*Someone's POV*
Nakikita ko sya ngayon na masayang nakasandal sa puno at malamang ginagawa na naman nya ang isa sa mga paborito nyang gawain, ang magsulat ng kwento. Simula noong una ko syang makilala, hindi na sya nawala sa isip ko. Kaso nga lang, hindi ko pa sya pwedeng gambalain. Kasalukuyan palang syang nagpapahilom ng kanyang sugat mula sa nakaraan. Tandang- tanda ko pa kung paano ko sya unang nakita at yung unang araw ko rin syang makilala. Nasa ROTC pa sya noon.
*flashback*
Practical exam ng mga freshmen sa lahat ng college departments. At dahil alam ng tropa kong si Jess na namiss kong manuod ng ROTC, inanyayahan nya akong makita ang final exam ng freshmen sa may Field. Kaya napagpasyahan naming dalawa na mag antayan na lamang sa cafeteria dahil malapit lang naman doon ang venue.
Habang nag iintay ako sa kaibigan ko, may isang babaeng pumasok sa cafeteria, nakakatuwa lang syang pagmasdan habang may binibiling tubig sa counter. Nakatuck in sya ng uniform sa ROTC tapos nakapants na blue at nakagarisson belt at kasalukuyan nyang inaayos ang kanyang buhok para mapusod at malagyan ng hairnet. At pagkatapos nyang bumili ng tubig, mabilis na syang humakbang papuntang venue ng practical exam nila, at ang wari ko'y isa syang cadete. Malusog lamang ng kaunti ang kanyang katawan at nakasalamin sya.
At dahil gusto ko pa syang makilala, sinundan ko na sya papuntang venue at tinext ang aking kaibigan na dumiretso na ako sa venue.
Pagdating ko, nakita ko ang kaibigan kong si Jess na nandoon na pala kanina pa. Agad ko itong tinapik sa balikat.
"Loko ka pre! Akala ko ba hintayan sa cafeteria? Buti nalang naisipan kong pumunta na agad dito, kung hindi, nanuyo na siguro laway ko dun at naagnas nako kakahintay sa wala." Naiinis kong sinabi sa kanya.
"Wag kang mainis pre! Si sir kasi, maaga kaming pinatawag, sya rin may hawak ng cellphone naming lahat kaya hindi na kita natext." Kamot-ulong saad nya.
"Jess! Iformation mo na yung mga girls ng Bravo 2nd! Tapos pakuhanin m- teka, andito ka pala eh!" Sabay lingon sa akin ng Officer nila.
"Opo sir, namiss ko pong manuod ng ganito eh. Nakakatuwa kasi parang mas marami ngayong babae ang sumali." Sagot ko habang nakatingin sa lahat.
"Thompson! Command your platoon to fix themselves at the count of 10! Now!" Sabi naman ng isa kong tropa na si Red. At paglingon ko, yung babae pala na iyon yung nakita ko kanina. Pinagmasdan ko syang mabuti.
"Sir yes Sir!" Sagot naman nya.
"Bravo 2nd! Attention!!" May pagkasnappy nyang utos sa mga kaplatoon.
"You have 10 seconds to fix yourselves, at the count of 10, you must be presentable!" Ibang klase itong babaeng ito. #Snappiestofthemall
"1"
"2"
"3"
"4"
"5"
"6"
"7"
"8"
"9"
"10""Attention!" Muli nyang sinabi kaya nakaayos na ang mga kasamahan nya.
Kinalabit ko si Jess.
"Pre! Sino iyon? Grabe naman yung pagcommand nya! Talo pa tayo noong ROTC days pa natin! Snappy eh! May galit ba iyon sa mundo?" Namamangha kong sabi kay Jess.
"Nako pre! Balita ko, gusto raw nyan talagang magpulis dahil sa sundalo nyang tito, kaso hindi pinayagan ng mga magulang, kaya kahit cadete lang sya, damang dama na nya." Sabi naman ni Jess habang nakatingin sya rito.
*end of flashback*Simula noon, lagi ko na syang sinusundan o tinitingnan sa malayo, hindi ako stalker ha! Hindi stalker ang tawag sa taong binabantayan ang taong mahal nya.
Sana lang pag nakilala na nya ako, maging ganoon rin sya sa akin.
-------------------------------
Hey readers! This is the Chapter 4! Hope you'll like it! Please dont forget to favorite, share or even give comment about this story. Bye!
BINABASA MO ANG
Love Comes Unexpectedly
Teen FictionMay mga bagay talagang akala mo maipapaliwanag, pero kahit anong gawin mo, hindi mo pa rin mahanapan ng tamang salita para bigkasin ito.. Isa na ang Love dyan.. Akala mo, alam mo na sya dahil sa dami na ng napagdaanan mo dito, pero kapag nagmahal...