Puppy Love (Chapter 5): Ang Muling Pagkikita

32 0 0
                                    

Naging busy ako sa pagaaral ng entrance exam. Hindi muna ako nagfacebook. Total, hindi ko rin naman makakausap si Ana kasi aalis sila. Hay, eto sge magaaral muna ako ng tungkol sa Science, tapos sa Math naman magsosolve ako ng mga problem. Tapos etong AP, Filpino at English. Naiisip ko pa rin si Ana. Pero ginagawa ko siyang inspirasyon. Alam ko kasing makakapiling ko na siya kapag nakapasa na ako ng entrance exam. Kaso, baka magulat lang yun. Haha. Hay.

Lumipas ang ilang oras at natapos na rin ako mag-aral. Hindi ko mapigilang mag facebook. Naku, ang dami kong noti. Puro likes ng mga photo at status ko. May ilang game requests. Eto pa naman ang ayaw ko. Biglang may nakita akong Message galing kay Ana. Sabi niya, “magoonline daw siya mamayang alasais.”. Hintayin ko na lang.

Nagalasais na, hindi pa rin nagonline. Haggang alasotso na, hindi pa rin. Haggang sa nakatulugan ko ng bukas yung PC. Sana pala hiningi ko na lang number niya. Dumalang na rin yung komunikasyon naming. Pero araw-araw pa rin naman. Hindi niya lang alam na mag-aaral na ako sa Ateneo.

Ayun. Unang araw na ng pagpasok ko sa Ateneo. Hindi ko alam kung anung nararamdaman ko. May halong tuwa, kaba, takot, saya. Maaga ako naghanda. Haggang sa dumating na yung service.

basta yun. Susurpresain ko na yung pinakamahalagang babae sa buhay ko. May ibibigay pa ako. Sana magustuhan niya tong mga rosas at teddy bear. Pinagpapawisan  ako.

Pag pasok ko ng school, hindi ko mapaliwanag kung bakit yung mga babae nakatingin lahat sa kin at parang ginugunaw nila ako. Nakakagulat lang. Kinikilig pa sila. Swerte ako kasi lumipat rin yung Bestfriend ko na si Kevin. Naglalakad ako ng biglang.

"aray! ang sakit nman!!!!!!. Hoy Kuya!!!!! Magingatingat ka sa su-su-nod!??!?!", sabi ni ana

"Bakit miss kung sino ba naman yung maarte maglakad, may Mp4 pa at pa crosslegs!!!!!", sabi ko.

Pero may napanansin ako. 

"Teka!!!!!! Parang kilala kita?????", sabay naming sinabi.

"Anton!!!!!!!", sabi ni Ana

"Ana!!!!!!"

Sabay naming sinabi. 

Namangha  si Ana. Hindi niya yata inaakala na papasok ako sa school na pinapasukan din niya. 

"ibig sabihin?????? ikaw yung nakabangga ko sa 7-11!!!! yung mayabang!!?!?!?!", sinabi ni Ana ng may pagtataka.

"Ummm. Ana", napahinto ako. 

"Bakit ka nagsinungaling sa kin!!?!?!?!?!? Ang Anton na kilala ko Mabait!!!!! Yun pala mayabang ka! Wala kang

binabatbat! SINUNGALING!!!!", naku buko na ko. Eto pa naman yung ayaw kong malaman niya. Pero di ko naman kasi inaakala na siya yun eh. 

"Teka, teka, Ana, magpapaliwanag ako!", sabi ko. 

"Sa susunod na lang. Wala ako sa mood! Hindi ko maatim ang mga SINUNGALING !!!!", sinabi ni Ana na puno ng

puot at galit. Bakit kasi nalaman pa niya. Totoo nga ang kasabihang walang sikretong di nabubunyag. 

Hinabol ko si Ana ngunit huli na ang lahat. Habang wala pang klase, tinignan ko yung mga section. 

"Sanadali lang. eto Anton Martinez , Section: Tesla.", Tesla pa ako. Tignan na ko yung mga pangalan ng magiging

kaklase ko. Nagulat ako. 

"Huh!?!?!?!? Ana Regalado Section Tesla rin!?!?!?!?!", napasigaw ako. Buti na lang busy yung ibang mga estudyante at hindi ako narinig. 

Pumasok na kami sa kuwatyo.  Nagdasal, Nagpakilala ang guro nila at nagpakilala na ang lahat ng estudyante. Nagboluntaryo ako. 

"Sinong gustong unang magpakilala?", tanong nung guro. Nagboluntaryo ako. Malakas ang loob ko sa ganitong mga usapan. 

Nakita ko yung mukha ni Ana, parang gulat na gulat siya. 

"Good morning. I am Anton John V. Martinez, 12 yrs. old. I am a new student and I was from Blessed Elena Academy at Pasay. I am good at Public Speaking, Araling Panlipunan, Journalsim and Writing as well as in life Science and Algebra. I am the Class Valedictorian of School Year 2009-2010 of blessed elena academy.

I wish to achieve many awards here in Ateneo De Manila University. I am as well good in badminton." , sinabi ko ng may malaking tiwala sa satili. Napabilib ang buong klase at nagpalakpakan sila.

Nakita ko na naman si Ana. Gulat na gulat siya. 

"Wow, you are very great and very smart in speaking. We expect a lot from you". sabi nung guro. 

Natapos ang klase at hindi pa rin kami nagpapansinan ni Ana pero tuwing nakikita ko yung mga mata niya, parang gustong mangusap. 

Natapos ang Unang Araw, at balita ko marami na daw nagkakacrush sa kin simula 1st Year haggang 4th Year. 

Puppy Love (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon