Chapter 3: Karibal

156 6 5
                                    

Hailey Majellaine'sPOV

Gulat na gulat akong napatingin kay Zac! At pareho kaming nakatingin sa isa't isa.

"Anong ginagawa mo dito?!" Maangas na tanong ko.

"Manliligaw ako ni Eleyah! Ikaw anong ginagawa mo dito ha?! Iniistalk mo bako?! May gusto ka sakin no?!" Mayabang na tanong nya. Sasagot na sana ako pero..

"Magkakilala pala kayo?" Nagtatakang tanong ny Eleyah. Natigilan naman kame.

"A-ahh. Oo. H-hehe. Magkaclose nga kame e. Diba Pacman?" Tanong nya habang pinandidilatan pako.

"Anong pacman! Gusto mo ba ng round two ha?!" Tanong ko sakanya. Pinandilatan padin nya ako. "Chaka close? Hahaha! Oo close tayo, nagclose yung kamao ko chaka yung muk--" diko na natapos ang sasabihin ko dahil tinapakan nya na yung paa ko.

"Anong round two?" Nagtatakang tanong samin ni Eya.

"Kanina kasi napaupo sya kasi-" hindi ko nanaman naituloy dahil nagsalita nanaman si Zac.

"R-round two. Kakain uli kami kasi kanina nilibre nyako tas tinatanong nyako kung gusto ko pang kumain. Hahaha."

"Hoy! Sinungaling!" Sigaw ko sakanya.

"Hahahaha. Sinungaling? Palabiro ka talaga no?" Sabi nya. Pero diko nalang sya pinansin dahil baka masapak ko nanaman sya..

"Close ba talaga kayo?" Di makapaniwalang tanong ni Eya.

"Oo close talaga kami nyan! Hehehe. Ang daldal nya talaga no?" Tanong ni Zac. Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Tara na! Maupo nalang tayo. Hehehe." Sabi nya at hinawakan pa sa kamay si Eya. Kaya naman pumagitna ako sakanila. Saka tinulak ng bahagya si Zac palayo samin.

"Alam nyo. Ang weird nyong dalawa ngayon." Nakangusong sabi ni Eya. Ng makaupo na kami sa sofa.

"Hindi naman, Yan lang naman talagang Zac na yan ang weird e." Sarkastikong sabi ko. "Kanina pa ba sya Eleyah?" Tanong ko.

"Hindi, ngayon lang din sya." Sabi nya sabay tumingin samin ng lipat lipat. Nagtaka naman kami.

"B-bakit?" Sabay naming tanong.

"A-ano yang mga nasa mukha nyo? Yung kay Majellaine, namumula mukha nya, y-yung sayo Zac may pasa ka sa pisngi, sinong gumawa nyan?" Nagaalalang tanong nya at hindi naman kame nakapagsalita.

My Lesbian GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon