Hi Mateo...
Hindi ko alam kung paano at kung ano... pero siguro itatype ko nalang kung anuman ung maisipan ko, kung anuman ung natutunan ko, kung anuman ang narealize ko sa dalawang araw na ito... sa dalawang araw nang pagtatanong at pag iisip.
Hindi ko inexpect na mabubuhay ulit... dead star na kasi yung atin noon... well, actually I'm telling you this not to cause you pain (but I know, somehow it will)but to let you know that I care sooo much to what we have had and what we have now... I really do! I care too much that I need to do things... not for myself, but for the both of us. It's harder this time...
Sinabi ko sayo na may mali... and maybe... or shall I say, mali talaga. Mali ito. Ung pagkikita... pag chachat... pero yun nga, hindi maiwasan dahil may comfort tayong naramdaman sa isa't isa.... honestly, I found myself happy again when we met... kasi ang tagal... ang tagal inantay...
Siguro kaya nasabi ko ring may mali kasi... kahit sabihin nating friendship lang, friends nalang, ang hirap paniwalaan... especially if yung isa e patuloy pa ring nagmamahal... patuloy pa ring naasa... ang sarap nga sa feeling na ung dalawang mag ex e magkaibigan, nakikinig, kinokomfort ang isa't isa... dahil nga sayo nasabi kong mali pala ang paniniwala kong, "Friends can be lovers but lovers cannot be friends." Kasi possible pala talagang maging friends kayo... pero hindi dun yun natatapos e, kasi possible na yung isa e nag mamahal pa...
Gusto ko kayong magkaayos... kaya much better na wala munang ako. Siguro makakatulong din yun sakin... kasi parang hindi na healthy para sa akin. Nakakapraning, seryoso. Hindi dapat, hindi tama pero yun ang nararamdaman ko.
I had my hopes, but I was wrong... gaya ng sinabi mo, nandito pa rin pala... siguro ganun talaga pag first love...
Masaya talaga ako na kayo ni Luiza... seryoso... partly, it hurts, but I'm happy. Masaya ako kasi mahal mo siya, I saw that love when we met. I saw how much you love her. Malungkot lang kasi nasa ganyan kayong sitwasyon tapos nandito ako... kahit sabihin mong taga kinig lang, hindi pa rin e. May iisipin at maiisip pa rin ang mga tao. Luiza might be confused right now. Siguro dahil first bf ka niya e. Sabi ko nga sayo nun, naintindihan ko siya kasi babae rin ako. I came to that point in life, and still, I am in that point... confused.
Try to understand her... more... kahit sinabi mo na saking ilang beses mo na siyang pilit iniintindi.
Maybe she's just pressured... give her time if that's what she wants... kahit na mahirap para sayo. Mahal mo e. Understand her hangga't kaya mo pa. At this stage siguro she's just experimenting things... first time e. But it doesn't mean na after niya mag experiment e iiwan ka nia. Kasi baka sa pag eexperiment nia, dun niya mabuo ung conclusions niya... na mahalaga ka talaga sa kanya.
I don't know Luiza... haven't heard anything bad about her except for the things you told me before. We may not be friends but I think she really has a good heart... and that made you fall in love with her.
Don't confuse your feelings with her just because I'm here. Ayokong sasabihin mo saking totoo yung mga sinabi mo nung nakaraan, kasi may problema kayo e. Parang siguro defense mechanisn mo lang yan... siguro ano... ganto nalang... find yourself... fix everything... or maybe not everything but fix the things that are needed to be fixed.
When everything's fine... gaya ng sinabi natin non sa isa't isa, "Andito lang ako." Promise ko yan sayo.
Sa ngayon, hanapin muna natin ang sarili natin... kung san ba tayo talaga. At kung dumating man ung time na ichat mo ko dahil okay na ng lahat sayo at sa ibang tao, kahit ilang taon man ang lumipas, asahan mong andito pa rin ako at sasabihin ko sayo yung mga bagy na nandito lang sa ❤ ko lumipas man ang ilang taon...
At gaya ng sinabi ko... I'm still confused... about myself, feelings, and etc.
Thank youuu for letting me enter in your life again for the nth time. (Di ko na alam kung ilang beses mo na akong tinanggap sa daming beses na) and sorry kasi eexit na muna ulit ako. Hindi natin/ko alam kung hanggang kelan, pero eventually when that time comes, we already found ourselves... siguro sa tabi ng ibang tao... o sa tabi ng isa't isa... only time will tell...
Naloka naman ako nung pagkasend ko, nagsisi ako! Paano kung pumayag siyang tapusin na ito? Ano na ang gagawin ko? Naku, Pia! Malamang accept it. Ikaw nag decide e.
Hays! Ang tagal niyang magreply. Magrereply pa kaya siya? O ang hindi niya pagreply ang sign na he agreed to stop this na? Nakakabaliw.
"Wag naman."
"Wag naman ganyan."
"Wala naman tayong ginagawang masama.""Alam ko..." Alam ko yun.
"Basta, hindi ko na ilalayo ang sarili ko sayo kasi andyan ka na oh."
"Ayoko namang isipin mong lalapitan lang kita pag may problema lang ako."Waa! Thanks God! Does it mean na tuluy tuloy pa po ito?
BINABASA MO ANG
Hula
Non-FictionNaniniwala pa rin si Pia na one day, magkakatotoo yung hula sa kanya ng matandang babae. Umaasa pa rin siyang babalikan siya nung unang lalaking minahal niya ngunit iniwan niya sa ere. Yes, siya ang nang-iwan pero ang lakas ng ilusyon niyang si Mate...