One sided love

82 7 4
                                    

Hi.... Isa akong highschol student.. Isang estudyanteng wala pang experience sa love.. Ngunit isang araw, nag-ba ang ikot ng mundo. Parang nakabog na yata ang dibdib ko at naalog na ang utak. At iyon ay dahil nagkagusto ako sa isang babaeng isang ordinaryong kaklase lamang ang tingin sa akin. Nagsimula pa ito noong first year pa ako, nagkagusto ako sa babaeng itatago nalang natin sa pangalang Josie.Nagkagusto ako sa kanya dahil unang kita ko palang, nabighani ako sa taglay niyang kagandahan. Isa pa wala syang arte sa katawan at she's just simple. Siya rin ang naging laman ng aking mga loveletters na project namin. Wala syang kaalam-alam na sinusulatan ko na pala siya. Naaalala ko pa noon yung spark na naramdaman ko at pagkakilig noong nanominate siyang muse sa klase. tuwang tuwa naman ako dahil nanominate din akong escort at kami ang pinagpepair ng teacher. Kaso di ako nanalo , kinapos ako sa votes kasi mas maliit daw ako kay Josie during that time. Nagkaroon ako noon ng hinanakit pero nawala din matapos ang ilang saglit. Akala ko noon, hanggang crush lang ang mararmdaman ko sa kanya, pero paglipas ng isang taon, nung second year na kami, nakaramdam na ko ng kakaiba sa kanya. Ayoko na siyang mawala sa paningin ko at talagang hinahanap ng tenga koang kanyang tinig. Hanggang sa mga panahong iyon ay patuloy pa din ako sa paggawa ng loveletters na para sa kanya. Doon ko kasi naeexpress ang aking nararamdaman sa kanya ng palihim. Kahit minsa'y hindi ako nagkalakas loob namagtapat sa kanya. Hindi kasi kami gaanong close at kaya naman nahihiya ako. Gusto ko kasi maging magkaclose muna kami. Lumalabas, isaakong dakilang stalker. Sa school din na iyon, napapadalas ang aming pagsasama sa mga group activities. Naalala ko nun na tinatawanan pa ko ng iba kong kaibigan dahil mababakas daw sa mukha ko na inspired ako at kilig na kilig. dumadating din sa punto na inaaway ko yung seatmate ko para ako ang magcheckng papel ni Josie. sabi nila parang bata daw ako noon na binigyan ng candy. May times din na naiinis na mga kasama ko sa akin dahil puro na lamang siya ang bukang bibig ko.Sa panahong iyon, medyo nalilinawan na ako na talagang may nararamdaman na ko, kaso maraming kumokontra dahil sino nga ba naman daw ako.?. hindi daw ako nababagay kay Josie . Ang tingin nila sa amin ay parang langit at lupa, ako ang lupa at siya yung langit. Pero kahit maraming balakid,patuloy ko pa rin siyang hinangaan at minahal. Kaso isang araw, nabalitaan ko nalang, may nanliligaw na pala sa kanya. Taga ibang section ang nanliligaw sa kanya at parang nahuhulog na siya dito. Tuwing recess at lunch ay magkasama sila at unti-unting nadudurog ang aking puso. yung iba ko noong kaklase ay kinakantsawan ako na "paano ba yan? may iba na siya oh..." kapag ganun, napipintasan ko ng di sadya ang kanyang manliligaw. Botong-boto noon ang kanyang mga kaibigan sa kanilang pagkakamabutihan. Bagay na bagay daw sila pero sa aking palagay, parang hindi naman. Hindi pa din ako tumigil sa paghanga sa kanya. Noong kaarawan niya, binati ko siya sa fb. Dun ko talaga pinost ang greetings ko sa kanya doon sa aking wall. natuwa naman ako dahil nagustuhan ni  Josie  ang aking ginawa. Muntikan na rin kaming maging magpartner noon sa play ng Florante at Laura. kung saan gumanap ako na florante at siya dapat ang Laura kaso ayaw niya daw maging bida sa play. Kung sino pa ang ayokong partner , iyon pa ang naging partner, nakadistansya tuloy ako kasi yung partner ko sobrang lakas ng hininga. Paglipas ulit ng isang taon, third year na kami. Mas umigting ang nararamdaman ko dito para sa kanya. Medyo nagiging close na kami at medyo nagkalabuan sila nung nanliligaw sa kanya. Binusted niya na ito ng tuluyan at yung lalaking nanigaw sa kanya ay naging kaibigan ko naman. Medyo nakaramdam ako noon ng tuwa dahil nawala yung malaking balakid sa pagmamahal ko sa kanya. Sa schol year na ito, nagkaroon kami ng sayaw. Talagang nirequest ko sa nagturo sa amin ng sayaw na siya ang maging partner ko. At ayun naging magparner kami. Tuwang tuwa ako at talagang abot langit ang aking ngiti habang magkahawak kamay kami. Naaalala ko pa ang kamay niya na sobrang lambot na ang sarap hawakan. May mga steps din doon kung saan niyakap niya ako at talaga halos maihi na ako sa kilig. sumama ang tingin sa akin nung dati niyang manliligaw dahil sa sobrang pagseselos. Isang linggo kaming hindi nag-usap ng kaibigan ko atlumayas ako sa binuo naming tropa. Naging magkatabi din kami sa room. Seatmate ko siya kaya naman nagpakitang gilas talaga ko sa academics. Naging close kami dito at shinesharan nya na ako ng mga jokes niya, kahit na nakokornihan na ang iba ay natatawa ako. Sa pamamagitan nito nagkamabutihan kami. Madalas na kaming magusap sa twitter, sa facebook at sa personal. Proud na proud din ako sa kanya noong time na napili siyang maging Ms. Junior. Nagkaroon din kami noon ng Camp-saya at doon sumayaw siya ng Hiphop, kaso sa ibang group siya.Habang sumasayaw siya ay patuloy ako sa pagsigaw ng pangalan niya. At nung makausap ko siya, pinuri ko siya at pinuri niya din ako sa pagsasayaw ko noon. Tuwang tuwa naman ako kasi yung minamahal ko ang pumuri sa akin. Dumating din sa puntong nagkaron na ako ng picture niya sa aking phone. Meron din kaming pictures na magkasama. Dito nagkaroon na ako ng lakas ng loob, naghingi na ako ng tips sa aking tatay-tatayan sa school na si itay Nori. Pinayuhan niya ako sa text at kung paano pakikisamahan si Josie. gagawin ko na sana iyon, kaso isang araw, nalaman ko nalang may bago na palang nanliligaw sa kanya. Itago na lamang natin ito sa pangalang Hiroshima. Kalahating japanese kasi siya.  Sa mga panahong iyon,may balak na akong magtapat. Gumawa pa ako ng doodle na ang nakapaloob ay "can you e my girlfriend?". wala eh, naunahan ako, sayang. Pinangunahan kasi ako ng pagkatorpe. Si Josie ay seatmate ko noon at si Hiroshima ay nasa tapat ko lang. Habang ang sweet sweet nilang mag-usap ay napapalooban ng ako ng bitterness. Lalo pa akong nasaktan noong naging sila na. At dahil alam ni Hiroshima na may gusto ako kay Josie, tinatawag ni hiroshima ang aking pangalan tapos saka niya ipapakita sa akin ang paghawak-hawak niya ng buhok ni Josie at ang paghimas niya sa likuran nito. Nakaramdam ako noon ng pagseselos at galit kay hiroshima dahil gusto niya akong masaktan. Halos isang linggo akong nagmumukmok at wala sa mood. Nanghingi ako ng tips kung paano makamove-on at unti-unti akong nalianagan na, wala akong karapatan magselos. Isa lang naman akong hamak na kaklase niya na nagmahal sa kanya ng tunay. Hindi naman kami naging Mu kaya bakit naman ako magseselos. Hindinaman natin madidiktahan ang puso niya na mahalin ako. I realized that I am having a one sided love. Kaya sa susunod, sa mga kagaya kong mga teenager na nabigo sa pag-ibig, matuto tayong magmove-on at mag let go. Para naman sa iba na may nagugustuhan, hangga't maaga pa ay magtapat na para hindi maunahan. sa ngayon wala pa din akong nagugustuhang iba  maliban sa kanya. Pero nabawasan na ang aking nararamdaman sa kanya dahil hindi na ako apektado kahit sinagot niya na si Hiroshima at inaasar ako ng bakulaw niyang boyfriend. sana nagustuhan niyo ang istorya ng aking lovelife... Basta laging tandaan na wag tayong maging torpe... :) :D <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One sided loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon