Caleb's POV
Alma kong mali ang gagawin ko pero 'to ang makakabiti. Kahit na masakit titiisin ko dahil handa akong magparaya para sa kakambal ko.
Hindi mahirap mahalin si Avery dahil kahit maging si Yvan nagkagusto sa kanya. Hindi alam ni Kuya na ang swerte niya dahil ang taong gusto I mean mahal namin mahal na mahal siya at handang magpakatanga sa kanya.
Masaya ako dahil nandyan si Mindy at kahit papaano nababawasan ang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ganun kadaling kalimutan ang nararamdaman ko para kay Avery dahil bata palang kami siya na ang tintibok ng puso ko.
Tumingin ako sa kanya at napangiti ako dahil ang himbing ng tulong niya habang nakasandal sa upuan.
"I love you Avery at kahit masakit handa kitang ipaubaya sa kapatid ko." bulong ko at hinaplos ko ang buhok niya kasabay ng paghalik ko sa noo niya.
Napatitig ako sa labi niya na kagaad ko namang iniwas ang mata ko. Ilang beses kona ba pinigilan ang sarili ko na huwag ko siyang halikan. Gustong-gusto ko siya halikan pero ang magkaibigan ay hindi ginagawa ang bagay na 'yon.
Nagkamali ako...akala ko wala lang ang nakikita kong pagtingin ni Kuya sa kanya. Akala ko wala talaga siyang nararamdaman sa kaibigan ko pero nagkamali ako.
Damn! He's freakin' inlove with her.
Patunay na dun yung pagpapanggap niya na ako. Hindi nila alam na nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang patago akong nasasaktan. Aminin ko man o hindi mas bagay silang dalawa. Mahal nila ang isa't-isa isang hamak na kaibigan lang ako.
Ipinarada ko sa harap ng gate namin ang kotse ko at pinagmasdan ko si Avery na ang himbing parin ng tulog.
Bagay na bagay sa kanya ang Jersey na suot niya ngayon. Alam ko na galing 'yon sa kakambal ko dahil minsan ko na din na nakita sa loob ng locker niya.
"Huwag ka naman madaya Avery, huwag mo na naman pahirapan ang kakambal ko. Nasasaktan ako pero mas doble ang sakit na nararamdaman niya. Huwag niyo na naman pahirapan ang isa't-isa." bulong ko at hinalikan ko muli siya ng marahan sa noo niya.
"I want you to be mine... but NO! Kuntento na ako na maging kaibigan mo. Magiging masaya nalang ako para sayo.. sa inyo. Kaya please lang.. huwag mo ng pahirapan ang kakambal ko."
Gusto kong matawa dahil kinakausap ko siya. Kinakausap ko ang taong mahimbing na natutulog.
"Xander." bulong niya habang mahimbing ang tulog niya.
She really love him ha? Dahil kahit sa pagtulog niya pangalan niya ang binabanggit nito. Lumabas na ako ng kotse ko at pumunta sa kabila at marahang binuksan.
Binuhat ko siya at gusto kong mapamura dahil ang bigat niya. Damn! Nagtaka pa ako e kulang nga sa kanya ang tatlong plato ng kanin.
"KYAAAAAAHHHH!" biglang irit ni Baby Scarlet habang nagtatalon ng makita si Avery dahil sa tuwa.
"What happened Kuya?" tanong niya at sinundan ako kung saan ako pupunta.
"Papayag kaba kung magkaka-baby na sila ni Kuya Xander mo?" natatawa kong tanong ng mapansin ko na bumilog ang mata niya dahil sa gulat.
"TALAGA?" biglang sigaw niya ng maramdaman kong gumalaw si Avery.
"Huwag kang maingay, baka magising si Cinderella." naiiling kong sabi sa kanya.
"Si Princess Aurora kaya Kuya Caleb hindi si Cinderella. Dahil si Cinderella siya ang nakaiwan ng bubog na sapatos samantalang si Princess Aurora sy si Sleeping Beauty." masungit nitong sabu habang naka cross arm pa. Napailing nalang ako kasi nakuha niya ang kamalditahan ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Loving A Stoned Hearted Man (Completed)
Teen Fiction(#2) Highest Rank #2 ♥ & Wattys 2017 WINNER ♥ - Meet Hezekiah Avery Muñoz, a martyr girl. Kahit sinasaktan na siya ng taong mahal niya minamahal niya pa rin ito. Kahit na hindi siya mahal ng taong mahal niya, handa pa rin siyang maghintay na sana m...