"Kamusta? Masaya ba diyan?"
Nagulat, natuwa at kinilig ako nang nabasa iyan;
"Okay lang."Sagot ko naman.
Naghintay ako na mag cha-chat ka,
Pero bakit nga ba ako umaasa?
Kung alam ko naman, dati pa
Na may babae nang dahilan upang ngumiti ka?
Tumakbo ako ng mabilis palayo sa nararamdaman ko sa'yo,
Ngunit pilit akong hinahabol nito;Ang hirap. Napakahirap kumawala sa nararamdaman ko;
Kitang kita ko ang bawat hakbang niyo sa tulay na puso."Sana masaya ka, sana magtagal kayo."
Sinasabi ng utak ko iyan, ngunit,
"Walang forever! Mag b-break din kayo!"Iyan ang sinasabi ng puso kong punit.
BINABASA MO ANG
Book of Feelings
PoetryMga damdaming hindi kayang ibigkas kaya natipon sa mga salita.