Seilyn's pov.
*Kring kring kringggg*
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Inaantok pa ako >_< anong oras na ba? Mukang maaga pa naman eh at naulan pa. Nakaset din kasi ang alarm clock ko ng 3 times so tatlong beses syang nag aalarm sa iba't ibang oras.
Tumingin muna ako sa wall clock ko.
Maaga pa pala 7:30 am... wait, what?! 7:30 am?! Oh shocks! Late na ako! 8:00 ang start ng class ko. Dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo. Nakakahiya naman kung malelate ako. First day of school eh. Binilisan ko na ang pagligo at pagkatapos nagbihis at nag ayos. Bumaba na ako para makapag paalam kay kuya. Naabutan ko naman siyang nagkakape at nag lalop-top
"Kuya, alis nako. Di na ako mag bebreak-fast malelate na kasi ako."
"Kumain ka muna. Masama ang di kumakain ng breakfast."
"Ehhhhhhhhhh. Malelate na kasi ako."
"Hay nako pasaway na bata. Nagpuyat ka na naman kasi kagabi eh. O sya baunin mo na lang 'tong bacon sandwich. Dalhin mo na din 'tong payong, malakas ang ulan. Mag iingat ka ha."
"Thanks kuya! Bye!" Bineso ko na siya sa cheek niya at sumakay na sa kotse.
"Kuya Randy pwede pong pabilis ng konti ang pagmamaneho malelate na po kasi ako." Sabi ko kay kuya Randy. Driver namin.
"Okay ma'am." At nagsimula nang magdrive si Kuya Randy. 10 minutes na lang ang natitira sakin. Ugh! Bakit kasi ako nagpuyat >_<
❤❤❤❤❤❤❤❤
Nakarating naman ako sa school ng safe. 3rd floor pa ang room ko hayst no choice kundi tumakbo! Nang makarating ako sa room may 3 minutes pa ako at sakto wala pang teacher. Yessss! Di ako pagagalitan hehe. Umupo na ako sa may bakanteng upuan sa may bandang dulo. Ilang minuto pa at dumating na ang teacher namin or should I say adviser namin.
Puro 'Introduce yourself' lang naman ang nangyari may mga transferees din kasi at nagsabi ng mga rules and regulations.
Breaktime na at kasulukuyan akong naghihintay dito sa bench malapit sa soccer field. Hinihintay ko kasi ang--
"Bestfriend!"
Oh, speaking of. Nandyan na siya. Ang dakila kong bestfriend.
"Ang tagal mo naman Ninna." Bungad ko agad sa kanya.
"Sorry naman po. May nakita kasi akong wahhhhhhh!!!! Omg!!! Wahhhhhh!!!" Hala. Anong nangyari dito? Nagtitili na tss.
"Huy! Ituloy mo muna kaya ang sasabihin mo bago ka tumili dyan noh?"
"Ay hehehe! Kasi kanina bago ako lumabas ng room namin, may nakita akong handsome! As in super handsome! Waahhhhh! Bagay kami bes!"
"Shungews TAO kayo bes! Hindi bagay." asar ko sa kanya. First day of school pa lang kumikringkring na ang lola niyo -_-
"Kumokontra ka na naman eh -_- . Tara na nga pumunta na tayo sa cafeteria. Baka nandun din si Mr. Handsome!"
Bago pa siya makatili, hinila ko na siya papuntang cafeteria. Nang makarating kami ay agad kaming humanap ng vacant table
"Ayun bes!" Turo naman niya doon sa bakanteng lamesa. Pumunta naman kami doon at pumwesto.
"Ako na lang oorder bes." At ayon nga tumayo na ang lukaret at nag order ng makakain.
Siya si Gianninna Shane Osil.
Ang bestfriend ko. Napakacaring nyan at mapagmahal. Matalino, mabait, maganda, masipag. Basta nasa kanya na ang lahat ng katangiang maganda. Pero--
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin... Again (On Going)
De TodoIsang trahedyang nakapagpabago ng lahat. Nakapagpabago sa pagmamahalan ng dalawang tao. Ngunit nagbago nga ba? Dalawang taong nagmamahalan na sa kamalasan ay parehong nawalan ng memorya dahil sa hindi malilimutang insidente. Posible nga ba iyon? Po...