Nakakatuwang isipin, nakakatuwang pagmasdan
Yung mga aso at pusa na naghahabulan
Samantalang tayong dalawa na matagal ng magkakilala eh wala ng kibuan
Para bang gaya ng sabi nila na wag mong ihalo ang balat sa tinalupan
Bakit hindi mo na ako kinikibo? Dati naman eh ako ang palagi mong kasama
Kapag may galaan, biglaang kantahan, may pera ka man o wala
O kaya kapag magpapasama, pupunta lang sa canteen ng eskwela
Kapag hindi ako umoo sayo, bigla kang magdadabog at magdradrama
Naalala ko pa kapag naiiwan mo ang baon mo pagpasok mo
Tetext mo agad ako ng ‘bes hati naman tayo sa baon mo’
Syempre ako ito uto-uto sayo
Kahit naglalakad sa gitna ng daan eh titigil ako at magrereply ng ‘oo’
Anim na taon sa eskwelahan nung elementarya, apat na taon sa high school
Hindi ako nananalo sayo sa usapan at lagi mong ipinapamukha na Girls Rule
Ako sa chess lang magaling at unting Math
Samantalang ikaw halos alam na ang lahat
Yung mga panahong wala kang pamasahe papunta sa Quiz Bee mo
Ako naman syempre bespren mo at supportive sayo
Magtitipid ako buong linggo para may pamasahe ka pati ba din ako
Tapos kapag kulang pa eh mambubully naman ako sa aking mga kalaro
Grabe nung high school tayo, 1st day of classes
Andami agad nagregalo sayo, may Toblerone pa at Kisses
Tapos lahat silang nagbigay sayo masama ang tingin sakin
Paano ba naman eh halos lahat ng binibigay sayo eh binibigay mo din sakin
Pero ng tumungtong tayo ng college, dun lang tayo naghiwalay
Pumunta ka sa Estados Unidos, ako naman naiwan dito at nag hihintay
Naghihintay na pagkatapos mong kunin yung kurso na gusto mo
Eh umaasang pagbalik mo sa Pilipinas ay magkikita ulit tayo
Unang buwan pagkatapos kang kunin nila Tito at Tita
Magkachat pa tayo araw-gabi, magkatext pa ng walang palya
Hanggang sa dumating ang isang araw
Na nagkaroon ka ng gusto doon sa Amerikanong hilaw
Hindi naman ako nagseselos kasi magkaibigan lang naman tayo
Pero pagkatapos nung mabalitaan ko na naging kayo, ako ay medyo nagtampo
Ni likezone o seenzone di mo man lang magawa sakin
Ang matindi pa nun eh nakulitan ka ata sa akin at bigla mo akong inunfriend
After 4 years, nakatapos na din ako sa kolehiyo
Matagal ko na ding itinigil yung pang iistalk ko sa iyo
Pero bigla kang lumabas sa newsfeed ko
Tinag ka ng mutual friend natin nung high school pa tayo
After all this time bumalik lahat ng mga ala ala ko sayo
First time ko din nun makita yung mukha mo, aba mukha ka na ngang kano
Pero yung caption, ‘Me with my one and only bestfriend’ kasama ang bagong mukha na hindi ko kilala
Bigla akong natulala, napahawak sa puso dahil ako’y sobrang nagulat, sobrang nasaktan at sobrang nagtaka
Ang matindi nun, after 4 years eh hindi pala yun yung kano na kinukwento mo sakin dati
Bago mo na namang boyfriend pala yun, pero ‘bespren’ lang yung taguri
2 months mo pa lang kilala pero ganyan na kayo ka sweet
Samantalang ako ni hindi ka man lang makapag message sakin or tweet
At ngayon, matapos ang mahabang panahon,
Limang taon na din akong nag move on at nakapag ipon
Ni isang balita wala na akong alam tungkol sayo
Dahil pagkabigay ko ng number ko sayo noon eh nag deactivate ka na ng account mo
Biglang nag ring yung phone ko, ako ay nataranta
Agad agad kinuha ang cellphone, nagbabakasakaling baka ikaw na
Sinagot ko yung tawag, at ng marinig ko yung tinig ng salita
Bigla akong napatigil at napatulala
Isang pamilyar na boses, boses ng babae
Medyo nangangatog, halatang galing sa malungkot na pangyayari
Sabi niya sakin, 'Anak, baka pwede kang dumalaw sa bahay ngayon kung hindi ka busy'
'Dalawin mo lang yung bespren mo kahit sa huling saglit' ang kanyang sabi
Dali dali akong sumakay sa sasakyan at pinaharurot ito
'Halos sampung taon, tapos ngayon lang kaw magpaparamdam, tapos hindi pa ikaw ang tumawag kundi ang nanay mo'
Yan ang sinasabi ko sa sarili ko habang tumutulo ang mga luha ko
Nagbabakasakaling baka mali ang nasa isip ko
Pagdating ko dun sa inyo, narinig ko agad sa may kanto
'Kawawa naman yung bata, nirape at pinatay daw ng kano'
Pagbaba ko sa sasakyan, oo nga at tama ako
Larawan mo na kasama ako ang nakapatong sa kabaong mo.
-PJCunanan