"Shut the hell up, will you?!" Tinakpan ko ng unan ang tenga ko, kaso di rin naman pala effective. Ang ironic pa dun, parang lalong lumakas pa yung tunog ng alarm clock.
"Ugh," sa inis ko, bumangon na lang ako at ti-nurn off ko yung alarm. Sa pagkakaalala ko, tinabi ko na ito kagabi sa cabinet. Siguro yung pasaway na kambal o di kaya yung mama nila ang naglabas nito at nag-set ng alarm. Hay naku, ang hirap talaga ng nakikitira lang.
Kahit na antok na antok pa ako, pinilit ko na yung sarili kong tumayo. Kung hindi, baka pagtripan pa ulit ako ni Yan-yan at ni Ken-ken. Wala na kasi silang ginawa kundi mangulit at gumawa ng kalokohan. At isa pa, kailangan ko nang magluto ng lunch na babaunin nung dalawa mamaya.
Kinuha ko yung reading glasses ng pinsan ko sa drawer at yun muna ang ginamit ko. Kabibili ko lang ng bagong salamin last week kaso nasira ni Ken-ken nung isang araw. Naglaro kasi sila ni Yan-yan ng ‘teacher-teacheran’ kaya kinuha niya yung salamin ko habang natutulog ako. Kaso, nainggit si Yan-yan kaya nag-agawan silang dalawa. Ayun, nabagsak. Basag.
Naku, tama na nga. Nade-depress lang ako kapag naaalala ko yung nangyari. Ang tagal ko pa naman nag-ipon para lang makabili nun.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at pumunta sa kusina. Mainam na ang maingat. Halos wala kasi akong makita nang malinaw dahil sa suot kong salamin. Reading glasses lang kasi. Pero sa awa naman ng Diyos, nakarating ako sa kusina nang hindi naaaksidente.
“Oh, gising ka na pala, Sage. Good morning!” Binati ako ni Helen, yung pinsan ko na nagpahiram ng reading glasses. Naghihiwa siya sa may kitchen counter habang may nakasalang na sinaing sa kalan.
Nasa late 20’s na ang edad niya. Matangkad, maputi at dark brown ang kulay ng buhok niya na wavy. Siya nga rin pala ang legal guardian ko. At siya rin ang mama nina Yan-yan at Ken-ken.
“Good morning. Pasensya na po, na-late ako ng gising.” Lumapit ako sa stove para hinaan yung apoy nung sinaing. Umaapaw na kasi yung mga bula.
“Salamat, Sage,” nginitian niya ako. Di ako kumibo at dire-diretso lang ako papunta sa ref para kunin yung manok para sa adobo.
“Ako na ang bahala dyan. Maligo ka na,” Kinilabutan ako sa sinabi niya. Tama ba yung narinig ko?
“Ate Helen, ayos lang po ba kayo?” Tanong ko sa kanya nang may halong sarcasm. Simula kasi nang matira ako rito, ako lagi ang naka-assign sa pagluluto ng pagkain ng mga anak niya. Nagluluto lang siya ng baon ni Yan-yan at Ken-ken pag may sakit ako at hindi ako makabangon. Busy rin kasi siya, at ang patakaran namin: no work, no food and housing.
“Naku, tumigil ka na nga. Maligo ka na lang.” Nakatalikod siya kaya hindi ko makita yung mukha niya pero na-imagine ko siya na nakangiti nung sinabi niya yun.
“S-sige po,” At pumunta na nga ako sa CR para maligo. Five minutes lang akong gumamit ng banyo, mabilis lang kasi ako maligo. Shampoo, sabon, banlaw, pwede na yun! Pagkabihis ko kinuha ko na yung bag ko tapos, diretso ulit ako sa kusina para magpaalam kay Ate Helen.
Nakita ko yung kambal, gising na pala kaya nag-iingay na agad. Kinukulit si Ate Helen, gutom na raw sila. Ako naman napabuntong hininga na lang. Pag tulog, mukhang anghel yung dalawa kaso pag gising naman, tinutubuan ng sungay. Yung mama naman kasi nila, di sila pinapagalitan.
“Ate Helen, alis na po ako,” paalam ko sa kanya. Napatingin siya bigla sa akin tapos tumigil yung dalawang bata sa pag-iingay.
“Mag-almusal ka muna. Malapit nang mainin yung sinaing,” alok ni Ate Helen. Tatanggi na sana ako kaso, si Yan-yan at Ken-ken naman ang pumilit sa akin na mag-stay.
First time kong maranasan na sumabay sa kanila na kumain na hindi ako yung naghahain. Sa totoo lang, nawi-weirduhan na ako sa mga kinikilos nila pero hinayaan ko na lang. Minsan lang naman mangyari, susulitin ko na.
Pagkatapos kumain, umalis na agad ako. Medyo tanghali na kasi at malayo pa yung pinapasukan ko na school. Tapos pahirapan pa ang pagsakay sa jeep. Buti na lang, sinuwerte ako at nakasakay ako agad. Kaya yun, sakto ang arrival ko. Mag-uumpisa na yung flag ceremony.
Dahil first day of school, lahat ng estudyante nanatili sa grounds. As usual, nagsalita nang pagkahaba-haba yung principal namin. Paulit-ulit lang naman yung sinasabi niya kada taon kaya maraming hindi nakikinig. At isa na ako doon.
Pagkatapos naman nung speech, syempre, di mawawala yung pagpapakilala sa klase. Nakaka-boring, kaya nag-‘May I go out?’ na lang muna ako at nag-CR.
Pagpasok ko sa CR, walang tao. Or so I thought.
Nakahilera ang mga cubicle sa gilid ng restroom. Tapos, sa harap ng mga cubicle, nakahilera rin ang mga lababo at salamin. Papasok na sana ako sa unang cubicle nang mapansin kong bukas yung pinto nung nasa pinakadulo. Tapos, pagtingin ko sa sahig, may traces ng dugo.
Wtf?! May naligaw bang babae rito? Grabe, dito pa nagkalat ng_
Thud! May kung sino yatang tumumba. Galing yung ingay sa last cubicle. Dali-dali akong pumunta roon at nagulat ako sa nakita ko.
O_O”
May taong nakasalampak sa sahig, puro pasa at sugat at wala pa yatang malay. Hindi ko masyadong makita yung mukha niya pero sa tingin ko, halos ka-edad ko yata. Dahan-dahan ko siyang binuhat at dinala sa school clinic. Buti na lang malapit lang sa CR.
Pagdating ko sa clinic, siyang dating naman nung nurse. Akala ko uulanin agad ako ng mga tanong, buti na lang hindi. Inihiga ko yung ‘stranger’ sa pinakamalapit na kama gaya nang iniutos ng nurse. Nilapatan niya agad ng first aid yung mga sugat nung stranger tsaka niya ako tinanong tungkol sa nangyari. Pagkatapos nun, bumalik na rin ako sa klase.
Doon naman ako inulan ng mga tanong at sinermonan.
Pagkatapos ng klase, pumunta ako ulit sa clinic para tingnan kung maayos na ba yung lagay nung stranger kanina. Di ko kasi maiwasan mag-isip at magtaka tungkol sa nangyari sa kanya. Kaso, pagpunta ko naman doon, sabi sa akin nung nurse bigla na lang daw siya nawala ng hindi man lang nagpapaalam. Lalo akong nagtaka pero, minabuti ko na lang na umuwi na at kalimutan ang nangyari.
Paliko na sana ako sa street kung saan ako kasalukuyang nakatira nang biglang may dumaan na itim na limousine sa harapan ko. Akala ko magtatanong ng direksyon kaya huminto ako sandali. May lumabas na matangkad na lalaki mula sa front seat. Nakasuot siya ng black tuxedo at shades.
“Mr. Sage Ramirez?”
“Ano po?”
Huh? Paano niya nalaman ang pangalan ko?
Bigla niyang tinakpan yung bibig ko ng basang panyo sabay bukas ng pinto ng sasakyan. Tapos, tinulak niya ako papunta sa loob.
What the hell is going on?!
Sinubukan kong makatakas kaso huli na. Di rin nagtagal at tuluyan na akong nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
My Debut as a High School Girl!
HumorAko si Sage. 15 years old, male. Isang araw, may nakita akong 'wounded stranger' sa CR ng school. Binuhat ko siya papunta sa clinic tapos bumalik ako agad sa klase. Binisita ko yung stranger sa clinic pagkatapos na pagkatapos ng klase. Kaso sabi...