Inlove ako sa bestfriend ko..

372 12 11
                                    

A/N

Shumoshort story. Try lang. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ako si Jepoy. Second year college. Marketing. Nakakapag-aral ako sa pagsisikap ng nanay ko. Matyagang syang nagtatrabaho. Patay na kasi erpat ko eh.

Nagkakatulong ang nanay ko sa mga Del Valle. Bata pa ko dun na siya namamasukan. Ako naman ang hardinero. May green thub daw kasi ako. Pero pag wala lang pasok. Mababait ang mga Del Valle. Lalo na si Trisha, bunsong anak, bestfirend ko.

Masaya ako sa ginagawa ko. Lalo na pag nakikita ko si Trisha. Crush ko nga siya eh. Mahal ko na nga ata.

Kaya lang imposibleng magustuhan niya rin ako, Mahirap lang kami. Mayaman sila.

Hindi na nga nakakapagtaka nung sinabi niyang may boyfriend na siya.

"Jepoy! Sakto! Mamaya na yan. Samahan mo muna ko magcoffee." may hawak siyang dalawang tasa at papunta sa table sa kabilang side ng garden.

"Ah eh, sige. Wait lang." Hindi na ko tumanggi. Hindi rin kasi ako nakakain kanina. Binaba ko yung hawak kong water hose. Tumakbo ko papalapit kay Trisha.

Di naman tutol yung parents niyang makipagkaibigan siya sa mahirap na katulad ko. Ang bait talaga nila!

"Ang aga mo ata bumangon Trish? Wala naman kayong pasok ngayon diba?" tanong ko sakanya.

"Hindi nga kamo ako nakatulog." bigkas niyang may ngiti sa labi. Yung tono niya parang masaya siya at hindi nakatulog.

"Ha? Bakit? May problema ka ba?!" nag-alala pa rin ako.

"Wala ah. Masyado lang masaya sa nangyari kagabi." nakangiti pa rin siya.

"Ah!" nakahinga akong maluwag. "Bakit? Ano bang nangyari kagabi?" pag-usisa ko sabay higop ng kape.

"May boyfriend na kasi ako, Jepoy." 

Naibuga ko naman yung ininom kong kape. Buti na lang at medyo nakatagilid ako kay Trisha kundi sakanya ko nabuga yung kape.

"Oh bakit? Masama ba ang lasa?!" pagtataka niya.

"Ah..Hindi! Mainit kasi. Hindi ko napansin. Hehe. Pasensya." pagsisinungaling ko. "So, who's the lucky guy?" tanong ko na parang galak na galak sa narinig kong balita.

"Si Raphael! Naalala mo yung kasama ko dito last week? Yung kausap ko dito sa garden? Siya! Hehe. Ayos lang ba? Bagay naman kami, diba?" Yung tono niya parang hindi naman nagtatanong. Nararamdaman kong kelangan kong um-oo kasi kung hindi baka mag-iiyak to tapos magdadabog. Baka magwalk-out at hindi na ko kausapin forever.

"O-o-oo naman! Perfect combination!" sambit kong masaya. Pero hindi. Peke yon. Hindi ako masaya. Nasasaktan ako. 

"Hehehe. Sabi ko na approve siya sayo eh!" approve naman eh. May itsura at mukang mabait. Kaya lang, pano na ko? Sabagay, alam ko namang walang pag-asa ang kagwapuhan ko kay Trisha eh.

"Ah. Hehe! Dapat igalang ka nyan ha? Pag sinaktan ka, sabihin mo sakin. Reresbakan natin, okay?!" hindi halata sa tono ko yung selos. Magaling ako sa pagsasalita. Convincing daw. Kaya nga ako nag-marketing.

"Hehehe. Loko ka talaga! Pero sige. Deal yan!" kinikilig naman si Trisha.

After nun, nagpatuloy na ko sa trabaho ko. Wala yung utak ko sa ginagawa ko. Na kay Trisha na nga ang puso ko pati ba naman utak?

Inlove ako sa bestfriend ko..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon