XVIV. The Myth (2)

926 41 1
                                    


XVIV. The Myth (2)

"Believe..."

***

Vice mumbled again in pain as he opens his eyes. Di tulad kanina, ay dilim naman ang bumungad sa kaniyang pag-gising ngayon. Ngunit mas nadismaya siya dahil ang buong akala niya ay panaginip lamang talaga ng nangyari kanina. But it seems like it's really not. Hanggang sa bumalik sa alaala niya ang nangyari kanina. Hindi naman niya maiwasang muling magpanic at kabahan.

"Y-yung griffin." tumayo siya mula sa kaniyang pagkaka-upo at hinanap ng kaniyang paningin ang griffin na kanina ay nakasalamuha niya.

Ngunit wala siyang nakita. Walang griffin.

Napahinga naman siya ng malalim at naginhawaan nang malamang wala na ito. Kaya't hindi na siya nagsayang ng pagkakataon para makalabas sa lugar, ay agad na siyang naglakad without making any noises.

Still his eyes are roaming around the place. Until something ... well I guess someone caught his attention.

A lady with a skin of porcelain. But covered with some blood.

Agad namang tinungo ni Vice ang babaeng nakita upang tulungan ito. The lady was naked but he don't mind at tinanggal niya ang cloth na naka-balot sa kaniya at sa babae naman ito ibinalot. Isinampa niya ang katawan nito sa kaniyang hita nang makaluhod na siya. Dahil sa haba ng buhok ng babae ay hindi niya nakita ang mukha nito na ipinasawalang bahala niya muna, kundi ay chi-neck niya muna ang pulso ng dalaga. And yes, it's still alive. Kaya pa-bridal style niya na itong binuhat at agad na lumabas sa lugar.

Bumungad sa kaniya ang plain na land nang makalabas sila. The place really seemed to be separated from the world outside.

"C'mon! Pano ko naman 'to maililigtas kung wala man lang bahay dito?" tanong ni Vice sa sarili. Muli ay inilibot niya ang paningin searching for lights and houses.

At sa pagkakataomg ito ay hindi siya nabigo. May nakita siyang liwanag 'yon nga lang ay may kalayuan, pero parang sadyang nakakampi sa kaniya ang tadhana at may nakita siyang kabayo ilang hakbang lang mula sa kaniya. Inuna niyang isampa ang babae sa kabayo bago siya sumakay rito.

Never pa niyang naexperience ang sumakay sa kabayo, but it seems like when he started ay para na siyang professional.

"Hoy! Yung kabayo ko!"

Narinig niyang sigaw ng matanda mula sa likuran niya nang tumakbo na ang kabayo. Marahil ang may-ari ng kabayong kasalukuyan niyang sinasakyan.

"Pasensya na po! Kailangan lang po talaga!" paumanhin ni Vice at muling kinabig ang tali ng kabayo upang pabilisin pa ang takbo nito patungo sa maliit na baryong nakiya niya.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay narating na ni Vice ang baryong nakita niya. Nang makapasok rito ay agad siyang bumaba mula sa kabayo kasunod ay kinuha niya ang babae at muli niya itong binuhat.

Kubo, mala-tent na ayos ng mga bahay. Lumang-lumang istilo ng pamamahay. Ganun mo madidiskubre ang lugar.

"Tulong!" paulit-ulit niyang sigaw habang buhat ang dalaga, ngunit tila ayaw ng nga taong tumulong at takot pa ata sa presensya nila.

The Pile | Vicerylle One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon