Sana Ikaw at Ako Nalang

164 2 1
                                    

Malinaw na malinaw parin ang mga alaalang dala mo sakin na kay hirap limutin

Mga alaalang labis na nakapagbigay ng saya't sakit saakin..

Naalala 'ko noong High school tayo, tawag mo sakin "Ms. sungit" kase walang araw na hindi kita sinusungitan at tinatarayan na para bang lagi akong may dalaw dahil nakabusangot ako palagi', tapos todo pangungulit at pangaasar mo sakin hanggang sa mawala ako sa mood ko, so ang outcomes 'nun para tayong aso't pusa na laging nagbabangayan. Sabi mo nga, gusto mo akong makilala kasi halos lahat ng mga kaklase natin sa classroom ka-close mo na, well except sakin sa kadahilanang mailap ako sa tao..

As time passed by, napalapit tayo sa isa't isa, tawanan, kwentuhan, dramahan at asaran. Lagi mo akong nililibre ng street foods kapag nagugutom ako, lagi mo akong pinapasaya sa tuwing malungkot at problemado ako, lagi tayong sabay pumasok sa skwelahan, laging sabay kumain ng tanghalian, pati na rin sa paguwi magkasabay tayo hinahatid mo ako hanggang bahay, sa tuwing umiiyak ako andyan ka para maging panyo ko, sa tuwing napapanghinaan ako ng loob, andyan ka para damayan ako, sa tuwing nangtri- trip ako handa mo akong sabayan sa lahat ng kabaliwan ko, sa tuwing binubully ako handa kang maging knight in shining armor ko para lang protektahan ako.
Pinaramdam mo na hindi ako nag iisa, kung gaano ako kaspecial para sayo, pinaramdam mo kung ano ang pakiramdam ng may tunay na kaibigan, hindi mo alam kung gaano ako kasaya't kaswerte ng makilala kita. Laking pasasalamat ko sa diyos kasi binigyan niya ako ng isang kaibigan na tulad mo, hindi pa sapat ang mga salita para mapantayan ang saya na aking nadarama. Noong dumating ka yung boring life ko, nagsimula ng magbago kumbaga nagka thrill. Nakakatawa nga kase hindi ko parin lubos maisip na naging magkaibigan tayo.

IKAW kasi yung tipo ng lalaking mahirap abutin, kumbaga para kang isang bituin sa langit, at ako nama'y hanggang sulyap lamang sa mundong ibabaw.

IKAW rin yung lalaking minahal ko ng palihim, ng patago.

Oo, taguan feelings. Hindi lang kaibigan dahil HIGIT pa dun yung tingin ko sayo at mas lalong lumalim.

Sino ba namang hindi mahuhulog sa taong kagaya mo?

Pambihira! Ang galing nga naman pumana ni Mr. kupido oh, Hindi ko ineexpect na mafafall ako sa kaibigan ko pa, talaga nga naman mapaglaro ang tadhana, hindi pa kasi ako handa.

Biglang maraming mapaglarong katanungan ang pumasok sa isipan ko..

Paano kung malaman mo ang totoo? Sasaya ka kaya? Lulungkot? Magagalit? May magbabago kaya? Pwede nga kayang matupad yung kahilingan 'ko na magkaroon na sa history ng IKAW AT AKO?

Pero Panigurado, alam kong lalayo ka lang. Baka masayang pa yung ilan taong friendship na pinundar natin-At hindi ko kakayanin yun, takot ako sa pwedeng mangyari satin, parang mas gugustuhin ko pang saksakin ako ng paulit ulit sa likod kaysa sa makitang kang naglalakad palayo sakin.

Although nagtataka ako kung bakit, at paano, kung ano ba ang nakita't dahilan mo at kinaibigan mo ako.

Ikaw kase yung tipo ng lalaki na habulin ng mga babae, Matangkad, Mabait, Gwapo, Matipuno, Makadiyos, Marespeto, friendly, May pangarap sa buhay at mapagmahal-IN SHORT IKAW YUNG LALAKING PINAPANTASYA NG MGA KABABAIHAN.

At isa na ako don, pero sino nga ba ako para magustuhan mo? Sa dinami dami ng babaeng nagkakandarapa sayo, imposibleng mapansin mo ang isang katulad ko eh di hamak na nobody lang naman ako. Chakang nobody. Para bang nung nagpasabog ng kamalasan sa mundo, sinalo ko na lahat ng bonggang- bongga, aba, nagswimming pa nga ako. Wala ng pakundangan napunta na sakin lahat. Diba? Ang laki ng agwat natin. Sa Itsura pa lang pinapahiwatig ng hindi dapat tayo para sa isa't isa, na hindi tayo bagay, na hindi pwede, na walang pag asa, dahil ang mga lalaking kagaya mo ay para lang naman sa mga babaeng pinapantasya ng mga kalalakihan.

Naalala ko pa nga sa tuwing tayo'y magkasama at magkausap, oras-oras, minu-minuto, segu-segundo, araw-araw, walang humpay na bukambibig mo yung taong inspirasyon mo, pilit ko man tinatakasan ang realidad, ngunit hindi magawa kasi kahit anong pilit ko man takasan, takbuhan ko man 'yan, gigising parin ako sa umaga na ikaw lamang ang laman at tinitibok nito.

Ilan buwan mo na siyang nililigawan, ilang buwan ko na rin tinatago itong nararamdaman ko para sayo, hindi mo alam yung katotohanan, at dapat lang na huwag mo ng malaman pa.

Bakit?

Bakit ko pa guguluhin yung taong mahal ko, eh alam ko naman na mas sasaya siya sa iba. Kalaunan, meron ng 'kayo' at nagtagal 'kayo.' At aminin ko man o hindi, nahirapan akong tanggapin yun.
Pumasok nanaman sa isipan ko ang katagang-Sana IKAW AT AKO nalang.

Ramdam na ramdam ko yung kilig mo sa tuwing binabanggit mo yung pangalan niya, ramdam na ramdam ko yung kakaibang saya sa tuwing magkasama kayong dalawa, Kitang kita ko sa mga mata mo kung paano kumislap ito habang nakatingin sa mga mata niya. Kamay mong hawak hawak niya na sana ako ang may hawak.

Tapos eto ako, tinatanaw ka sa malayo habang masaya sa iba habang may kayakap kang iba, at dahil kaibigan mo ako, kahit mahirap pinipilit ngumiti sa harapan mo, kahit masakit ika'y aking sinusuportahan dahil ito ang aking gampanin sa iyong buhay bilang isang kaibigan dapat lang na tanggapin ang tama't katotohanan at maging masaya na lamang para sayo kahit ako'y naaagrabyado at nahihirapan.

Naisip ko kung magpapatuloy parin ba akong mahalin ka, dahil sa huli ako'y magiging kawawa-SA huli? Eh sa una pa nga lang alam ko ng talo ako pero sumugal parin ako. Akala ko may pag asa, akala ko pwedeng maging ikaw at ako, Pero akala ko lang pala yun, hanggang akala na lang ako kase malinaw na sakin na malabong maging tayo. Tadhana na ang gumagawa ng paraan para paglayuin tayo sa isa't isa.

Nasaktan na naman ako. Para bang paminta na pilit na dinudurog at winawasak yung buo kong puso. Napakasakit.

Lumipas ang maraming taon, ngunit masasabi mo bang tanga ako kung ikaw parin? ikaw parin ang tinitibok ng aking puso, patuloy kang minamahal kahit malabong maging iyo.

Andito sa dati nating tagpuan, habang ang mata'y lumuluhang nakatanaw sainyong dalawa, ang binatang minsan ko ng pinangarap nakaluhod sa harapan ng dalaga na may dalang singsing-Kusa nalang napabigkas ng SANA IKAW AT AKO NALANG.

Sana Ikaw At Ako NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon