a spoken word poetry
04/13/17Para sa kaibigang muntikan ko ng mahalin ng sobra noon;
Akala ko ikaw na
Ikaw na ang magpapasaya
Sa pag ibig kong laging naaaksaya
Sa puso kong palagi nalang may pasa
Akala ko dulot mo'y ligaya na
Mahal,anong nangyari sa ating dalawaNaitanong mo minsan kung kasalanan mo ba
Sagot ko'y "maibabalik mo pa ba?"
Maibabalik mo pa ba
Ang dating mayroon sa ating dalawaNgunit huwag kang mag alala
Minsan naitanong ko rin sa aking sarili
"Saan ako nagkamali?
Masyado ba akong nagmadali?"
Pusong minsan ng umibig
Takot ng masaktan at maiwang luhaanKaibigan
Oo kaibigan
Dyan nalang ang pwedeng patunguhan
Pasensya na sa ating nakaaran
Nakaraang puno ng kasiyahan at tawanan
Nakaraang hinding hindi ko malilimutanNgunit hanggang dito nalang
Sana ako'y huwag kalilimutan
Salamat sa ating maikling pinagsamahan
Na minsa'y nabudburan ng pagmamahalanPagmamahalang naudlot
Ng dahil sa pinangunahan ako ng takot
Takot na ako'y iyong iwan
Iwanang sawi at sugatan
Takot na ang pagmamahal ko'y muli hindi masuklianAng tanong ko palagi sa aking sarili;
"Mayroon kayang tayo ngayon kung hindi ako pinangunahan ng takot noon?"
Ngunit kahit anong mangyari
Hindi na maibabalik ang dati at ang noon.-smsb.