Chapter 7: Dance Project

1.3K 36 0
                                    


"So, girls stand up now at bumunot na kayo ng makaka-partner niyo." Sabi ng teacher namin.

Isa-isa namang nag tayuan ang mga kaklase kong babae para bumunot sa unahan ng nakarolyong papel kung saan nandoon ang pangalan ng makakapartner mo sa sayaw. Tumayo naman ako sumunod sa kanila. Pagkadating ko sa unahan pumili muna ako ng bubunutin ko. Sana naman maayos 'tong mabubunot ko huhuhu. Bumunot na ako pero doon ko na titingnan sa upuan ko. Miski ang mga kaklase kong lalaki ay hinihiling na sana maayos ang kapartner nila. Dapat kasi pinapili na lang kung sino ang gusto namin -_- pero sino naman ang gusto ko? Wala pa naman akong close dito tss. 

Oo nga pala, si Yuan kaklase ko. Nasa likod ko siya nakaupo. Sana naman hindi siya yung mabunot ko >_< naiirita ako sakanya.

Umupo na ako sa upuan ko at unti-unti ko ng binuksan yung rolled paper.

Sino kay--

"Whaaat?!!"

Out of the blue kong sigaw. >__<

"Ms. Azila, is there any problem?" Tanong ni Ma'am sakin ng nakataas pa ang kaliwa niyang kilay.

Kasi naman eh. Arghhh!!! Aishh!! Bakit siya pa? Di kami close. Tss.

"A-ahmm..wala po ma'am hehehe. Sorry po." Sabi ko na lang.

"Okay, ngayong alam niyo na kung sino ang kapartner niyo, may two weeks kayong preparation para sa dance project niyo. Bukas ko ibibigay ang criteria. Class dismissed."

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko, habang ako ay naiwan pa rin dito sa upuan ko.

Hayssss. Bakit siya pa? Di naman sa nag iinarte ako, pero kasi ano.. aishhhh >_< ewan tss. Bakit nga ba nag iinarte ako?

Yung iba kong mga kaklaseng babae kinikilig. Kesyo daw ang nabunot nila ay yung crush nila. Tss. Yung iba naman blanko lang. Yung iba naman naiinis ayaw daw nila dun sa partner nila. Yung ibang boys naman di pa alam kung sino ang nakabunot sa kanila. Pasuspense pa eh tch.

26 kaming lahat, 13 girls and 13 boys sa section namin so bale may 13 pairs na magpeperform.

Yung dance project kasi namin ay parang magiging 'dance tandem' babae at lalaki lang magkapartner. Malamang, alangan namang babae sa babae at lalaki sa lalaki? Nyahaha charot lang.

So ayun na nga. Kailangan daw may chemistry yung magkapartner. Dapat yung music daw na gagamitin ay bagay na bagay dun sa step at dapat daw na makita ang spark n'yong dalawa nung partner niyo. Etchetera etchetera.

=____________=

Bakit kasi kailangan pa ng ganun? Para saan ba yun?

Sabi pa ni ma'am, pipili daw siya ng pinakamagaling na tandem dahil ilalaban daw sa Dance Tandem Contest sa school.

Pwede bang sa pagkanta na lang ako sumali? Duh? Ayoko kaya sumayaw.

Singing is my passion.

Para sakin ang laki ng problema ko -.-
Paano kung mapahiya lang siya dahil sakin? Paano pag 'di ko kayang dalhin yung sayaw? Paano pag nagkamali ako?

Waahhhhhh!!! Di kasi talaga ako marunong sumayaw huhuhu :'(

"Huy!!"

"Ayy! Tipaklong!" Nagulat naman ako dun >_<

"Kanina ka pa tulala dyan parang may malalim kang iniisip. Tss. Sabi ko sinong kapartner mo?" Tanong ni Yuan sakin.

" S-si Shawn.."

Yep. Tama kayo ng narinig si Shawn ang kapartner ko. Akala niyo si Yuan noh?

"Si Shawn?!"

"Pwede bang wag kang sumigaw? Hindi ako bingi at diba kasasabi ko nga lang na si Shawn? Paulit ulit ka rin eh noh?"

Let The Love Begin... Again (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon