Larawan
by: IamLyneSa isang papel
may nakaukit na anghel
papel na may tinta
hugis ng iyong mukha na may ngiti na hindi ko na makikitaMga ngiti mong hanggang dito nalang makikita
sapagkat ikaw mismo ay wala na
tanging larawan mo ang nagbibigay saya
sa puso kong nasasaktan at gustong lumigayaSa isang iglap ikaw ay nawala ng parang bula
Kaya naging inspirasyon kita para gumawa ng tula
mga alaala nati'y pilit binabalikan
kagaya ng ating mga masasayang nakaraanMarahil ay masaya ka na kung nasan ka man ngayon
di parin mawawala ang pighating nararamdaman
masakit isipin na ikaw ay di na makakasama
ngunit salamat sa iyong mga alaala
sa larawan mong bumubuo ng isang imahinasyon
na sana ika'y kasama ko pa hanggang ngayon.A/N: Ang inspirasyon ko sa tulang ito ay ang Mama at Ate kong alam kong hindi ko na makikita. Alaala nyong buhay parin sa isip at puso ko. Ma, Teng, I wish you knew how I miss you and love you so much 😘😘
BINABASA MO ANG
Larawan
PoetryIt's just a poem I dedicate for all the people who lost their loved ones.