May Pag-asa pa ba?

2 0 0
                                    

Natatandaan ko pa noon kung paano tayo nagkakilala at naging magkaibigan.

Hindi pa tayo ganoon kalapit dati. At siguro pa nga hindi natin alam na ume-exist pala ang isa't-isa sa atin. Kahit nga ang pagpansin sa isa't isa sa tuwing magkakasalubong sa hallway ay 'di pa magawa. Estranghero kumbaga.

Pero isang araw in-add mo ako sa facebook. Wala lang kaso 'yun sa akin kasi parang normal na friend request lang. In-accept naman kita. Tandang tanda ko pa kung anong petsa 'yun, January 24. Hindi ko aakalain na 'dun pala magsisimula ang lahat.

Chinat mo ko at sabi mo sa akin ay "Hi." Nagreply naman agad ako sa'yo kasi ako yung tipo ng tao na palakaibigan.

Humaba pa ang ating kwentuhan at nalibang ako sobra.

Araw-araw na tayong nagchachat sa facebook. Mula sa pagkagising, ikaw agad ang hanap ko. At sa pagtulog ikaw ang huli kong kausap.

Oras-oras tayong kung magpapalitan ng mga matatamis na salita sa chat. Tila ba'y hindi nagsasawa at nauumay.

'Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman para sa'yo. Pero dapat kong pigilan ito dahil hindi ako sigurado kung magkatulad tayo ng nararamdaman. Baka sa chat ka lang ganito at sa personal ay hindi. Baka paasahin mo lang ako.

Pero isang araw, nagtanong ka sa akin kung pwede ka bang sumabay sa akin papunta sa paaralan. Pumayag ako kasi para naman makilala kita ng personal.

Napaka-awkward nang mga panahon na yaon. Unang beses kong may kasabay na lalaki na hindi ko kaklase. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa'yo sa mga oras na iyon. Nagtatanong ka naman ng ilang mga katanungan tapos sinasagot ko. Tahimik ulit tayo.

Nasundan pa ng maraming beses 'yon. Akala na nga ng iba ay tayo na. How I wish.

April 8, nanligaw ka sa akin pero hindi kita sinagot kasi hindi pa ako handa. Pero sabi mo naman na handa kang maghintay.

Araw-araw mo kong sinusundo at hinahatid sa bahay. Palagi mo akong sinasamahan kahit saan man ako magpunta. Pinakita mo talaga sa akin na pursigudo ka sa panliligaw sa akin.

July 24 noon, sinagot na kita. Tuwang-tuwa ka kasi sa wakas ay tayo na.

Mas pinakita mo sa akin kung gaano mo talaga ako kamahal. Minu-minuto mo akong sinasabihan na mahal na mahal mo ko.

Pero hindi natin talaga maiiwasan ang pag-aaway. Parte na talaga 'yan sa isang relasyon. Pero mas naging matatag tayo. Away lang pero walang hiwalayan.

Lumipas ang ilang taon, tayo pa rin. Matagal-tagal na pala ang ating relasyon.

Pero bakit isang araw bigla ka na lang nagbago? Pinapakita at pinaparamdam mo na sa akin na hindi mo na ako importante sa'yo. May nagawa ba ako?

Tinatanong kita kung may problema ka ba, at ang sagot mo ay simpleng "wala".

Masaya at kapwa tayong nagmamahal noon pero bakit ganito? Bakit bigla na lang naglaho ang lahat?

January 3, natatandaan ko pa. Ito yung araw na nakipaghiwalay ka sa akin. Sabi mo pa nga ay, "Sorry Seline pero sa tingin ko hindi ako ang lalaking karapat-dapat para sa iyo." Gumuho ang mundo ko sa pagkarinig ng mga katagang iyon na sa mismong mga bibig mo nanggaling. Sabi mo noon sa akin na ikaw lang ang lalaking para sa akin. Pinangako mo pa nga na papakasalan mo ako.

Sinubukan kong makipag ayos sa'yo pero talagang ayaw mo na. Bakit ngayon ka pa susuko?

Araw-araw kong ini-stalk ang mga social media accounts mo para malaman kung may iba ka na. Palihim ko pa ngang binuksan ang facebook account mo eh. Buti na lang hindi mo pa pinapalitan ang password mo.

Parang biniyak ng pinong pino ang puso ko nang nabasa ko ang mga sweet conversations mo sa ibang babae. Akala ko ako lang ang nag-iisang babae para sa'yo. Akala ko ako ang iyong mundo pero nagkamali ako, isa lang pala ako sa mga continente.

Hindi ko aakalain na hanggang dito na lang tayo.

Nawala lahat ang mga pinangarap natin pareho para sa hinaharap. Pati nga pangako mo ay napako na.

May pag-asa pa ba? May pag-asa pa ba na ibalik natin 'yung kahapon? 'Yung dating tayo? 'Yung kapwa pa tayo nagmamahalan noon?

Bumalik ka na sa akin oh. Sobrang sakit na kasi. Eh ikaw lang naman ang makakapagpasaya sa akin.

Gabi-gabi ako kung maka-iyak. At nahihirapan ako kasi kailangan hindi ako marinig nila mama at papa.

Mga unan lang ang kadamay ko nang mga panahong iyon. Sila lang ang may alam kung gaano na karami ang naiyak ko para sa'yo. Buti nga at hindi sila nagsasawa sa akin.

Isang araw, natauhan na ako. Sabi ko sa sarili ko,"Tama na ang mga luhang sinayang mo Seline, 'wag ka ng magmukmok." Napagdesisyunan ko na itigil ko na ang kahibangan kong ito.

Naglalakad ako noon papuntang classroom nang makita kita ng may kasamang babae. Kumirot ang puso ko sa tanawing aking nakikita sa mga oras na 'yon.

Kitang-kita ko sa dalawa mong mga mata kung gaano ka kasaya kasama siya at kung gaano mo siya kamahal. Idagdag mo pa ang tuksuhan ng mga estudyante.

Ang sarap sumigaw ng mga panahon na iyon na "itigil niyo nga 'yan! Nandito ako oh! Hindi niyo ba nakikita? Nasasaktan ako! "  Pero pinigilan ko ang sarili ko kasi alam ko na ako lang ang mapapahiya.

Nakalimutan ko na magkaklase pala tayo pati na rin 'yung bago mo. Kaya haggang sa classroom ay panay tilian at tuksuhan ang mga kaklase natin. Ang hirap na sobra.

Lumabas ako ng classroom. Bahala na kung mapagalitan man ako ng guro namin. Dumeritso ako sa cr at doon ako umiyak ng umiyak. Binuhos ko lahat ng galit ko sa pader. Pinagsusuntok ko iyon. Wala na akong pakialam kung dumudugo na ang kamay ko. Wala akong maramdamang kahit anong sakit. Siguro nga namanhid na ako. Sana manhid rin ang puso ko para hindi na ako masaktan ng ganito.

Nagitla ako nang marinig kong tinatawag mo ang pangalan ko. Agad kong pinunasan ang mg luha ko pero parang walang silbi lang 'yon dahil patuloy pa rin itong umaagos na para bang may sarili itong buhat at namumugto na talaga ang mga mata ko.

Kaya naman tumalikod na lang ako. Pero nagulat ako dahil niyakap mo'ko. Ang sarap sa pakiramdam. Parang nawala ang lahat ng sakit na dinulot mo sa akin ng mga panahong iyon.

May sinabi ka sa akin, "Sorry Seline kung nasaktan kita mg husto. Sana pagdating ng araw ay mapatawad mo ako. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." Mas lalo akong napaiyak dahil sa mga katagang iyan. Umasa ulit ako na may pag-asa pa tayo.

Alam mo ba? Ayaw kong matapos 'yung pagyakap mo sa akin. Pero hindi talaga sumang-ayon ang tadhana sa akin eh. Dumating bigla ang girlfriend mo at tinawag ka.

Hindi mo alam kung gaano ko kagusto na pigilan ka sa mga oras na 'yon. Pero alam ko naman sa sarili ko na sa kaniya ka pa rin sasama.

Pagkaalis niyo ay napahagulgol na talaga ako. Akala ko pa naman magkakabalikan tayo.

Siguro nga napakatanga ko dahil inisip ko na iiwan mo siya para sa akin. Nakakatawa lang dahil ako ang iniwan mo para sa kaniya.

Siguro nga hanggang dito na lang talaga 'yung storya natin. Kailangan na nating isara ang yugtong ito ng ating buhay. Masakit man tanggapin pero kailangan. Wala na talagang pag-asa.

~~~~~~

Author's note:

Lame po ba? Sorry first time ko na magsulat ng one-shot story eh.

Please vote and comment. Thank You ^_^

May Pag-asa Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon