Matthew's POV
Umalis na agad si Scarlet ni hindi man lang sinabi sa akin na bakit ako yung pinasalamatan nya para sa pagbabayad ng bills ng Mama niya.
Medyo boring sa Condo kaya papunta ako ngayon sa bahay ni Uncle Tony.
Anthony Sandoval....
Uncle Tony is one of my guardian but not officially! Hindi kasi sya kilala ni Mom and Dad. Nakilala ko si Uncle sa isa sa mga School ko dati.He's a professor there, maniwala kayo o hindi aaminin ko Bully ako noon. Kaya ganon nalang kung mambuli ako ngayon- haha! Ganti ganti lang.
Balik tayo Kay Uncle.....
Nong may nambully sa akin sa elem. School ko, bigla nalang dumating si Uncle Tony para ipagtanggol Doon. Simula non! Kapag may nang-away sa akin, patay Kay Uncle.
Maya maya palang habang nagku kwento ako hindi ko na namalayan na nasa tapat na ako ng bahay ni Uncle Tony.
"Uncle!" Pagtatawag ko. Wala ka naman kasing makikitang kasambahay sa bahay na to eh. Si Uncle kasi, Kahit may edad na, malakas parin.
"Sino yan?" Tanong nya.
"Tito it's me, Matthew!" Agad naman syang lumabas para buksan Ang gate.
"Oh! Napadaan ka?" Bungad nya sakin.
"Yes Uncle. Masyado kasing boring sa Condo ko eh." Agad ko namang responde.
"Tapos ka nabang kumain? Ali ka! Pasok." Tapos pinaupo nya ako sa dining area.
"Dyan ka muna. Magluluto muna ako.!" Pagpapaalam nya sabay alis.
Nakapagtataka lang eh. Hindi pa rin nawawala sa isip ko yung sinabi ni Scarlet sakin. Bakit kaya pangalan ko yung nakalagay sa nagbayad? That means, kilala ako nong nagbayad.
"Parang ang lalim ng iniisip mo?" Bungad ni Uncle Tony na ikinagulat ko.
"Ah! Nandyan na po pala kayo." Matawa tawa kong sabi.
"Sino bang chicks ang iniisip mo?" Tanong ni Uncle.
"Wala po!.." ........ "Napapaisip lang po kasi ako, na bakit pangalan ko yung nakalagay sa nagbayad ng bills ni Tita Candy, yung Mama ni Scarlet." Pagshe-share ko.
"Sila Candy Lopez?" Agad naman nyang tanong.
"Opo! Kilala nyo po ba sila?" Pagtatanong ko rin. Curiosity kills kaya.
"Yes! I know them. Nagkasama na kasi kami sa isang project." Agad nyang sagot.
"Uncle! Wala po ba kayong balak na magkapamilya?" Hindi ko alam pero bigla lang lumabas sa bibig ko yun.
"Actually meron pero ----" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng Biglang nag-ring ang phone ko. Pagtingin ko, si Mommy.
"Sorry Uncle hah! But I think, I have to go. Sa susunod nalang po ulit! Salamat po sa Dinner." Pagpapaalam ko at umalis narin ako sakay ng kotse ko sabay sagot sa cellphone ko.
"Hello Mom!"
[Anak, Come in our house! We have our family dinner.]
"Yes Mom! I'll be there. Just give me a minute."
[See you later!]
Tapos binaba na nya yung phone at nag drive patungo sa impyerno... Este bahay namin.
Maya maya nakapunta na ako sa bahay.
"Good evening Sir." Bati sa akin ni Aling Silvia. Isa sa mga kasambahay namin at isa rin sa nagpalaki at nag-aruga sa akin.
"Manang! Nasaan nga po pala sila Mommy?" Tanong ko sabay ngiti.
"Nasa pool sila iho. Kasama si Madam Lily at Sir Jonathan." Agad naman nanlaki ang mga mata ko.
"Ibig sabihin, Nandito si Samantha?" Agad kong tanong na may halong pagtataka.
Tumango nalang si Manang. Aalis na sana ako ng tawagin ako ni Mom.
"Matthew Anak! Saan ka pupunta? Nandito ang venue sa pool" agad naman akong lumapit Kay Mom at niyakap sya.
"Hindi mo naman sinabi na nandito sila eh!" Pagtatampo kong tono.
"Sorry." Pagso-sorry ni Mom.
Dumiretso na ako sa Pool at umupo sa chair na parang walang nakikita.
"Matthew! Greet your Tita and Tito." Bungad sakin ni Daddy. Kaya pumunta ako sa kanila.
"Good evening Tita, Good evening Tito." Then they hugged me.
Maya maya palang nagkainan na kami. Sila Daddy ang topic ay about business.
Habang si Samantha katabi ko naman."So, can we continue the wedding of Samantha and Matthew? Total engaged na naman sila." Agad naman akong napahinto sa pagkain.
"Dad! I think I have to go now." Pagpapaalam ko sa kanya.
"No! You will stay here." Galit na sagot ni Papa.
"Marlon!" Pagpapatigil ni Mama Kay Papa.
"Akala ko po ba family dinner? Bakit nandito po sila? Dad I think its not a family dinner at all." Magalit galit ko ring sagot Kay Papa.
"Have you forgot? Fiance mo si Samantha." Sa oras na yon parang anytime pwedeng bumuga ng apoy si Papa.
"Tito!" Gulat na sabi ni Samantha.
"Yes! She is my Fiance. Pero sa papel lang yon. This is the one thing I want to clear. HINDI.... KO..... SIYA.... MAHAL!" Pagkasabi ko nyan, agad na akong nag walkout. Badtrip.
Sa hindi kalayuan naririnig ko pa si Dad na sumisigaw ng " Matthew! Come here." Pero dahil nga desperado ako, ni lumingon hindi ko ginawa.
Habang naglalakad ako, naririnig ko pang nagri-ring ang cellphone ko pagtingin ko, Its Mom. Pero hindi ko parin sinagot.
Agad na akong sumakay ng kotse ko at nagmaneho patungo sa lugar na pakakapag-isip ako ng maluwag.
Kung hindi naman nya ako iniwan, hindi magiging ganito ang flow ng wedding namin.
_________________________________________Votes are needed
Comment for any advice.
Thank you.
YOU ARE READING
Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)
Teen FictionSa Isang Unibersidad, may babaeng nagngangalang Scarlet na may SIMPLENG PAMUMUHAY! Kilala sya sa pagiging Amazona type ng campus. Pinaglihi kasi sya para kasuklaman ang mga lalaki. Meron rin namang lalaki na nagngangalang Matthew na May MAGULONG PAM...