Kasulukuyan kaming nasa sala ngayon ni kuya. Kinuwento ko yung pangyayari sa guidance office."Pinaglinis ko na lang ng library kuya -_• ayoko naman kasing gumastos ka pa kung kakasuhan natin diba?" Dagdag ko pa.
"Kuya? Nakikinig ka ba?"
Para kasing tulala siya eh -_-
"Huy kuya!"
Hala ayaw talaga mamansin. Di siguro 'to nakikinig sa kwento ko kanina eh.
Uhmmm.
Alam ko na kung paano siya babalik sa katinuan hahaha!
Habang tulala siya na parang may malalim na iniisip, kinuha ko yung cellphone niya. Hindi naman niya napansin yun syempre tulaley eh -_- . Sakto walang password! Hahaha. Dali-dali kong binuksan ang gallery niya. Alam kong nandito ang tinatago niya at ang ayaw niyang ipakita sakin.
Pagkabukas ko--
I knew it! Sabi na eh hahaha.
I smell something meaty~ Hahaha charaught <3
"KUYA! ANG GANDA NAMAN NG GIRLFRIEND MO! PAKILALA MO NAMAN AKO PLEASEEEE!" Napalakas ang pagkakasabi ko kaya ewan ko na lang kung di niya pa marinig.
"Syempre maganda girlfriend ko kasi gwapo ako." Sabi niya pero di pa rin nalingon sakin. Maya-maya natauhan siya sa narinig niya lumingon siya at nakita niyang hawak ko ang cellphone niya. Nanlaki ang mata ni kuya sa nakita niya hahaha mukhang tarsier! Hahaha joke. Hinablot niya naman agad sakin yung cellphone niya.
Good job Chale hahaha!
"SEILYN CHALE!!!!" sigaw niya sakin. Hahaha!
"Sabi ko na nga ba kuya eh! May girlfriend kana. Ayieee! Pakilala mo ako daliiii." Asar ko sa kanya.
"Bakit mo pinakealaman ang cellphone ko ha? Aish pasaway!"
"Eh kasi kuya di ka nakikinig sa mga sinasabi ko eh! Kanina pa ako kwento ng kwento pero di ka pala nakikinig -_- Lutang ka dyan eh. Kaya para bumalik ka sa mundo mo, pinagsamantalahan ko na ang cellphone mo. Hihihi ikaw ha kuya!" Sabi ko sa kanya sabay sundot ko sa tagiliran niya.
"Tigilin mo nga ako. Pinapakinggan ko naman ang mga kinukwento mo eh tsk."
"Pero kuya, bakit ayaw mong ipakilala sakin girlfriend mo? Alam ko namang may girlfriend kana noon pa man pero di mo man lang dinadala dito sa bahay. Iniimagine ko nga kung ano mukha niya eh at ngayon alam ko na hihihi ang dyosa! Pakilala mo ako please kuya para may ate na ako kahit papaano *insert puppy eyes*."
"Alam mo Chale, hindi muna gagana yang puppy eyes mo sakin. Sa tamang panahon mo pa siya makikilala."
"Ayyyy! Bakit sa tamang panahon pa? Ang arte mo naman kuya >_< "
"Basta. Wag ng madaming tanong. Matulog kana at may pasok ka pa bukas."
"Haysss. Sige na nga. Goodnight and sweet dream brotha! Love lots!"
"Goodnight and sweetdream. Sleeptight okay? I love you." Pagkatapos ay kiniss niya ako sa noo.
Umakyat na ako sa kwarto ko. Naghalfbath muna ako. Pagkatapos ay nagbihis ng terno na long sleeve na pangtulog at pajama na kulay white. Bago ako humiga, nag dasal muna ako. Gabi-gabi akong nagdadasal bago matulog. Syempre kailangan yun ang magpasalamat sa lahat ng biyayang binibigay ni God at ang humingi ng tawad sa mga kasalanang nagagawa.
Pagkatapos kong magdasal ay natulog na ako.
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
"Goodmorning kuya!" Bati ko sakanya pagkababa ko ng hagdan. Umupo na ako sa dining table namin para kumain ng breakfast. And as usual, si kuya nag lalop-top na naman.
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin... Again (On Going)
De TodoIsang trahedyang nakapagpabago ng lahat. Nakapagpabago sa pagmamahalan ng dalawang tao. Ngunit nagbago nga ba? Dalawang taong nagmamahalan na sa kamalasan ay parehong nawalan ng memorya dahil sa hindi malilimutang insidente. Posible nga ba iyon? Po...