahil lang sa ngumiti sya nag iba na ang pag tibok ng puso ko. Iniwas ko ang tingin ko sakanya at muling nakipag kwentuhan kila Kristina, hindi ko nalang sila kinulit na cute 'yung lalaki.
Nag vi-video si Kristina gamit ang phone nya, kami ang kinukunan nya kaya eto na ang chance ko para makapag papansin sa lalaking naka kulay pink.
Sa pag kakaalam ko gusto ng mga lalaki sa babae ay makulit at dahil sa medyo may pagkamakulit ako papairalin ko ang ugali kong 'to para mapansin nya ako. Don't get me wrong okay? Lahat naman siguro gustong mapansin ng crush nila kaya hindi ako nag iisa.
Nag "pa-dats" ako para mapansin nya. I'm assuming that ako ang tinitignan nya but I was wrong, he's looking at Joy, not me.
"Hindi ikaw ang tinitignan! Si Joy, assuming ka." Kristina said. I just smiled, sa loob loob ko nasasaktan na ako.
Masakit talagang umasa, lintek na 'yan. Pwede namang ako nalang ang tignan diba? Wala naman sakanya pake si Joy eh, pero ano ang magagawa ko? I am not pretty, I am not attractive so what do I have to expect? Mapansin nya? Ang tanga ko talaga.
I love self torturing, kahit ang hangin ko sa harap ng mga tao hindi ko pa rin mapigilang ma-concious sa sarili ko. Nagiging mahambog lang ako para hindi ko kaawain ang sarili ko but I can't help to pity myself, kung mag isa nalang ako ang dami dami ko ng naiisip, negative thoughts about me. I should be thankful kasi buo ang katawan ko, nakakalakad ako, nakakakita pero hindi ko mapigilang hindi mag tanong ng "Why am I like this?" Bakit hindi ako ganyan-ganito na dapat ganyan-ganito ako. I'm being boastful in front of my friends but when I'm alone, I do self pitying, I do self torturing. Hindi ko alam kung ba't ako ganyan.
"Bwiset." Tangi kong nasabi.