Chapter 18: Project [Revising]

34 6 0
                                    

Xia's POV

Haaay! Paano nato? Paano na namin magagawa yung project? Nakakainis naman.

Flashback...
Friday na ngayon at kinabukasan ay gagawa na kami ng project.

Maya-maya ay nakita ko si Sanjay na tumatakbo papunta sakin. Pagdating niya sa harapan ko ay hingal na hingal na siya. Ano bang nangyari?

"Napaano ka?" Tanong ko sakanya.

"Xia. I'm sorry. Hindi ako makakasama sa paggawa ng project. May emergency kasi sa kompanya namin sa Korea at kailangan nandun ako. Pakisabi nalang sa barkada. Mamayang 1:00 am kami aalis. Private plane." Paliwanag niya. Mejo nag-alinlangan ako kasi gagawa ako ng project kasama si... Jack? Dalawa lang kami? San nalang kami gagawa kung aalis sila?

"Ah, sige. Kaya na namin yun. Isulat nalang namin name mo dahil may natulong ka naman." Sagot ko sakanya.

End of flashback

Nako talaga. Kaya eto ako ngayon. Nag-iisip kung tatawagan ko ba si Jack.

Tawagan ko na ba?

Ay sige na Xia. Para sa grades mo.

Din-ial ko na ung number ni Jack kahit sobrang kinakabahan ako.

Ayan na sumagot na!

[Hello] sabi niya sa kabilang linya.

"Jack! Uhm.. ah. Ano... kasi... " Ugh! Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy dahil nag s-stutter na ako. Bakit nga ba? "Umalis kasi sila Sanjay kaninang 1:00 am. Pupunta sila sa Korea. Bussiness matters yun. Eh ngayon tayo gagawa ng story. Tapos sa bahay pa dapat nila."

[Oh that's it? Dito nalang tayo gumawa sa bahay.]

"Ha? Oh sige. 10:00 am?"

[Sure.]

Pagtapos nun ay in-end ko na ung call. Woooh. Halos hindi ako makahinga ng maayos kanina. Urgh.

Hala hindi ko nga pala alam ung address nila! Itetext ko palang sana niya ng mag vibrate ung phone ko.

Pagtingin ko ay number pala yun ni Jack at sinabi niya rin ung address nila.

Nag reply naman ako ng 'Thanks'.

Pagtapos ay naligo na ako at nagbihis. Pagtingin ko sa orasan ay 8:00 palang kaya nagdecide ako na sa mall nalang mag-breakfast.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko agad sina Manang na naghahanda na ng pagkain. Wala sila Mom and Dad. Maaga nanaman sigurong umalis.

"Manang. Good morning po. Pupunta po ako sa mall. Dun narin po ako kakain." Sabi ko sakanya.

"Ganun ba? Ah sige. Mag-iingat ka ha?" Tumango ako kay Manang.

Pagdating sa ko sa mall ay dumiretso agad ako sa Heavenly Dessert para kumain. Ang daming tao. Umupo agad ako sa isang upuan. Pagbigay sakin ng menu ay nagorder na agad ako. Habang naghihintay ay nagpho-phone ako ng biglang may babaeng sumulpot sa harapan ko. Nakatayo siya.

"Siya. Siya ung friend na kikitain ko. Hello!" Sabi niya sabay tingin sakin at ngumiti. At kusa nalang rin akong ngumiti sakanya. Ang ganda nya naman.

Na-realize ko na may kausap pala siya kaya tumingin ako sa kausap nya na... lalaki?

Boyfriend nya siguro. Pero bakit pinapaalis niya? LQ?

Nagiging tsismosa na ako! Ano ba yan. Not my bussiness.

Nagpatuloy ako sa pagce-cellphone ng naramdaman kong umupo ung babae sa upuan na kaharap ko. Pangdalawahan kasi ung nakuha kong upuan eh.

"Hi." Bati niya sakin at ngumiti ulit. Tapos na pala silang mag-away.

"Hello." Sabi ko at ngumiti rin.

"Thank you nga pala ah." Sabi niya.

"Bakit naman?" Tanong ko sakanya.

"You know. Ah kasi manliligaw ko yun. Hmm. Gwapo naman siya at mayaman pero... not my type! Haha. Tapos niyayaya niya akong mag-date pero sabi ko may friend ako na i-mi-meet. Pero hindi naman totoo. Good thing you're here." Ewan ko kung bakit nag she-share siya ng kwento niya pero nakinig nalang rin ako. She's so pretty!

"Ah. Hahaha." Sabi ko nalang at bumalik na sa ginagawa ko.

"Ah. By the way, what's your name?" Tanong niya sakin.

"I'm Xiandra."

"Nice name! I'm Fraciene!" Ang energetic naman ng isang toh.

Tumango at ngumiti nalang ako dahil dumating na ung order ko.

"Hindi ka kakain?" Tanong ko sakanya.

"Ah. Actually, kakakain ko lang kaya nagorder lang ako ng frappe."

Di nagtagal ay dumating narin ung order niya.

Pagtapos naming kumain ay inaya niya ako na mag-mall.

"Please, Xia! Bayad ko narin sayo." Pangungulit niya pa. Bat ang ganda niya parin!? I'm like TT 😂.

"Gagawa pa po kasi kami ng project sa bahay ng kaklase ko eh" sabi ko naman. Nung nalaman kong mas matanda siya ay nag 'po' at 'ate' na ako sakanya.

"Sayang naman. Ano nalang... friends?" Sabi niya at in-extend ung kamay niya sakin. Agad ko naman yung tinanggap.

"Next time nalang po." Sabi ko sabay ngiti.

Aalis na sana ako mg bigla niya akong tawagin.

"Your number? I really want to be friends with you!"

Binigay ko naman sakanya ung number ko kaya binigay nya rin ung kanya.

***
Pagdating ko sa sinabing address ni Jack ay... huh? Kala ko mayaman sila? Kubo lang ung nadatnan kong bahay sa address na sinabi niya.

Maya-maya ay may kumatok na guard sa bintana ng kotse ko.

Wow. Naka-uniform pa siya ng uniporme ng guard talaga tapos ganto ung binabantayan niyang bahay?

"Kayo po ba si Ms. Xiandra Gomez?" Tanong niya nang buksan ko ung bintana.

"Opo." Sagot ko sakanya.

"Sige po. Sundan niyo lang po ako."

Tumango naman ako at sinara ung bintana bago sumunod sakanya.

Pumasok kami sa gate ng kubo na bahay and guess what? May gate pa ulit at... wow! Mansion pala not bahay. Sabi ko nga mayaman talaga sila.

Pagpasok sa loob ng gate ay pinark ko na ung kotse ko at pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok ko sa loob ay mas namangha pa ako. Sobrang ganda! AS IN.

"Kuyaaaa! Your vishitor ish hereee!" (Kuyaaaa! Your visitor is here!) Napatingin naman ako sa sumigaw. Ang... waaah! Ang cute niya!

"Wait!" Rinig kong sigaw ni Jack.

Pinaupo muna nila ako sa sala.

"Jack wag mong pinaghihintay yung bisita mo ah!"
Napatingin ako sa babaeng kakarating lang. Woah. Ate niya?

Parang familliar?

Nagulat ako nung tinanggal niya ung shades niya. Siya ung ate niya!?

"Oh? Xia!"

"Ate Fraciene?"

---

A/N: May binago ako ss Chapter 12: 'Friendly Date?'

Check it out!

Thank you😁.

Keep reading and voting! Comment narin. Hahaha.

-SecretAngeeeel 💕

Wrong Place, Wrong Time, Right Person (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon