Chapter 11

41 1 4
                                    

Dumaan na ang ilang araw, linggo, buwan... Wala ka pa ring paramdam. Ano nang nangyari sa'yo? Buhay ka pa ba? Bakit nawala ka nalang bigla? Ichachat ba kita? Pwede naman siguro diba?

Mateo. Musta?

Two words, two punctuation marks that might change my whole life. Ugh!

"Maurizze! Tignan mo. Wala nasiyang paramdam."

"Hayaan mo na kasi. Baka wala na."

"Grabe naman."

"Pahiram nga ako ng phone mo. Pabasa."

Inabot ko kay Maurizze yung phone ko at nagstart na siyang magscroll sa chat namin ni Mateo.

"Uy Riz, ingat ha? Baka mapindot mo yung like."

"Ay! Napindot ko! Sorry!"

"Seryoso?"

Paghatak ko ng phone ko sa kanya napindot ulit yung like! Sh*t!!! Bakit kasi may like pa dito!!!

"Hala Riz, nakakahiya."

Double kill ako run ha! Hindi lang isa kundi two likes pa! Ano nalang iisipin niya? Nagbababck read ako? Hahah! Well, okay lang siguro yun. Bahala na. Baka sa likes na yun e makaalala siya.

Binubuksan niya pa kaya 'tong dummy account na to? Wala namang makita. Wala lang mga posts.

Sephia, hello? Meron siyang main account. Why don't you try na dun mang stalk? Haha!

At first natatakot akong buksan ang profile niya. Ayoko kasing may makita na maaaring makasakit ng damdamin ko, na maaaring magpatigil ng mga ilusyon ko.

Cover photo... </3

Profile picture... </3

Featured photo... </3

Ano pa? Durugin niyo na 'tong puso ko. Ang sakit sakit sakit sakit!

Sa mga buwan na hindi mo ako chinat, ito ba ang dahilan? Okay na pala kayo e. Bat di mo ako binalitaan? Sige. Mamaya ko na itutuloy ang sakit. Something's bothering me. Yung featured photo niya.

1M... help us... for our friend's operation.

Shit! Is this the reason why?

I immediately checked Luiza's facebook. I saw her profile picture and it somehow breaks my heart. Luiza, Mateo, and two other friends who look so in love, happy, while laughing. Candid! Pia, t's not the time. I clicked the profile picture to see the image clearly. I saw Luiza wearing a brace around her neck. And all of a sudden. I knew it! Mas lalo akong nadurog. Mas lalong ang sakit ng naramdaman ko.

Binitawan ko na yung phone ko and start to conclude.

Siguro Luiza's tyring to break up with him because of her situation. Maybe she's sick. And didn't like Mateo to suffer. Maybe Luiza's thinking of Mateo's sake. Medyo  makirot. Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari yung ganun. Yung dying na yung tao tapos pipiliin niyang hindi ipaalam sa partner niya, makikipaghiwalay nalang siya. Sasarilinin yung sakit. But deep down, mahal na mahal niya yung tao, kailangan niya lang talagang iwan. Shit! Koizora feels.

Ano bang laban ko? E mala-pelikula yang love story niyo?

Wala na. Talo na ako. Haha! Tigil na ako. Wala na akong papel sa istorya ninyo. Wala na akong halaga kay Mateo. Tapos na.

HulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon