Recognition

26 3 2
                                    

Malungkot na malungkot si Aldrin buong maghapon na yon. Patapos na yung school year, eto na yung huling pagkakataon na makikita nya si Aliana. Habang nagdadalawang isip sya na aminin yung tunay nyang nararamdaman. Naaalala nya pa nga nung magkatabi silang dalawa. Nadumihan nya lang yung inosenteng isipan ni Aliana.

Habang si Aliana, hindi rin maganda yung lagay. Nakaupo lang sya nakahiga habang nanonood ng tv. Pero laging pumapasok sa isip nya si Aldrin. "Crush nya rin kaya talaga ako?"

Hindi makatulog si Aldrin sa kaba para sa recognition. Iniisip nya na baka kung ano ang mangyari kapag sinabi nya kay Aliana yung nararamdaman nya. Kahit alam na yun ng buong klase. Pero wala syang ideya na parehas lang sila ng nararamdaman ni Aliana.

Bumangon sya atsaka binukas yung laptop. Naisip nya, maglalaro na lang sya ng League of Legends hanggang antukin. Nakita nya si jb na online din, playing as Quinn for 34 minutes kasama sina Andrei at Vincent. Nagchat si Aldrin sa kanya para ayain sya maglaro.

"Tara ranked tayo"
"Ako ADR, ikaw yung support"

Matagal ding naghintay si Aldrin na matapos ang match nila. Pero di rin nagtagal ay nag online din si Audi, at agad nakareceive si Aldrin ng message mula dito.

"Senpai laro tayo, pa invite"

"Teka lang, hintayin na natin sila Andrei, ranked tayo"

Pagkasend nya nun, nagreply agad si jb.

"O sige, ako na gagawa ng party"
"Magka Karma ako"

At saka na nakapag usap ang lima,

PAMPAMGUINI24(Audi): Ako mid, mag aahri ako
ZzVermillionGodzZ(Andrei): Sige, ako farm.
realTheMaster9(Vincent): Ako farm!
realTheMaster9(Vincent): Magjajax ako
ZzVermillionGodzZ(Andrei): Magninidalee ako, magnasus ka na lang.
realTheMaster9(Vincent): Ako na lang pala support, veigar.
StaticBlood28(JB): Ako na nga support eh. Mas magaling akong support. Magtop ka na lang.
AldrinThunder24(Aldrin): Dapat babae support ko eh. Tulad ng kay sepai.
StaticBlood28(JB): Tulad ni Aliana.
PAMPAMGUINI24(Audi): Ay nako! Binata na si Senpai.
ZzVermillionGodszZ(Andrei): Ayyiiee
realTheMaster9(Vincent): Ay, Aliana daw o.
StaticBlood28(JB): Recognition ma bukas Den, magcoconfess ka na ba sa kanya?
AldrinThunder24(Aldrin): **** ka pala eh.
ZzVermillionGodzZ(Andrei): Ayyiiee
PAMPAMGUINI24(Audi): Wag ka mag alala senpai, tutulungan ka namin bukas.
AldrinThunder24(Aldrin): Oy, start na!
realTheMaster(Vincent): Hahaha, iniiwasan mo yung topic e.
StaticBlood28(JB): Oo nga, bakit ayaw mo bang pinag uusapan si Aliana?
AldrinThunder24(Aldrin): Eh kayo ba ni Angel, kamusta na?
ZzVermillionGodzZ(Andrei): Ayyiiee
PAMPAMGUINI24(Audi): Sino ba yun senpai, yung crush nya?
StaticBlood(JB): DALI NYO START NA!!

《《《♡♡♡》》》

Pagdating ng recognition, nagulat si Aldrin. Di nya mapigilang hindi sumulyap kay Aliana. Di nya mapigilan, dahil sa make up ni Aliana.

Pero lumipas lang yung recognition. Di nya nasabi yung gusto nyang sabihin.

Ayun naman yung mga kaibigan ni Manahan, yung may gusto sa kanya, pinipikot sya. "Aldrin, dali mo, isang picture lang", sinabi ni Shania sabay hatak sa kanya.

《《《♡♡♡》》》

Nalungkot si Aldrin, hinayaan nya lang lumipas yung buong school year. Umakyat sya sa stage para hanapin si Aliana. Nakita nya paalis na sila nila Angel!

Inisip nya na pauwi na sila....OR SO IT SEEMED!!

After The School YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon