(13) Tadhana

45 0 0
                                    

Scarlet's POV

[At hospital]

"Oh! Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Bungad ni Cheska.

"Ang gulo lang Kasi ng sitwasyon." Agad ko namang sagot, naguguluhan na kasi ako.

"Ano naman kasing Problema?" Tanong nya.

"Kasi nong isang araw, nagtanong ako sa cashier ng hospital." Pagsasabi ko.

"Oh tapos?" Tanong nya na parang bitin na bitin. Daig pa ang Lola mo sa pagka tsismosa ng Bespi ko.

"Fully paid na daw. Si Matthew ang nagbayad." Malungkot kong sabi.

"Eh! Fully paid na pala. Bakit di ka matuwa?" Sarcastic nyang sabi.

"Gaga! Hindi daw sya ang nagbayad" Mainis inis kong sabi.

"Hah! Sino naman?" Tanong nya habang nakataas ang kilay nya.

"Yun na nga mismo. May edad na daw ang nagbayad" pagkasabi ko agad naman syang nagtaka.

"Sino naman?" Nagtataka nyang tanong.

"Hahampasin kita ng dyaryong to eh. Hindi ko nga alam sino, tapos magtatanong ka?" Masungit kong sigaw.

"Hhehe. Besh Diba may lakad ka? Alis ka na" Aba pinapalayas pa nya ako hah! Bigla ko nalang naalala na Saturday nga pala ngayon.

"Teka! Oo nga pala, Alis na ako. Pero tatapusin natin to mamaya." Pangsisindak ko sa kanya.

Agad naman akong sumakay sa taxi papunta sa School. Sa Music Hall kasi kami magkikita.

Pagtingin ko sa orasan ko 8:45 na.

Isa lang ang nasa isip ko...

Yun ay ang...

LATE NA AKO.

________________________________________

Trevor's POV

Ang usapan namin ni Scarlet, 8:00 kami magkikita pero 30 minutes na akong nandito wala parin sya.

Kaya naghintay pa ako ng konti. At para maaliw ko naman ang sarili ko habang wala pa si Scarlet.

Kakanta muna ako..

Tadhana by Up dharma


"Sa hindi inaasahang"

"Pagtatagpo ng bawat Mundo"

"May minsan lang na nagdugtong"

"Damang dama na ang ugong nito."

"Di pa ba sapat ang,
Sakit ng lahat?"

"Na hinding hindi ko ipararanas sayo."

"Ibinubunyag ka ng iyong mata"

"Sumisigaw ng pagsinta!"

Kakantahin ko na sana ang susunod na linya, pero may nagtuloy nito.

"Ba't Di papatulan, ang pagsuyong nagkulang"

"Tayong umaasa, hilaga't kanluran."

"Ikaw ang hantungan"

"At bilang kanlungan mo."

"Ako ang sasagip sayo"

Tapos ngumiti sya.

"Sorry hah! Ngayon lang ako. Hindi sana ako makakapunta kung hindi sinabi ni Cheska na may lakad ako. Sorry talaga" pagmamakaawa nya.

"Okay lang!" Halos 1 hour kalang naman na late eh.

"Alam mo ang swerte ko na Naging kaibigan kita eh!" Matawa tawa nyang sabi. Parang Naging Slow Motion yung Kaibigan para sakin hah.

"So, tuloy ka ba sa Paris?" Tanong nya.

"Sabihin mong, you want me to stay here. Promise! Hindi ako tutuloy." Agad kong sabi na Naging dahilan para tumawa sya.

"Syempre, I want you to stay kasi kaibigan kita. But you can't do anything, family business yan. It's important than staying here." Agad naman akong nanghinayang sa sinabi nya.

"Kaibigan lang ba talaga tingin mo sakin?" Hindi ko alam bakit yun yung naitanong ko.

"Anong ibig sabihin mo?" Nagtataka nyang tanong.

"May gusto ka ba Kay Matthew?" Dagdag ko pa.

"Trevor!" Mainis inis nyang sabi.

"Pwede bang manligaw?" Naks! Naman. Trevor! Yung dila mo, sumusobra na!

"Trevor! Siguro next time na tayo makita. Hindi ka siguro okay ngayon eh! Nakakabigla lang. Alis na ako." Tapos umalis na sya. Naman kasi eh!

Tssk!

________________________________________

Scarlet's POV

Nakakaloka si Trevor hah! Ano bang nangyayari sa kanya. Bakit parang nininyerbos sya, at nagtanong pa kung may gusto ako Kay Matthew.

Dagdag mo pa yung sinabi nyang pwede ba daw akong ligawan.

AHHH! TREVOR!

Nandito na ako sa hospital ngayon. Habang papunta ako sa room ni Mama. May nakabangga akong lalaki.

"Sorry po talaga" pagpapaumanhin ko.

Habang pinupanasan ko yung damit nya na natapunan ko ng kape, hinawakan nya ang kamay ko na naging dahilan para iangat ko ang ulo ko.

"Bryan?" Pagtatawag ko sa kanya. Agad naman nyang Binitiwan ang kamay ko at binaba ang sumbrero nya para takpan ang mukha nya sabay Alis.

Teka! Bakit nandito si Bryan? Sya kaya ang nagbayad ng bills ni Mama. Eh! Hindi naman sya mukhang may edad. Pero bakit nga ba sya nandito?

Pag-alis ni Bryan! May sumunod sa kanyang babae. Kilala ko yung babaeng yun ah! Sya yung pumunta sa Condo ni Matthew nong isang araw.

Magkakilala ba silang dalawa ni Bryan?

Maya maya palang nakarating na ako sa room ni Mama. Pagpasok ko, si Cheska lang yung tao na nagbabantay. Wala si Tito at Tita.

"Bakit namumutla ka?" Bungad ni Besh, pero hindi ako sumagot.

"Besh! Anong nangyari? Nanakawan ka ba? Na hold up? Na....... RAPE!!" Hindi mapakali nyang mga tanong.

"Nakita ko si Bryan!" Pagkasabi ko non, agad naman syang nag cross arms.

"Besh! Niloloko mo ba ako? Akala ko naman kung Anong nangyari" Masungit nyang sabi habang nakataas ang kilay nya.

"May kakaiba sa kanya Cheska" matakot-takot kong sabi.

"Ano? Na Mas naging gwapo sya desente. Besh aaminin ko, may itsura naman talaga si Bryan Kahit Maldito yun." Sunod sunod nyang sabi.

"Hindi!" Pagpapatigil ko kay Cheska.

"Anong hindi Scarlet? Besh, naguguluhan na ako." Naiiritang sabi ni Besh.

"May masama akong kutob, may masamang mangyayari Cheska. Natatakot ako!" Parang nanggiginaw ako sa sitwasyon ko ngayon.

Wala akong naramdamang Kahit ano!
Maliban sa

TAKOT !

Na hindi ko alam bakit.

Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now