"Hi Habz! :)"
"Ano na kelan na? Hahahaha."
"Kamusta ka na kaya?"
"Ay may isesend ako sayo."Ano bang irereply ko? Pwede bang isa isa lang?
Kaloka! Ngayon ko lang napansin, 1: 44AM? 1: 48PM na. Ilang oras na ang nakalipas. Bakit kasi ngayon ko lang naisipang buksan ang messenger ko.
"Kaw bahala."
"Okay naman ako. Ikaw?"Susme! May mali ba sa reply ko? Bakit ang tagal mong magreply? Ang tagal ko bang magreply? Ano isesend mo? Nakakapraning.
---
Lumipas na ang isang araw, wala ka pa ring reply. Napapakanta nalang ako ng Hiling by Silent Sanctuary e!
Ano na kayang balita sa iyo? Naiisip mo rin kaya ako.
Grabe ka naman talaga. Hindi ko alam bakit naiinis ako. Nakakafrustrate!
"Ano yung isesend mo? Asan na mga pics?"
Nasan na nga ba yung mga pictures natin na sinabi mong ipapasa mo? Mga litrato nung tayo pang dal'wa. Natatawa pa rin ako pag naaalala ko yung picture natin na pinasa mo. Yung picture na magkatapat tayo sa upuan tapos nilagyan mo ng "WALANG FOREVER" Hahah! Buset! Tapos nagsend ka pa ng iba nating pictures, yung itsura ko roon laughtrip! Well, hanggang ngayon naman. Hahah!
Kinuwento mo sakin na lahat ng pictures at messages natin nasa facebook main account mo. Natuwa ako nang malaman yun, ako kasi dinelete ko lahat ng pictures natin. Bitter ako nun dati. Lol!
Tinanong kita kung alam ba ni Luiza yun. Sabi mo oo. Nung una, pinadedelete niya, pero sinabi mong memories yun at wala namang masama kaya naman hindi na niya pinabura. Naisip ko nun napaka-understanding naman ni Luiza. Sabi mo, nagseselos pa rin siya sakin, kasi alam niya kung gano mo ako minahal NOON. Ang sakit marinig ng noon, pero unti unti, natututunan kong tanggapin na parte nalang ako ng noon mo.
Maisesend mo pa kaya sakin yung mga litrato? Kasi seryoso, gusto kong balikan, gusto kong makita yung itsura natin, gusto kong makita sa mga mata natin yung pag-ibig. Gusto kong makita sa mga ngiti natin yung pag-ibig. Kahit sa litrato nalang. Gusto kong balikan ang mga masasayang alaala nung tayo pang dal'wa. Ang tanga ko na ba talaga?
---
Wala ka pa ring reply. Ilang araw na?
"Wala na matagal na :)"
"I mean official na wala na talaga."
"Ansakit sobra"
"Antagal din halos mabaliw ako pero ngayon kinakaya kaya ko hanggat kaya. Haha!"
Nakakapraning lang, sayang yung 3years.""Di na napagbigyan."
"Hay nako Pia Haha."
"Hahah."
"Sabi ko na e."
"Naramdaman ko na to nung nag usap palang tayo."
"Yung mga after nating mag-usp dun na nakikipaghiwalay ng official sakin personal."
"Yung mga una syempre di ako pumapayag."
"But then, nakailang usap kami ng personal na bumibitaw na talaga siya."
"Kaya ayun."
"Ansakit. Haha!"
"Putspa! Nagpakalbo nga ako. Haha!"
*insert kalbo pic*
"Hahahaha."
"Ang hirap talaga nung mga una."
"Di ko alam gagawin ko e."Nakakagulat ka naman! Ang haba ng message mo. Hindi ko alam anong irereply ko. Alin dyan ang rereplyan ko? Uunahin ko bang punahin yung litrato mo? At sabihing. "Ang gwapo mo pa rin kahit kalbo." O uunahin kong sabihin ang mga hinaing ko sa tagal mong walang paramdam? Hindi. Seenzoned muna kita para maramdaman mo.
"Seen si Pia oh!"
Yown! Right time to reply.
"Sakit noh?"
"Haha! Salamat ha."
"Oo naman gagsi. Sobra."Gagsi to. Hindi nagets yung reply ko! Lol!
"Sakit ma seen. Chos!"
"Salamat san?""Salamat sa panghahard. Haha!"
"Grabe, kelan kita hinard?"
"Kanina. Haha!"
"Sabi mo sakit no? Hahaha!"Ayy. Ako naman di nakagets. Lol! Nakakatanga yung ganito. Hindi mo alam san ka magsisimula.
"Baliw. Sabi ko sakit maseen."
"Ay! Haha. Okay."
"Kala ko yung mga nabanggit ko.""Dejk lang. Onga, masakit nga."
Okay. Ewan ko ba if we're making sense. I know hurt siya, puro "Hahah" e!
"Hayup. Haha!"
"Ito inieasyhan ko na nga lang kahit until now e hapdi hapdi pa. Haha!"
"I mean masakit pa talaga.""Ganun talaga."
"Oo na."
Hindi ko alam ano pang irereply ko. Ayoko pang matapos ang usapan nating ito pero hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko. Kung ano ang mapapayo ko. Alam kong kaya mo yan. Alam kong may dahilan bakit nangyayari yan. Wag ka mag-alala, magiging okay rin ang lahat.
Kaya siguro ang tagal mong hindi ako chinat. Gusto mo siguro ng peace of mind dahil sa iniwan ka nga niya. Kaya hindi mo ako chinat dahil nagmumove on ka. Dahil ayaw mo munang magulo. Naiintidihan ko na ngayon kahit hindi mo ipaliwanag.
"Oy, tulog na ako."
"Sige. Good night."
"Good night din."
Bakit parang ang sakit? Parang ang sakit ng good night niyang yan? Bakit parang feeling ko last day na naming mag-uusap? Wag naman po sana.
BINABASA MO ANG
Hula
Non-FictionNaniniwala pa rin si Pia na one day, magkakatotoo yung hula sa kanya ng matandang babae. Umaasa pa rin siyang babalikan siya nung unang lalaking minahal niya ngunit iniwan niya sa ere. Yes, siya ang nang-iwan pero ang lakas ng ilusyon niyang si Mate...