pano ko ba susubukang magmahal muli, kung lahat ay ibinigay ko na sa aking nakaraan? pano ko ba susubukang buksan ang puso ko kung gusto ko na ay may kasiguraduhan.
ako si Chum. isa sa mga taong nahagilap sa isang nakaraang hindi na gustong magmahal dahil sa isang nakaraan. gusto ko sanang ituloy ang "She's dating the gangster" kaso baka pumangit na ang ending. yung story kasing yun ay parang storya ko. hindi namatay sa huli. pero nagkaroon ng sarisariling buhay.
hindi ko naman sinasadya. hindi ko din naman gusto pero nakilala ko ang lalaking bumuo at sumira ng buhay ko. sya si KENT. bestfriend ko sya at nagkakilala kami nung firstyear highschool pa lang kami. makulit sya e. hahahaha!
masakit eh kasi bestfriend ko sya. pero mas pinili ko pa ding maging nasa isang relasyon kami. hindi ko naman kasi akalaing mawawala sya pagdating ng panahon.
nagkataon kasing wala manlang akong naramdaman sa mga oras na binigay nya lahat ng pagmamahal nya.
sana hindi ko na lang sya pinaasa.
sana hindi ko na lang sya pinaghintay ng napakatagal.
edi sana kami pa yung BESTFRIENDS.
kami pa yung CLOSE FRIENDS,
hindi ko gustong magsulat ng storya ng buhay ko dito.
hindi ko gustong kumalat ang issue na sana kami lang ang may alam.
intro muna 'to.
itutuloy ko na lang kung sakaling magustuhan nyo.
ang kwentong 'to ay para sa mga taong piniling makipagrelasyon sa kanilang mga kaibigan.
Hindi ko naman inaakala na magkakaganito. kung alam ko man, hindi ko ginusto. pano nga ba? pano mo ba mapipigilan ang sarili mong mahalin ang isang taong hindi mo akalaing mamahalin mo? kung alam ko lang talaga, ayoko magtapos sa ganito.
Una kaming nagkakilala, first year highschool ako. ang weird nya at hindi mo talaga aakalaing magiging kaibigan mo ang tulad nya. Corny mag joke, at hindi sya yung tipo ng lalaki na magugustuhan ng isang babae, pero may kakaiba sa kanya.. IBANG IBA TALAGA. malalaman mo lang yung kakaiba kapag kilala mo na talaga sya.
Maghahanap ka ng kaibigan, yung masisigurado mong mapagkakatiwalaaan. yung masisigurado mong hindi ka tatawanan sa O.A. mong lovelife. yung hindi magsasawa kahit paulit ulit mong binabanggit sa kanya yung mahal mo talaga. higit sa lahat, siguraduhin mong hindi ka maiinlove. tandaan,. MAGHAHANAP NG KAIBIGAN. hindi ng KA-IBIGAN! :)
Hindi naman kasi masamang magmahal ng bestfriend. basta kapag minahal mo sya, wag basta basta. isa ka sa mga pinagkakatiwalaan nya, wag mong sirain yun ng basta.
4thyear na ako ngayon. pero hindi na nga lang ganun kasakit, pero kung tatanungin ako, SIYA PARIN. hindi ko alam kung bakit. hindi ko alam kung pano. pero SIYA PARIN, SIYA PADIN. umaasa akong babalik siya. umaasa akong sa paggising ko, hindi ko na siya pinapangarap. MULI siya ay magbabalik.
MAHAL NA MAHAL KO YUN. hindi ko alam kung ano'ng gayuma ang nangyari, na dumating sa punto na MAGTATAGAL AKONG MAGPAPAKATANGA.
Bakit nga ba?
dahil sinanay nya akong sa kahit anong oras, nandyan sya. sa kahit anong problema, dadamay sya, sa kahit anong katangahan, magpapatawad sya.
#1. wag mo sanayin ang sarili mo sa mga bagay na kapag nawala e mahihirapan kang bumalik sa dating ikaw.
-once na nasanay ka, mahirap nang ibalik yung nakasanayan mo noon. limitasyon. kapag yan nagsawang mageffort. hindi mo na yan mababalikan.
Si Kent yung tipo ng taong hindi kinababaliwan at hindi kinaaayawan. simple lang na may dating. kaya masarap mahalin. :))