INDECENT PROPOSAL

9 0 0
                                    

  "I'm really sorry." yan ang sinabi nya matapos nyang ilapag sa lamesa ang singsing na binigay ko sa kanya anim na buwan na ang nakakalipas.

  Nakatitig lang ako habang tinatanaw sa kanya habang naglalakad palayo sa akin at palabas sa lugar na 'to.

  My fiancé just called off our engagement. For a reason that I really don't know.

  Tumingin ako sa paligid, kaliwa't kanan. Walang nakatingin, walang nakakaalam. Sinigurado ni Lexy na hindi gagawa ng kahit anong eksena yung ginawa nya ngayon. Para wala sa amin ang mapahiya. Pero bakit ganun? Parang lahat ng mga mata, lahat ng atensyon nasa akin?

  Kinuha ko ang singsing na mabilis kong nilagay sa bulsa ng suot kong jacket, at mabilis na naglakad paalis ng lugar para iwasan yung mga tingin ng tao sa akin.

  Pagsara ng pinto ng kotse, nanatili akong tulala. Kinuha ko ang singsing at matagal na tinitigan.

  What did I do wrong?

  Tanong ko sa sarili. Binalik ko ang hawak na singsing sa bulsa at nag upisang mag maneho.

***

  I ended up in a bar counter alone, drinking. Lumulutang na yung isip ko, pero hindi mawala sa alaala ko yung ginawa ni Lexy sa 'kin kanina?

  "Bakit? Why? Why did you dump me like that?!" mahina kong tanong.

  Hindi ko na alam kung anong oras na, pero dito sa bar, mukhang magiging mahaba pa ang gabi.

Nakayuko na ako, nang biglang may nagsalita sa kanang tenga ko. Boses ng babae. Napaangat agad ang ulo ko para tignan sya.

  Nakangiti, malabo ang mukha nya dahil nga lasing na ako, nakita kong may sinasabi sya pero hindi ko marinig gawa ng ingay ng tugtugan.

  "What?" tanong ko. Nakita kong ngumiti sya at mas nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko at may binulong sa akin.

  "Are you new here? I've never seen here before."

  "Y-yeah!"
 
  "Are you alone?"

  "Yes, Alone and..... miserable."

  Humarap sya sandali sa bartender at binalik nya ang tingin sa akin.

  "Let's drink to that!" nakangiti nyang sabi sabay alok ng baso na may lamang alak.

  Kinuha ko ang inaalok nyang alak.

  "Let's drink to that!!"

  Masaya kong tugon.

  Lumipas ang oras na itong babae lang na ito ang tangi kong kausap. Naging mas kumportable kami sa isa't-isa kaya mula sa bar counter ay lumipat kami sa bilog na sofa, magkadikit na nakaupo. Dahil na din sa kasasingan, we started to flirt with each other. May mga tao na kasama namin sa sofa pero wala na kaming pakialam.

  Sumayaw kami sa mga mapang-akit na tunog.

  I told her my whole story,

  "and that's all of it." sabi ko malapit sa tenga nya.

  Nasa gitna padin kami ng dance floor, nagsasayaw.

  "That is so sad. But, I love that you told me your story," nakangisi nyang sagot. Banaag nadin sa kanya ng sobrang pagkalasing.

  "so kiss me,..... Before I lose my mind." sabi ko sa kanya.

  Hindi na ako nag antay pa ng sagot nya, agad kong nilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan sya.

  I feel like this is the perfect time to ask her.

  So I got down on my knee, pull the ring out of my pocket, ang ask her.

  "Will you marry me?"

  "Yes!"

  Agad ay tumayo ako at hinalikan sya ulit. Sobrang saya ko! Ito na siguro ang pinaka masayang gabi ng buhay ko.

- to be continued

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INDECENT PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon