Naglalakad ako sa kawalan.Habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa akin mga mata.
Di ko alam kung paano ko ito papatigilin.
Napatingin ako sa paa at binti kong punong-puno ng sugat, putik at dugo.
Nanginginig ang mga ito.
Tumingin ako sa malayo.
Di ko masyadong maaninag kung ano ang nasa dulo nito.
Tanging kadiliman, masukal na paligid at mga sapa ng dugo ang nakapalibot sa akin.
Biglang may lumitaw na dalawang bata sa harap ko sa di kalayuan.
Sinundan ko sila.
Pumasok sila sa isang gubat na napapalibutan ng matataas at malalaking puno.
Nakakabingi ang katahimikan sa loob.
Narinig kong nagsalita ang isang bata.
"Di na ba tayo masusundan dito?" -sabi ng isang batang lalaki na punong puno nang tapang at paniniguro ang tinig.
"Hindi na , nilagyan na ng ilusyon ng aking mga knights ang paligid para di tayo makita ng mga Forneus." Tugon ng isa pang bata na ang matured ng magsalita.
Anong Forneus?
"Mabuti. Kailangan ka naming maprotektahan, prinsesa, sa kahit anong paraan." Tugon ng batang lalaki sa prinsesa.
"Mahal na prinsesa, ayus lang po ba kayo?" Tanong ng isa pang bata lalaki na kakarating lang sa natatanging babaeng kasama nila.
"Wag kayong mag-alala, alam niyo namang di ako nasasaktan diba?" Sabi ng batang babae na mala maharlika ang tuno ng boses na halatang kampanti lng.
Lumapit ako sa kanila.
Tila di nila ako nakikita dahil habang papalapit ako ay wala man lng silang nararamdaman na paparating.
"Pero mahal na prensesa, tungkulin naming protektahan ka at ihatid sa kaharian ng ligtas. Di maaring hayaan lang naming may mangyari sa iyong masama." Sagot ng isa pang batang lalaki na kanina pa pala nila kasama na nananahimik habang nakikinig sa usapan.
"Alam ko, kaya nga lubos akong nagpapasalamat dahil nakilala ko kayo." Unti-uting gumagalaw ang katawan ng batang babae paharap sa kinaroroonan ko.
Habang papaharap siya ay patuloy parin ang kanyang pagsasalita.
"Dapat na ang protektahan niyo ay ang mga sarili nyo. Dahil di natin alam kung gaano kalakas ang maari nating makaharap maliban sa mga Forneus. Nais kong masiguro ang inyong kaligtasan hindi lang dahil Royal Knights kayo ng Kaharian ng Qaspiel, kundi bilang aking mga kaibigan. Labis akong nagagalak sa inyong katapatan at di naging hadlang ang iyong mga murang idad para gampanan ang inyong mga tungkulin." - sa lalim ng mga salitang binitiwan niya, nahihiya na tuloy ako na mas marami pa kong alam na masasamang salita kaysa mga salitang makakapagpagaan ng damdamin at isipan ng iba.
Masyado namang makata tung batang to.
Royal knights?
Qaspiel?
"Ako ang Prinsesa ng Qaspiel" Dugtong niya saka tuluyang humarap sakin.
Natulala ako sa nakita ko. Kamukhang kamukha ko siya. Ang batang prinsesa kamukha ko!!!
YOU ARE READING
Two-Faced Reality:Hidden School of Abilities(NeverbeenOrdinary)
Pertualangan☁☁☁☁⛅🌅🌇🌌🌌🌌🌌🌃🌌🌌🌌🌛 I couldn't look at her. She's messed up. And she was not me. The night was cloudless and moonless. Stars spread across the sky like spattered blood. Soldiers, Saviors, Thinkers, Soul Catchers. 🐾 ...