PART 13: HOPELESS

4.1K 99 2
                                    

Dan's POV: 

As usual, nakapila na naman kami sa labas ng simabahan kasi part na naman kami ng entourage. At hindi ko ba malaman sa mga barkada ko kung bakit kami pa din ni Karla ang pinagsama nila kahit na alam nilang wala na talaga kaming chance. 

Nananadya talaga. Ipupush pa kasi talaga nila ang hindi pwede. 

"Guys! Hold your partners na.. Nagsisimula nang mag lakad ang mga sponsors. Kayo na ang susunod." Paguutos ng wedding coordinator nila Liam. 

Tinignan ko ang kanina pang malungkot na si Karla.

"Hey.. Are you okay?" Pagtatanong ko sa kanya. 

Tinignan niya ako at tumango. Then I noticed na namumugtong ang mga mata niya. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang problema pero hindi ko na ginawa. 

Bukas aalis na ako papuntang Iloilo. So I guess, lahat nang nangyayari kay Karla is none of my business anymore. This time hindi ko na sasabihin sa kanya na papakawala ko siya. Basta gagawin ko nalang. 

Habang nagiisip, biglang humawak si Karla sa braso ko. Tapos tinignan ko siya and I saw that tears are about to fall from her eyes while looking at someone. Nang tignan ko kung sino ang tinitignan niya, I was surprised to see that it was Jacob. 

Nagaway kaya sila? 

"Karla.. Are you sure your okay?" Ulit kong tanong sa kanya.

Bigla niyang inalis ang tingin niya kay Jacob.

"I am okay.. Don't worry about me.. I am perfectly okay.." Sagot niya.

Huminga ako ng malalim. 

"Okay.. Sinabi mo eh.." Sagot ko. 

Kung alam niya lang kung gaano ako ka concern sa kanya ngayon. Pero she's pregnant at ayokong dumagdag sa stress na nararamdaman niya. Kaya kahit gusto ko man siyang usisain, hindi ko na ginawa. 

-------------------------------------------------

Karla's POV: 

Nang natapos ang kasal ni Liam at Rachel, agad akong inaya ni Jacob na umuwi. 

"Sige.. Give me 5 minutes.. Mag CCR lang ako.." Pagpapaalam ko sa kanya. 

"Okay.. Hurry up ha? I really want to go home na.." Sagot niya. 

Tumango lang ako at naglakad papunta sa CR.

While I was walking, naalala ko lahat ng sinabi ni Jessica sa akin lastweek. Ang sabi niya, Jacob is dangerous daw. Alam ko na paminsan-minsan nakakapanakit siya. Pero sapat na batayan na ba yun para sabihing he's not mentally well? 

Sa sobrang pag-iisip hindi ko namalayan na may tao pala akong kasalubong. At dahil wala sa daan ang attention ko, nagkabangaan kami. 

"I'm sorry.." Pagpapaumanhin ko sa taong nakabanga ko. 

Then I looked up to see that it was Dan. 

"Karla.. Kaninang umaga ka pa ganyan.. Sigurado ka bang wala kang problema?" Pagtatanong niya. 

"Dan.. Uhmm.. Wala.. Madami lang akong iniisip pero okay lang ako.." Pagsisinungaling ko. 

"Karla.. if there's something you need to tell me.. Do it now.. I'm leaving tomorrow.. So I wont be able to help you kapag kakailanganin mo ako.." Pagpapaliwanag niya. 

Natawa ako kasi nagsisinungaling na naman siya. Malang isang paraan na naman niya to para masira kami ni Jacob. 

"Dan.. tama na.. Lahat nalang ng paraan ginagawa mo para makaisa ka.." Pagsasaway ko sa kanya. 

MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon