"Mapaglarong Tadhana"

232 6 1
                                    

Nang unang nagtagpo

Hindi tayo nagkasundo.

Iba ang nakahiligan mo,

Ngunit mas iba ang hilig ko.

Ngunit mapaglaro si Kupido,

Pinaglaruan niya ang puso ko.

Di inaasahan na ang aking munting puso,

Ay bigla nalang mahuhulog sayo.

Dumaan ang mga araw,

At ang inspirasyon ko ay ikaw.

Kaya naman eto ako,

Gumawa ng paraan para ibigin

mo.

Di rin nagtagal,

Sa wakas ako din ay iyong minahal.

Noong araw na ika’y umamin sa akin,

Ibang ligaya ang aking naramdaman.

Ngunit mapaglarong tadhana nga naman,

Pinagsama tayo sa isang silid-aralan.

Ngunit dahil tayo nga ay napaglalaruan,

Ikaw ay nahulog sa aking kaibigan.

Tinding selos at pighati ang napagdaanan,

Sa tuwing tayo ay nagkakasalubungan.

Bakit ako pa kasi ang napaglaruan?

O tadhana nga naman!

Wala na akong ibang nagawa,

Kundi ang magpakawala.

Ano nga namang magagawa ko,

Kung ikaw na mismong minamahal ko ang sumuko!

Ngunit sa pagpapakawala sayo,

Ako ay natuto.

Tunay na mas mahalaga ang kaibigan,

                                            Kaysa sa ka-IBIGAN.

"Mapaglarong Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon