Chapter 8: Flashback

33 2 0
                                    

"Ituturo ko na lang sayo kung saan ako nakatira."
Diretso lang ang tingin ko. Sinilip ko ang reaction niya sa rear view mirror. Nakangiti siya habang nagdadrive. Parang tumalon tuloy ang puso ko.
"Kahit hindi na. Alam ko naman kung saan ka nakatira."
Nabigla ako sa sinabi niya. Si Marie pa lang ang nakakarating sa bahay namin, paano niya nalaman kung saan ako nakatira?
Kita siguro sa muka ko ang iniisip ko dahil natawa siya nung lumingon siya sakin. Nakalabas na kami ng University at lumiko na siya sa highway.
"Nagtataka ka kung paano ko nalaman kung saan bahay niyo?" He's looking ahead.
"Kind of. Paano?"
"Nagbasketball ako sa subdivison niyo one time and I didn't know you then. I saw you strolling, you were laughing because of your dog. I enjoyed watching you that day."
Feeling ko biglang uminit sa loob ng kotse niya. Nakita niya akong tumatawa habang pinapatae yung aso namin. Hindi ko alam na yun pala yung first time na nakita niya ako.
Akala ko pa in-stalk niya ako kaya alam niya kung saan ako nakatira. Ambisyosa!
Nakangiti pa din siya. "I saw you the next day on campus. I don't know but whenever you're around pinapanood ko yung ginagawa mo. Is that weird?"
"Hindi naman. Nagtataka lang ako kung bakit ako."
Bakit ako? Eh ordinaryo lang naman ako tapos siya sikat tapos gwapo tapos magaling magbasketball tsaka mayaman. Ang layo ko sa kanya.
"Why not? Back then I realized na crush pala kita."
This is too much in one day. Sobrang pula na ng muka ko at hindi ko na maiharap sa kanya dahil sa sobrang hiya.
Nakatingin lang ako sa bintana sa side ko para hindi niya makita ang reaksyon ko. Who am I kidding? Kita niya pa din naman dahil sa rear view mirror.
He continues when I didn't answer. "Tapos nung umamin ako sayo, nireject mo naman ako."
Nagkunwari siyang nakasimangot para asarin ako. Bumalik nanaman tuloy sakin yung araw na yun.
Flashback
Bakit ba kasi absent si Marie? Mag isa tuloy akong nag aabang ng jeep dito. Bigla na lang may nagsalita sa tabi ko.
"Hi."
I'm surprised to see Christian Torres, the MVP player. He's smiling at me and I blink to check if he's real.
Christian Torres? Nag hi sakin?
"Uhh hi."
He offered his hand. "Christian."
I take his hand. "Janelle."
I'm still confused and a little surprised that he's talking to me. Baka mag ooffer ng networking. Pero muka namang hindi siya ganon.
Hindi ko din alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi niya pa din binibitawan yung kamay ko. May mangilan ngilan ng tumitingin samin.
"I know it's a bit strange but....can I take you out for dinner?" He shyly said.
Ano daw? Dinner? Tama ba pagkakaintindi ko?
Pinagtitripan ba ako neto? Dinner daw eh hindi naman niya ako kilala. Baka naman may kailangan lang.
"Ha?"
Hindi niya pa din binitawan ang kamay ko. He seems to be hesitating about something.
"G-Gusto kasi kita Janelle."
Pakiramdam ko nalunok ko ang dila ko dahil sa sinabi niya. I look around and I noticed na hindi lang ako ang nakarinig ng sinabi niya.
Pati yung mga babae sa paligid nagulat sa sinabi niya. Nasisiraan na ata siya ng bait. Gusto niya daw ako? Imposible!
Hinila ko ang kamay ko pabalik. "Ano po? Trip mo ba ako kuya?"
Ngumiti siya kahit na mukang nahihiya siya. "No, I seriously wanna take you out for dinner. Gusto kitang ligawan."
     Alien words ata yung sinasabi niya. Relax janelle, wag kang kabahan. Hindi din naman ata siya seryoso sa sinabi niya.
     "Sorry ah, h-hindi ako nagpapaligaw eh."
     May mangilan ngilan na nagreact sa paligid. Nakatingin lang sakin si Christian na parang hindi niya alam ang gagawin.
     Dumating na yung jeep na sasakyan ko. I look at him one last time then I quickly got on the jeep to avoid all the glaring eyes.
     What just happened?
     First time na may nag confess ng feelings sakin at si Christian Torres pa. Bad joke!
     End of Flashback

***

Cheated by CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon