Chapter 4 - Dangerous Life

86 16 1
                                    

Chapter 4

Arvie’s POV

“Ang 3,000 ko...”

“Ha?”

“Ang 3,000 ko...” (T____T),,

“Bakit Anong nangyari sa 3,000 mo?”

Parang tanga rin minsan si Carlos. Bakit ko pa kasi naisipang ipusta ang pera ko... natalo tuloy ako dahil sa Carlos na ito.

“Maiwan na kita,” sabi naman ni Andrew. Hindi ko talaga inakala na magkakilala rin sila. Nag-apir pa sila. Ganun ba talaga sila ka-close ni Sir Andrew?

“Bakit ka ba sikat dito sa school!!!!”

“Ako?”

“Hindi!!! Sila... Kasi sila ang kausap ko!” galit kong sabi sa kanya. “Makaalis na nga!”

Grrrrr... tanga!

“Hey teka,” sabi pa niya pero umalis na rin ako. Naglalakad na ako papunta  sa may parking lot. Iniwan na talaga ako ng mga kaibigan ko. Nang biglang may narinig akong motor malapit sa likuran ko.

Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari... naramdaman ko nalang na may taong biglang umakap sa akin para hindi ako masagasaan ng motor. Grabe naman ang motor na iyon eh nandito pa naman kami sa loob ng school.

“Halika dito bilis,” sabay hila ng lalaki sa akin papalayo. Para kasing hinahabol kami ng motor na iyon. Diba uso ang riding in tandem? Hala... naku naman ‘wag po...

“Carlos?” si Carlos pala ang humila sa akin. Chansing naman masyado ang lalaking ito kaya itinulak ko siya papalayo. Ano siya sinuswerte?

“Bilis,” sabi niya at tumakbo kami papunta sa station ng guard.

Nagulangtang ako nang makita ko ang mga guards na nasa sahig at napasigaw ako. Pagkatapos napayakap ako kay carlos dahil sa takot. They’re all dead... huhuhuhuhu... Pagkatapos ay iniligay ni Carlos ang kanyang headphone sa tenga ko.

“Ipikit mo ang iyong mga mata,” sabi niya.

Sumunod naman ako sa kanya kahit naluluha na talaga ako. Pagkatapos ay ipinasakay niya ako sa likod niya.

The dawn is breaking

A light shining through

You're barely waking

And I'm tangled up in you

Yeah

I'm open, you're closed

Where I follow, you'll go

I worry I won't see your face

Light up again

Naramdaman ko na tumatakbo pa rin kami ni Carlos pero medyo nadidistract ako ng music... Paborito ko pa naman ang kantang ito... kaya sumasabay nalang ako dahil sa takot.

Bang, Bang, Bang...

Ratatat... tatat... tatat...

Ratatat... tatat... tatat...

 “Ako na ang bahala sa iyo,” sabi niya kaya nawala agad ang takot ko.

Even the best fall down sometimes

Even the wrong words seem to rhyme

Out of the doubt that fills my mind

I somehow find you and I collide

Do do do do do x4

I'm quiet you know

You make a first impression

I've found I'm scared to know

I'm always on your mind

Patuloy pa rin kami sa pagtakbo at talagang ipinikit ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay ligtas ako kahit si engot ang kasama ko at hindi si Cupid. Hindi naman siguro siya masama tulad ng iniisip ko. Iniligtas pa nga niya ako eh.

Carlos POV

Pasan ko pala siya sa likod ko. This girl is just so fragile. Hindi ko alam kung bakit siya gustong patayin ng mga lalaking iyon. Agad kong tinungo ang mini-forest ng school namin. It’s not really that wide pero alam ko ang pasikot-sikot dito. Mahihirapan ang kanilang motor sa lugar na ito. At madali rin kaming makakapagtago at maka-alis ng hindi nila nalalaman.

Zzzzzzzzzz... Zzzzzzzz... Zzzzzzzzz...

Nakatulog na pala si Arvie. Haay...

*Flashback*

“I’ll pay you a great amount of money basta protektahan mo lang ang anak ko when I’m not around.”

Hindi pa nga ako pumayag pero nang ipinakita na niya ang laman ng account ko... it’s really tempting and I know that I would be able to pay for my debts. Hindi ko naman sinabing papayag ako.

“Silence means yes right?”

*End of Flashback*

Kaya pala ang laki-laki ng bayad para sa pagiging yaya ng kanyanng anak. Pero hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. I feel very protective of her. Dito sa forest ko siya unang nakita. Naka-costume pa nga ako that time. Nakakatuwa talaga si Arvie kasi hindi mo alam kung tanga siya o nagtatangatangahan lang.  Nagtago muna kami sa forest at pagkatapos ay inihatid ko na siya sa kanila.

Ginising ko nalang siya ng makarating na kami sa kanilang bahay. Ang laki naman ng kanilang bahay...

“Arvie nandito na tayo sa inyo...”

“Ha? Ako? Sino ka nga pala? Salamat sa paghatid sa akin, Cupid,” at tumawa pa siya bago tuluyang umalis.Cupid daw? Ako si cupid?

Cupid's Heart [Major Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon