I understand you.
Alam ko, minsan, pakiramdam mo, wala nang nakakaintindi sa'yo, pero maniwala ka kung sasabihin kong naiintindihan kita. Kasi ako, pinagdadaanan ko rin yan.
Minsan, hindi naman natin kailangan ng maraming tao sa buhay natin, kailangan lang natin ng taong makakaintindi, taong makikinig. Taong makakausap...
Kaya nandito ako para pagusapan natin ang pinagdadaanan mo ☺
Sa tingin ng karamihan, malungkot lang tayo, na kaya naman nating sumaya, if only we would choose to.
Pero ang hindi kasi nila maintindihan, yung kalungkutan at takot na nararamdaman natin, hindi natin ma-control. Ito pa nga ang nagccontrol sa atin.
May mga araw na masaya tayo, sobrang saya. Pero sobrang natatakot tayo, na baka mamaya, malungkot na ulit. Kaya nga minsan, nakakatakot ng maging masaya, pakiramdam mo laging may kapalit o baka hindi mo na mararamdaman yun ulit.
Kahit na nasa matao kang lugar, feeling mo mag-isa ka lang, feeling mo sobrang liit mo na napapalibutan ka ng mga malaki at nakakatakot na mga tao at ang mundo.
Kahit may mga kaibigan tayo, isa, dalawa, tatlo. Bakit feeling mo mag-isa ka pa rin? Walang kakampi?
Ito yung mga pakiramdam na hindi natin kayang kontrolin. Kinakain tayo ng lungkot, ng takot at pagiisip ng sobra.
Ang Depression at Anxiety para silang mag-asawa, hindi sila mabubuhay ng wala ang isa, kaya panigurado kung may Depression ka, it's more likely you also suffer from Anxiety.
There are many cases which a person started suffering from Anxiety, then eventually, suffered also from Depression.
Bakit nga ba natin nararamdaman ang mga ito?
There are situations/circumstances that triggered us to feel this way.
Yung iba galing sa traumatic experiences and yung iba naman bigla na lang itong naramdaman.
Maybe because, you're tired of living the same routine everyday. Maybe, it's because you're tired emotionally, spiritually, mentally and physically. Maybe, because at a certain point in your life, you failed.May mga bagay na nais nating makamtam, pero hindi natin nakamit.
May kinakatakutan tayo. Ang mangyayari sa future natin, ang mangyayari sa buhay natin at kung anu ano pa.
Takot mahusgahan, takot na makita ng ibang tao ang madilim mong mundo, takot na iwan ka nila, ireject ka nila, hindi mahalin pabalik.
Ikaw, anong dahilan ng lungkot at takot mo?
Furthermore, I know you get irritated most of the times, either when someone is physically close to you or people who are really close to you.
May mga times, o kadalasan, mabilis tayong mairita, nararanasan mo rin ba ito? Yung tipong may malapit na tao sa'yo halos hindi ka na makahinga sa sobrang takot, o minsan naiinis ka sa kanila. Yung pagnguya ng bubble gum, movements nila, tunog ng kuko at kung anu ano pa. Minsan, may times na maiirita ka sa mga taong malalapit sa'yo. Pamilya, kaibigan o kasintahan mo.
Minsan nakakatakot na masaktan natin sila kaya mabuti ng ipaalam mo sa kanila ang nararamdaman mo at kung bakit ganun ang nararamdman mo. Maiintindihan ka nila, just express yourself.
Overthinking.
Kadalasan rin itong mangyari sa'yo.
Hindi mo mapigilan, kahit yung maliliit na bagay, masyado mong inaanalyze sa isip mo.
You're worrying too much, you need to relax.
Sometimes, we have to put our trust and faith in God☺ We doesn't have the power to control the future and what might happen pero hayaan mo na. Live in the moment. Do what you only can do.
And if anything else will fail, IT'S OKAY. If you stumble and fall, get up and stand tall.
Breathe.
Pakiramdam mo ba kinakapos ka ng hininga?
Hayaan mo lang.
Hinga lang.
Hangga't kaya mong huminga, hihinga ka. :)
Nandito lang ako para sa'yo. Nandiyan lang rin Siya. Nandiyan ang pamilya't kaibigan mo. Kung may gusto kang pagusapan mag-iwan ka ng suggestion sa comments :)
BINABASA MO ANG
Talk: Anxiety + Depression
RandomI created this series entitled 'Talk' to express my mind, basically you can leave your questions/suggested topic on the comments and I will try to answer or talk about it on another chapter. :) Hope this will help out anyone who's suffering from eit...