Reign POV
Nandito ako sa aking restaurant.. ako na muli ang hahandle nito.. kakatapos lang ng meeting namin ng aking mga staff.. gaya ng dati.. sinabihan ko sila na walang magsasabi sa kahit sino na ako ang may ari ng restaurant na ito.. ayoko kasing may nakakaalam na iba.. at ayoko din na malaman ng ibang tao kung sino ako..
Ako nga pala si Alexis Reign Smith.. 24 years old.. half british and half filipino ang mother ko at half scottish and half filipino namn ang father ko.. kaya ang resulta.. isang dyosang kagaya ko.. walang ng kokontra.. isa sa pinakamayaman na business tycoon ang pamilya namin.. hindi pa ako pinapakilala ng parents ko sa business world.. kaya nandito ako ngayon sa pilipinas.. at hindi pinapaalam kung sino talaga ako.. gusto ko muna ng simpleng buhay.. dahil pag ipinakilala na nila ako paniguradong gugulo na ang buhay ko.. at itong restaurant ko at isang bar ang pinagkakaabalahan ko dito sa pilipinas..
Naglalakad ako ngayon papunta sa isang table dito sa resto para dalhin ang kanilang order.. tumutulong din kasi ako sa mga staff ko dito.. ayoko ko kasing nasa loob lang ako ng office.. kaya eto ko ngayon.. ng may biglang bumunggo sa akin.. at natapon ang dala ko..
"Shit!! Bulag ka ba? Hindi ka manlang tumutingin sa dinaraan mo?? Tignan mo natapunan mo pa ako.. bwisit!!!" Sabi nung bumunggo sa akin.. halata mong maldita.. naku ayoko pa naman ng away..
"Sorry po ma'am .. sorry po.." hingi ko ng paumanhin sa kanya..
"Sorry?? Tignan mo nga itsura ko oh?? Fuck.. tatanga tanga ka kasi eh.. nasaan ba ang manager dito.. kakausapin ko.. hindi sya dapat naghihire ng isang tangang kagaya mo.." aba napakamaldita naman talaga neto.. hello.. ako kaya manager dito .. sa akin ka din magsusumbong no.. gusto ko ng sabihin yan sa kanya.. pero hindi nila pwede malaman na ako ang may ari nito.. napansin ko ang lalaking kasama nito na nakatingin ng masama sa babaeng kasama nya.. gwapo ah.. galing naman makabingwit nitong babaeng to.. hayyy.. sayang naman.. papatawag ko na lang siguro yung assistant ko.. magsasalita na sana ako ng biglang magsalita yung lalaki..
"Enough krystal.. you should accept her apology.. hindi mo na kailangan palakihin pa ito.. humihingi na nga sya ng sorry sa iyo diba.. and besides.. may kasalanan ka din.. hindi ka din tumitingin sa dinaraanan mo.." buti pa to mukhang mabait..
"What babe?? Mas kinakampihan mo pa ito kesa sa akin???I can't believe you!!!" Sagot nung babae dun sa lalaki.. halatang nainis sa sinabi ng boyfriend nya.. hahah.. dapat lang sa kanya yun no.. pangit kasi ng ugali..
"Shut up!! mamili ka... titigil ka at magsosorry ka sa kanya or hindi mo na ko makakasamang lumabas uli???" Sagot uli nung lalaki.. halata mong galit na ito.. nakakatakot naman tong magalit.. ang samang makatingin.. kung nakakamatay lang siguro yung titig na yun..kanina pa siguro nakahandusay yung babae na yun..
Bumuntong hininga na lamang yun babae halata mong takot sya dun sa lalaki saka bumaling ng tingin sa akin..
"Fine! Sorry miss.." un lang ang sinabi sa akin at saka bumaling ng tingin sa lalaki.. "happy??" Tanong nya... tinalikuran lamang sya nung lalaki at saka lumabas.. sulpado naman nun.. pero gwapo padin.. hahah.. tinignan na lang ako ng masama nung babae saka sumunod dun sa kasama nya.. hayyy.. nakahinga din ako ng maluwag.. grabe ang ugali nung babae na yun talaga..
"Ma'am ako na pong bahala maglinis dito.. " sabi sa akin ng staff ko.. tumango na lang ako saka nagpunta sa office ko.. nagpalit na ako ng damit.. ng biglang may tumawag phone ko..
Kring.. kring.. kring..
Abby calling...
Bestfriend ko pala... kaya sinagot ko na.."hello" sabi ko..
"Hello bes.. busy ka ba? May bago daw bukas na bar.. tara puntahan natin.." pag aaya nya sa akin.. sa bagay wala din naman akong gagawin ngayon.. at isa pa naistress din ako sa nangyari kanina.. kaya sige na nga sasama na ako..
"Sige.. daanan mo ako dito sa resto.. wala akong kotse eh.. hintayin na lang kita dito " pagpayag ko sa kanya
"Sige sige.. wait mo na lang ako dyan" sagot nya sabay end ng call..
After 30 mins..
"Bakit kasi ayaw mo pang gamitin yung kotse mo dito bes.? Ikaw din naman ang nahihirapan.." sabi nya sa akin habang pailing iling.. nasa byahe na kami ngayon papuntang bar.. ewan ko ba dito.. ilang beses na din akong sinasabihan tungkol dun.. pero ayoko talaga.. ilang beses ko na din pinaliwanag sa kanya kung bakit.. sadyang makulit lang talaga sya..
"Hay naku bes.. alam mo naman kung bakit ko to ginagawa diba?" Sagot ko sa kanya.. hindi na lang sya kumibo at nagpatuloy na lang sa pagdrive..
Nandito na kami sa bar ngayon.. madami ng tao.. buti nakahanap pa kami ng mappwestuhan.. nag order na din kami ng maiinom..
Nagkkwentuhan na kami ng bestfriend ko habang umiinom.. naikwento ko na din sa kanya yung nangyari sa resto kanina.. at yun pinagalitan na naman ako ng lola nyo..
"Kasi naman may mga empleyado ka naman don.. bakit kailangan mo pang tumulong sa pag seserve.. andun na tayo sa ayaw mong magpakilala na ikaw ang may ari ng resto.. pero sana na naman eh wag ka ng magpakabayani sa pagtulong sa staff mo.. ayan tuloy napapaaway ka pa.. naku lang talaga.. makita ko lang ang pag mumukha ng babaeng yan kakalbuhin ko talaga yan.. buti na lang at umawat yung gwapong lalaki na sinasabi mo.. kundi naku talaga.. " panenermon nya sa akin.. napakaoverprotective talaga sa akin ng bestfriend ko na to.. kaya hayan.. nagagalit dahil may nang away sa akin kanina..
Tumahimik na lang ako at nilibot ang paningin sa paligid.. nang may mapansin akong lalaki ... mukhang pamilyar sya sa akin.. pero hindi ko makita yung mukha nya.. nakatalikod kasi sya sa amin.. at may lumalanding babae sa kanya.. halata mo dito na iniiwasan nya yung babae.. hindi ko pa din inaalis ang tingin ko dun sa lalaki.. hanggang umalis na yung babae na kasama nya.. bigla syang lumingon.. na ikinagulat ng makita ko ang mukha nya.. hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya.. ang gwapo nya talaga.. ang ganda pa ng katawan.. halatang inaalagaan.. bigla na lamang akong napatigil sa pag iisip dun sa lalaki ng bigla akong kalabitin ng kasama ko..
"Besssss.. omg.. may nakita akong gwapo.. ayun oh.." excited na sabi nya sa akin.. bipolar talaga ting bestfriend ko na to.. kanina lang pinapagalitan ako ngayon naman naglulumandi na agad.. hayyy... ewan ko ba talaga dito
tinignan ko na lamang yung sinasabi nya.. ganun na lamang ang pagkagulat ko ng mapagtantong iisa lang pala ang tinititigan namin..
"Oh ano na bes?? Natulala ka na dyan.. gwapo nya no??" Tanong sa akin ng kasama ko..
"Sya ung sinasabi ko sa iyo bes.."
"Aling sinasabi?? Don't tell me kilala mo sya??" Nagtatalang tanong nya sa akin..
"Amnesya lang bes?? Sya yung sinasabi ko sa na kasama nung babaeng nang away sa akin sa resto.." sagot ko na lang sa kanya saka uminom..
"Really ?? Aba gwapo naman pala talaga.. lapitan natin.. para makilala naman natin.. dali.. hanggat hindi nya kasama yung asungot na sinasabi mo.. " pag aaya nya sa akin habang hinihila akon patayo sa aking kinauupuan..ayan na naman po tayo.. umentrada naman ang pagkakirenkeng nitong bestfriend ko .. wala na kong nagawa kundi pumyag panigurado kasing hindi ako titigilan nito.. patayo na sana ako ng makita naming wala na sa kanyang kinauupuan yung lalaki..
"Ayan tuloy nawala na sya.. bagal mo kasi eh.." aba ako pa talaga ang sinisi?? Kasalanan ko bang umalis na yun lalaki.. makakita lang ng gwapo hindi na mapakali.. napailing iling na lamang ako saka ipininagpatuloy ang pag inom..
"Hayaan mo na nga yun. Hanap ka na lang uli ng iba" pangpalubag na sabi ko sa kanya.. sinimangutan na lang ako nito tsaka tinuloy nag pag inom.. alas dos na ng madaling araw kami nakauwi.. hinatid nya ako sa tinutuluyan kong apartment..
Nakahiga na ako ngayon sa aking higaan.. pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok.. naalala ko na naman yung lalaki kanina.. gwapo talaga nya.. ang ganda nung mata nya.. singkit sya bagay na bagay sa mukha nya.. 'hayy ano ba to.. ni hindi ko nga sya kilala sa eh.. makatulog na nga lang..' sabi na lang sa sarili ko.. saka pinilit na matulog..
♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢
Another chapter done..😊😊
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomansaPaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...