Hailey Majellaine'sPOV
Nang nasa labas nako ng Gym ay naglakad pa ko para makalayo dun. Masyadong mainit ang dugo ko ngayon dahil sa gagong si Benjamin, kaya kung hindi pa ko umalis dun baka mapatay ko lang sya. Maging kriminal pako.
Nagpalinga linga naman ako at lumakad sa garden at walang ano anong humiga ako sa bermuda grass. Ginawa kong unan ang dalawang braso ko at tumingala sa araw. Hindi naman mainit kaya ayos lang. Bumuntong hininga pako ng pagkalalim lalim.
"Paniguradong lagot ako neto tsk. Isang campus Frog prince ang sinapak ko." Iling iling na sabi ko.
Ilang minuto din akong nasa ganong posisyon pero biglang nagvibrate ang Cellphone ko kaya naman kinuha ko. 4 message kaya naman binuksan ko na.
-MyPrettyBes- (si Aliyah yan. Sya mismo naglagay ng pangalan nya. Diko na din pinakelaman.)
Bespren! Nasan ka? Ganda ng eksena makawalkout kala si Daniel Padilla ah! Ganda ng black eye ni Zac na bulls eye mo. Hahhah.
Hinahanap kita pero dika mahagilap! Di tuloy tayo naturuan sa P.E. galit na galit sayo si Torio e. Haha.
Hindi na kita nasundan, naharang kase ako ni Ma'am Pasion e. Enjoy ang paglalaylo! Sige na Babusshh! d--,bv
-End-
Natawa naman akong napailing sakanya. Ganyan talaga magtext yang si Aliyah. Mahaba pero nonesense. Sunod ko namang binuksan ay ang text ng ate nya. Si Eleyah.
-EleyahBabes-
Talaga pupunta ka? Wow that's good! I will wait you. See you muahugs! :)
Rineplyan ko ulit sya at sunod ko namang binasa ay ang kay kuya.
-UtolBryan-
Bunso naming Prinsesang prinsipe! Hindi ka kumain kanina, magalmusal ka sa canteen nyo ah? Magingat ka baka maging babae ka uli. Hehe. Basta kain ka utol ah? Iloveyou. Babye!
Ayan si kuya. Tanggap nya na kabilang nako kay Adan, masyado syang protective sakin, katwiran nya kasi, kahit pusong lalaki daw ako ay hindi parin daw maiiwasan na masaktan ako. Kaya lagi nya kong pinagiingat. Huli ko namang binuksan ang kay papa.
-Erpats-
Anak. Hindi ka nagalmusal satin. Kaya kumain ka ng madami jan sa school nak. Nagaalala nako. Baka magkasakit ka. Magiingat ka jan ah? Love ka ni papa.
-End-
Pagkatapos kong magreply sakanilang lahat ay napangiti ako.
'Ang bait mo talaga sakin Lord.' Nakangiti kong sabi sa isip ko. Kahit na Badtrip ako kanina ay gumaan ang pakiramdam ko dahil nagtext yung mga mahahalagang tao sa buhay ko.
Bunso ako sa pamilya namin. Dalawa lang kaming anak ni kuya. Wala nakong nanay simula Sampung taong gulang ako. Si Papa na ang tumayong ina at ama samin. Kaya naman masaya ako dahil nandyan sya para samin ni Kuya. Malaki ang pasasalamat ko kay Papa dahil..
'Kahit hirap na hirap na sya, nandyan parin sya para samin ni kuya.'
Tanggap nilang dalawa kung ano ako, at proud sila sakin. Basta daw wala akong minamaliit at sinasaktang tao ay pwede akong maging kung ano man ako ngayon.
Habang nagiisip ay biglang tumunog ang Cellphone ko.
♬♪oh I thank, that I found myself a cheerleader she is always right there wen I need her, oh I thank that I found myself a cheerleader she is always right there when I need her♬♪
BINABASA MO ANG
My Lesbian Girlfriend
Teen FictionIsa na ba kong bading dahil pumatol ako sa Tomboy na tulad nya?