Patawad

14 2 0
                                    


Andito ako nagaabang parin sayo,

 inaalala ang mga katagang sinabi mo

nung araw na iniwan mo ako,

nung sinabi mong "palayain mo na ako"

pero mahal patawad, patawad dahil hindi ko ginawa...

Patawad dahil ayoko pakase hindi ko pa kayang palayain ka

at hindi ko pa kayang kalimutan ang mga alaalang binuo natin ng sabay.

Mahal, alam kong madali lang sayo na kalimutan ako

dahil alam kong may iba ng tinitibok ang puso mo.

Pero sana wag mo naman sanang gawin sakin to ,

dahil minamahal parin kita ng buo ,

ikaw padin ang nagbibigay sakin ng saya

tuwing nakikita ka ... kahit na may kasama ka ng iba.

 Ganito naman talaga ang tibok ng pag-ibig hindi ba?

Na kahit masaktan ka basta Makita mo lng syang masaya

 na kahit ang mga ngiti nya ay nagmumula na ngayon sa iba...

na kahit ang tibok ng puso nya ay para narin sa iba.

Hindi tulad ng dati na ang pangalan moa ng sinisigaw ng puso nya.

Pero mahal , ayos lng ayos lng na masaktan mo ako ng paulit ulit

 basta Makita lng kitang masya.

Na ang mga ngiti at tawa mong binubuga dahil napapasaya ka nya ,

 Hindi tulad sakin na puro sakit at dusa ,

 kalungkutan ang tila nadarama .

 Naalala ko pa nung araw na ika'y lumapit sakin habang lumuluha

at yun ang aking kinatuwa dahil akala ko pwede pa at akala ko gusto mo pa

Pero nagkamali ako dahil sinabi mo na...

"ayoko na,palayain mo na ako dahil hindi na...

hindi na ikaw ang tinitibok ng puso ko dahil iba na...

iba na ang nagbibigay sakin ng saya na

 hindi mo man lng naibigay sakin nung tayo ay nagmula.

 Kaya parang awa palayain mo na ako

dahil hindi ko na kayang mabuhay ng kasama ka"

at nung narinig ko ang mga katagang yun para akong ginising sa isang bangungot,

sa isang bangungot na wala ka na

at sa bangungot na may iba ka na

pero sa halip na ako ay tumigil dahil ako'y nasasaktan

 patuloy parin ako umaasa na balang araw

 babawiin mo ang mga salitang sinabi mo sakin...

Umaasa parin ako kahit alam kong wala na,

 kahit nung pinagmukha mo akong tanga nung hinabol Kita

at nagmakaawang "

wag muna...wag muna dahil hindi ko pa kaya

na Makita kang masaya sa piling ng iba,

 Wag muna dahil ako ay umaasa pa

 na babalik ang araw kung saan tayo nagmula,

patawad dahil hindi ko pa kayang palayain ka"



(AN: HAHAHHAHAHA OMO ITUTULOY KO PA BA??? HAHAHHAHA xD)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Patawad"Where stories live. Discover now