Chapter 41: Friendly Match (Mico vs. Rinkashi)

58 5 0
                                    

Nag on na ang battle system at nagsimula na ang battle sequence.

"Gunpla Battle Combat Mode Startup.Model damage level set to A"

"Please set your GP Base"

"Beginning Plavsky particle dispersal"

"Field 7: Forest"

"Please set your Gunpla"

"Battle Start" Hudyat ng computer sa battle system ay nagsimula na ang laban.

Nauna nang nag launch si Mico at ng kanyang Crossfire Gundam.

"Mico Andrade.Crossfire Gundam,let's go!"

Sumunod namang nag launch si Rin at ang kanyang Wing Gundam Pyrotechnic Custom.

"Rinkashi Kagumiya.Wing Gundam Pyrotechnic Custom,launch!"

Sabay na ang dalawang gunpla na lumapag sa isang malawak na lugar sa kagubatan.

Mico's POV

"Ibigay mo ang buong lakas mo sa laban na to,manalo man o matalo" Sabi ko kay Rinkashi.

"Mauna ka nang umatake" Pinauna ko na siya para makapaghanda sa susunod na atake.

Bumunot ng beam saber ang Wing Gundam Pyrotechnic Custom at sumugod ito sa aking Crossfire Gundam.Hinarang ko agad ang atake niya gamit ang beam pistol.

"Hindi ako papayag na matatalo mo ako sa isang katulad mo" Rinkashi habang pinupuwersa ng gunpla niya ang beam pistol ko.

"Yan ang tunay na lakas ng loob" Itinutok ko sa Wing Gundam Pyrotechnic Custom ang isa ko pang beam pistol para barilin ito pero lumipad ito paitaas at nagtangkang tumira gamit ang kanyang flame cannon.

Mabilis na nakadetect ang aking radar sa atake ng gunpla ni Rinkashi dahil sa Alaya-Vijnana system na nakainstall sa Crossfire Gundam kaya inilag ko ang tira nito at tumama ang mga beam particles sa kagubatan.

Tumira siya ng vulcan guns kaya ginamit ko na ang mga GN shield bits ko at ang aking organoid na si Kring para mag control sa mga ito.

In-auto pilot ko na ang Crossfire Gundam sa pamamagitan ni Kring para mag sniper mode at kinuha ko na ang GN sniper rifle para barilin ang Wing Gundam Pyrotechnic Custom.

"Target locked" Sabi ko sabay kalabit ng gatilyo sa sniper rifle pero sa kasamaang palad ay di ko natamaan ito dahil sa bilis ng mobility nito.

Anong klaseng gunpla ito? Bakit napakabilis niya lalo na pag nag bird mode ito? Hindi ko rin siya maiisahan sa ganitong sitwasyon.

Inilipad ko ang Crossfire Gundam sa ere at tumira ng beam pistols pero ang bilis niyang makaevade.Gumanti siya ng kanyang flame cannon at nag evade din ako sa atake niya.

Binunot ko ang aking anti armor kukri at sinugod ko ang gunpla ni Rinkashi pero blinock niya ito gamit ang kanyang shield.

"Jackpot hahaha!" Nagulat ako sa sinabi ni Rinkashi kaya hindi ko agad namalayan na nakatutok na pala sa gunpla ko ang kanyang flame cannon kaya pabartikal kong hiniwa ang kanyang shield at nasira agad ito.

"Flame Cannon!" Tumira ng napakalakas na charged beam particles ang Wing Gundam Pyrotechnic Custom kaya lumayo ako agad bago ako mahagip ng particles pero sa kasamaang palad ay nasira ang lahat ng mga shield bits ko dahil nadaplisan ng mga beam particles galing sa flame cannon.

Pinagsabay kong itinira ang dalawang beam pistols pati ang missile pods sa Wing Gundam Pyrotechnic Custom pero pinagbabaril lang niya ng vulcan guns ang mga missiles ko maliban sa mga beams ng beam pistol ko kaya natamaan ko ang gunpla ni Rinkashi at nagtamo ng minor damage sa kanang balikat nito.

Itinutok niya sakin ang flame cannon pero nag counter ako at tinira ko ang baril gamit ang sniper rifle at sumabog ito.

"Di ako susuko,lalaban ako hanggang sa huli!" Seryoso na si Rinkashi sa aming laban kaya panahon na para seryosohin ko na din ang laban ko.

Sumugod siya gamit na lang ang natatanging beam saber kaya tatapusin ko na siya habang maaga pa.

"Tapos ka na!" Tutok ko sa kanya ng sniper rifle habang papalapit siya sa kanya pero hiniwa niya ang sniper ko gamit ang kanyang beam saber at sumabog ito.

"Kwits na tayo" Ani ni Rinkashi sabay sugod at atake gamit beam saber.

Inilag ilag ko bawat hampas niya ng beam saber at bumaba sa forest para ipagpatuloy ang laban.

"Tapusin na natin to Mico" Ani niya kaya nag nod na lang ako at sabay na ang aming mga gunpla na sumugod.

Nagfencingan kami gamit ang dalawang beam saber ng Wing Gundam Pyrotechnic Custom at isang anti armor kukri & isang beam pistol sa Crossfire Gundam.

Itinira ko ang beam pistol pero nag evade pa rin siya sa mga tira ko at paibaba niyang inislash ang kanyang beam saber pero nasalag ko naman ito gamit ang anti armor kukri.

"Masaya ang laban na to" Sabi ko at gumanti ako sa kanya at paikot kong inislash ang anti armor kukri sa katawan ng Wing Gundam Pyrotechnic Custom at nagkadamage ito at nagkaroon ng hiwa galing sa aking melee weapon.

Gumanti si Rinkashi at inislash niya paitaas na pa uppercut ang kanyang beam saber sa Crossfire Gundam ko at nagkaroon din ito ng malaking hiwa sa chest part.

"Tingnan natin kung sino ang mananalo sa laban na to" Sabi ni Rinkashi at patakbong sumugod ang Wing Gundam Pyrotechnic Custom.

Sumugod na rin ang Crossfire Gundam at sabay nagtagpo ang mga gunpla namin habang inislash ang mga melee weapons namin.Beam saber sa kaliwang bahagi ng gunpla ko at anti armor kukri naman ang sa kanang bahagi ng gunpla ni Rinkashi.

Habang papalayo ang dalawang gunpla sa isa't isa ay naalala ko ang isa kong beam pistol at balak kong itira ito sa Wing Gundam Pyrotechnic Custom.

"Jackpot din ako hahaha!" Sabi ko sabay kulikot ng D-pad controls.

Itinutok ko ang beam pistol sa gunpla ni Rinkashi at pinagbabaril ko ito.

Tugs! Tugs! Tugs! Tugs!

Tinamaan ko ang likod ng Wing Gundam Pyrotechnic Custom at sumabog ito.

Boooooogggggggsssssshhhhh!!!

"Battle Ended" Sabi nung computer sa battle system at tapos na ang laban.

Nagsigawan ang mga tao dahil sa nasaksihan nilang laban.

"Hindi ako makapaniwala! Grabe ang laban na yun.Ang nanalo sa first match ay si Mico Andrade at ang kanyang Crossfire Gundam,congrarulations!!! Pasok ka na sa semifinals" Hindi ako makapaniwalang pasok na ako sa semifinals.

"Congratulations Mico at pasok ka na sa semis" Rinkashi sabay abot ng kamay sakin para makipag shake hands.

"Ang galing nating dalawa lalo na ikaw Rin,salamat" Sabi ko sabay shake hands namin sa isa't isa.

Pagbalik namin sa mga audience seat ay sinalubong kami ng mga iba pa naming mga kasama.

"Mico congratulations" Bati ni Yumi.

"Salamat" Tangi kong sambit.

"Ang ganda ng laban nyo.Kinilabutan ako dun ah" Ani ni Rui.

"Congrats Mico" Bati din ni Ryosuke.

"Salamat guys" Sabi ko sa kanila.

"Hoy Ryosuke ikaw na ang susunod" Ani pa ni Mr. Ral.

"Opo coach di pa nagsisimula" Sabi ni Ryosuke habang naghihintay sa kanyang susunod na laban.

############################

Nagsimula na talaga ang quarterfinals at sa unang laban nila nina Mico at Rinkashi ay nanalo si Mico sa unang laban sa quarterfinals.Congratulations sayo Mico at pasok ka na sa semifinals.

Abangan ang susunod na update sa Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 42: Fight for Revenge (Ryosuke vs. Romanio).



@CyasineFritzel

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon