Chapter 10 - Flashback.

755 34 8
                                    

Point of view ng lola niyo.

KUYA? Sinong pinariringan niyan? Pigilan niyo ko! Bwahaha.

"Hi Sis." sabay nilang bati, tinitigan ko lang sila, wala lang trip kong mantitig.

"Yo." tapos umupo sila sa harap namin. Nakaka-walang ganang kumain. Bwahaha. Bahala sila diyan magusap-usap silang apat. Nakakawala ng mood.

Ikaw ba naman? Ikaw na nga nagso-sorry, ikaw pa napasama. Ang kapal ng mukha. Gusto ata nila ng away, di ba nila alam? Ay che.

Lyndon's point of view.

Wag niyo ko aawayin, magkukuwento lang ako. Sa totoo lang hindi ako naniniwala sa sinasabi nitong si David eh. Hindi naman ganon ang sister ko noh. 

Pero, seriously, hindi na ba kilala nitong si Sissy si David? Nakakapagta-taka lang, 12 years lang naman ang lumipas simula non. Ay ewan ko diyan sa kapatid kong yan, para namang sobrang sama ng ginawa sakanya dati ni David..

o hindi niya lang talaga ma-alala? 

Hindi naman siya na-aksidente. Hindi naman tumama yung ulo niya sa kung ano.

Gusto niyong malaman kung ano tinutukoy ko? 

--

Flashback. (12 years ago.)

"yara, ang cute naman ng teddy bear mo." sabi ng isang batang lalaki.

"Lalaro nalang tayo, dito dalhin mo yung isa mong robot na naka bike." sambit naman ng isang batang babae.

"O sige yara, hintayin mo ko diyan ha? Wag ka aalis! Pag umalis ka hindi mo na ako mapapakasalan." taps tumakbo na yung batang lalaki papunta sa bahay nila. 

"Hindi ako aalis Dey, pero.." 

"Pero ano?" tanong ng batang lalaki ng may halong pagtataka.

"Totoong pakakasalan mo ako?" 

"Oo naman, promise, love nga kita diba?" tapos hinalikan ng batang lalaki yung batang babae sa noo nito at kinuha na yung laruan na nakasakay sa bike sa bahay nila.

End of flashback.

Yun na ang huling pag-uusap nila David at Sister. Bigla nalang nawala si David nun, nagpunta na siyang America, kung saan kami lumaki ng kakambal ko. Umiyak ng umiyak si Sis nun, kahit 4 years old palang siya nun masakit parin para sa damdamin niya ang iwan ng isang childhood bestmate.

Kahit naman ako, kung iiwan ako ng bestmate ko, kahit na lalaki ako, iiyak ako. Eh bata ako eh, tsaka nagpromise ka dapat tutuparin mo. 

Malay ko ba kung kailan magpopropose yan si David kay sister ko. Tanong niyo sa writer.

Point of view ng lola niyo.

Pagka-dating ko sa bahay namin umakyat ako ng kwarto ko at nagbihis ng pambahay sabay bulagta sa kama ko. Hay buhay.

Nakaka-inis yung lalaking yun! Akala niya, binabaan ko daw ng telepono!? Eh Walangya pala yun eh! Nakakainis! Amp.

Kakain nalang ako ng ice cream.

*baba hagdan, baba hagdan*

"Hi Sis." sabi nanaman ng mga kuya ng sabay.

"Yo." nage-xbox nanaman, sasali ako pagkatapos kong kumain ng ice cream.

*kuha ice cream, kain ice cream, masarap ang ice cream.*

Approve! Hmm *u*!

--

"Kuya, sali ako." sabi ko pagkatapos kong umupo sa tabi nilang dalawa, bale ako ang nasa gitna nilang dalawa. Bwahahaa!

"Ayun yung isa oh. Kanino ka kakampi?" NBA2K12, hmm, kay kuya LJ nalang hindi naman kasi kagalingan tong si kuya LJ eh, baka malugi pag nagkampi kami ni kuya Lyn.

Tapos umupo na ako dun sa may sahig at pumili ng team.

TEAM NUGGETS FTW!!!!!! 

Wala lang pabrito ko kasi yung Nuggets eh, Nuggets na basketball team ha? Mamaya Chicken Nuggets ang nasa isip niyo..

GUTOM LANG YAN TOL!

So ayun nagsimula na ang game.

--

Sa kalagitnaan ng paglalaro.

"Galing talaga ni Dey." sabi ni kuya LJ. Dey?

Dey?

Dey?

Parang may kilala akong Dey, eh? Baka guni guni ko lang yun! Kilala niyo naman ako, pala-imagine. 

Deydreamer eh. Ahihi. Ay teka. Anong DEYdreamer? xD

"Sinong Dey, 'ya?" pagtatanong ko, syempre, puriin ba naman ng kuya mo ang hindi mo kakilala.

"Si Dey, sis. Yung kababata ni Yara." sagot naman ni kuya Lyn.

TEKA YARA?

NICKNAME KO YUN AH!

AKO SI YARA! AKO YUN!

"Bwahahahaha!" sabay nilang tawa. "Imba face sis!"

'wag muna kayong kampante. Hindi pa true name ko ang nasasabi.

--

So Yara pala ang nickname ng bida natin ah? Bwahahaha! Clue palang yan. Wag kayong kampante, hindi pa matatapos ang istorya istorya! Yey! Bwahaha! <33

 Sorry late update guys. <33 Yara sa kanan --> Wuuut!

 xx 

&quot;miss, ano name mo?&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon