Mika's POV
"Type mo no?"
"Anong sinasabi mo dyan?"
"Kunwari ka pa. Nakatitig ka kaya sa kanya"
"Kanino ba Cienne?"
"Asus! And landi mo! Hoy Mika! Saken ka wag magsinungaling, iniisip mo palang alam ko na"
"Ewan ko sayo. Tss. Sige na umalis ka na matutulog na ko"
"Ang rude mo! But seriously... tinignan ko sya, ang cute nya"
"Ha?"
"I mean no, ang gwapo nya"
"Hahahahaha ikaw yata may crush eh?"
"Hindi no, di kita aagawan"
"Cienne!"
"What? Wala namang masama kung aamin ka!"
"Aamin saan e hindi nga!"
"Hindi daw, sige na Mika.. wala namang masama kung maattract ka sa kanya, kahit naman yata sino maattract dun"
"Well, exclude mo ko"
"Hay naku! Ayan na naman sya sa mga padeny deny nya. Kaya ka nahuhuli eh, masyado kang obvious, anyway, kung ayaw mong umamin bahala ka. Wala namang masamang magkacrush"
"Whatever Cienne"
Nagbalik ako sa realidad ng biglang magring ang phone ko. Pagcheck ko yung alarm ko lang pala. Bago sakin na maunahan ko yung alarm ko kasi usually saktong 7am akong magising. Iba ngayon, halos hindi ako nakatulog. Time after time nagigising ako.. thinking about... really nothing.
Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa utak ko yung mga sinabi ni Cienne bago sya umalis. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naisip yung girl.. I mean yung butch.
Napabuntong hininga na lang ako at pinilit burahin sa utak ko kung ano man yung iniisip ko. Inayos ko yung mga papers na ginawa ko kagabi nung hindi ako makatulog, sana naman iapprove na to ni Sir Ed para hindi na ako mahold. Bukas Sunday na, kelangan ko ng maghanda para sa pag-uwi ni Jim.
After kong iayos yung mga gamit ko ay agad na akong nag-ayos ng sarili, ayokong malate ngayong araw lalo at kailangan kong magpagood shot kay Sir Ed. Pagkalabas ko ng pad ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya....
Dun sa butch.
Hanggang ngayon may ilan sa mga gamit nya ang nasa hallway pa din at hindi pa nya naaayos, ayun sya... nakatalikod sa gawi ko at para bang may kinukuha mula sa box. Hindi ko maiwasang, muli, ay icheck out sya. Nakasando sya... muscle tee to be specific, hindi ko maiwasang icompliment ang sexy back nito. Nakaboxer's short sya at infairness, ang puti ng legs nya.
Naramdaman ko na lang ang panunuyo ng lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap nyang pagmasdan. Pawis na pawis sya. Bawat pagpatak ng pawis mula sa buhok nya pababa sa batok nya ay hindi napapalagpas ng aking mga mata.
Muli ay napalunok ako.
Bumaba ang tingin ko sa likod nito, basang basa na yung sando nya, kitang kita ko din ang pagdaloy ng pawis nito sa likod nya. DI ko na napigilan ang mata ko.... napatingin ako sa.... nice ass.
Sa hindi malamang kadahilanan ay napakagat labi ako.
"Nakita mo na yung----"
Napabalikwas na lang ako ng may biglang lumabas mula sa pintuan kung nasan nakatapat ang mga gamit nya.
BINABASA MO ANG
DOWN BY LOVE
RomanceAkala ko nung una May bukas ang ganito Mabuti pang umiwas Pero salamat na rin at nagtagpo