Para Sa Malawak Ang Pang Unawa

37 0 0
                                    

Bago ko simulan lahat lahat ng sasabihin ko sa inyo

Kelangan masigurado ko muna na malawak ang pang unawa mo

Dahil kung hindi, tigilan mo na ang pagbabasa nito

At simulan mo nang humiga at matulog sa kwarto mo

Bakit kamo? Kasi napapansin ko sa karamihan ng mga kabataan ngayon

Na pagdating sa pag aaral, ayun next time na lang, at palaging ganun

Na hindi man lang iniisip kung bakit ba kailangan nating mag aral ng maigi

Hindi man lang inisip na minsan lang ito mangyari sa buhay kaya wag ng tumanggi

Simple lang naman talaga ang pag aaral, pinapahirapan lang tayo ng ating mga sarili

Conditioning of the mind, ika nga yan ang kulang sa mga kabataan ngayon na hindi makaintindi

Hindi na lang tanggapin sa sarili na lahat tayo dumadaan dyan sa pag aaral

Mahirap man o mayaman, yung proseso nga lang medyo matagal

Pero ano itong nababalitaan kong mga pangyayari

Na ang mga kabataan ngayon, imbis na makinig sa silid aralan, eh palaging nangangati

Bes, aral muna bago landi, sorry for the harsh word

Pero ang hirap kasi sa atin ngayon puro cellphone na hindi na nakatutok sa blackboard

Andami ngang kumakalat na balita

Na yung mga nag propropose at nangliligaw na lalake eh pabata na ng pabata

Buti nga kamo kung lahat ng nag propropose eh lalake

Pero ngayon aba iba na ang ihip ng panahon, wala ng sinasanto kahit babae

Mga tropa, kahit ung mga haters ko dyan, bakit hindi muna natin isipin

Na yung pinapang aral sa atin, oo yung ginagastos ng mga magulang natin para sa atin

Ay hindi lang pinupulot kung saan saan, hindi parang damo na kung saan saan pwedeng tumubo

Hindi kasing bilis ng pangangati mo ang daloy ng pera sa pamilya mo

Kahit na mayaman ka o mahirap, tandaan mo na mabilis maubos ang pera

Ganun din ang pag aaral, ang edad nadadagdagan at lahat tayo tumatanda

Kaya pahalagahan natin ang oras natin sa eskwelahan

Hindi yung puro habulan lang tayo at walang katapusang harutan

Isipin mo na lang ang dugo’t pawis na inalay ng mga magulang mo para makapasok ka sa magandang paaralan

Ikaw pa Starbucks Starbucks ka pa dyan habang sila sa iisang pirasong tuyo naghahatian

Lakas ng loob maglabas ng pera kapag nagyaya ng gala ang mga tropa

Pero pagdating sa bahay bibili lng ng suka sa tapat ng bahay, ayun butas na ang bulsa

Oy totoy, nene, brad, repapipz, tol, kaibigan

FYI yung baon na binibigay sa atin, lahat yun pinaghihirapan

Maaga nga pumapasok sa eskwela, sa ibang room naman pumupunta

Para makita si crush, yung jowa at yung syota (FYI lahat yun iba iba)

Andami pang pangako tapos sasabihin pa nila na 'walang sinumang makakatutol'

Eh pagdating naman sa class card lahat ng grades ayun palakol

Lakas ng loob mag ‘holding hands while walking’

Kapag tinanong naman ng magulang, ‘Anak kamusta sa school’ ayun di naman makapag ‘talking’

Nag umpisa sa MU, Mag-isang Umaasa, tapos naging MU, Malanding Ugnayan

Hanggang sa naging MU, Madaming Ugnayan tapos lumabo at naging Medyo Utuan

Mahiya naman tayong lahat na mga kabataan, at oo kasama ako dun

Hindi ako nagsasabi ng ganito para magmalinis at magkunwaring santo o poon

Meron din namang mga kabataan na hindi nangangati sa lovelife

Pero naman, jusko, buong araw sa comshop, ika nga game is life

Na inuugat na yung pwet sa upuan eh hindi padin makatayo

Ang pasok 7 to 4 pero kapag uuwi eh gabi na ng alas otso

Eto mas malupet, mag rarason pa sila

Na aba mas okay na daw maadik sa computer games kesa sa droga

Wala namang masama sa paglalaro ng computer games sa umaga

Wag lang matuwa sa laro at hindi na pumasok sa eskwela

Ang matindi pa nyan hindi pa nakontento sa pc rental

Nakipag pustahan pa ubos na pera pati para bukas pang almusal

Tapos kapag natalo ayun uuwing luhaan

Sasabihin sa magulang, ‘May biglaan po kasi kaming project, ayun nag ambagan’

Oo na KJ ako at bida bida

Pero sino pa bang magtutulungan at magpapa alala

Edi tayong mga kabataan at yung mga dumaan sa pag aaral

Saka inaamin ko naman na hindi ako perpekto at hindi din ako banal

Madami din akong nagawang kalokohan nung ako ay nag aaral pa

Pero kaya nga sinasabi ko na ito sa inyo para magsilbing babala

Na hindi sa lahat ng oras pwede mong pagsabayin ang pag-aaral, pag gala, pag dota at pag syota

Priorities first lang naman ang kelangan kong ipaintindi sa inyo

Na ang dota, gala at syota makakapaghintay, pero hindi ang prof niyo

Lahat naman ng sinasabi ko eh pwede sa matanda at bata

Basta marunong makinig at may malawak na pang unawa

Kaya magtiis lang muna ng unti mga tropa

Pagkagraduate, edi humanap ng trabaho at tumulong sa pamilya

Magsipag at mag ipon ng madaming pera

Saka ka maghanap ng taong mapapangasawa

Isabay mo na yung pinangarap mong PC pang Dota

Pati passport mo pang travel sa Amerika at Europa

Saka mo sakin sabihin na, ‘Oo nga tol, tama ka,’

‘Bago kita kontrahin eh ako’y mag aaral muna’

-PJCunanan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para Sa Malawak Ang Pang UnawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon