love

12 2 1
                                    

When you love make sure your ready to feel the pain, because love is nothing without the pain. Ang sakit ang nakakapagsabi na mahal mo na ang isang tao, dahil kahit kelan hinding hindi ka masasaktan kapag hindi mo mahal ang isang tao pero masasaktan ka ng sobra dahil mahal mo ang isang tao.

I was the girl who never believe in love. For me love is just a stupid excess emotion. I never let myself be stuck in a commitment, kumbaga kung sawa na ako iiwan ko na lang sila na parang wala kaming pinagsamahan. I dated a hundreds of guys pero ni isa sa kanila wala akong naramdamang kakaiba.

Not Until you came.

Siya yung klase ng lalake na kahit ang daming problema ngingiti lang siya at sosolusyonan yung problema. He was different and i love him for that. Sakanya ko naramdaman ang 'love', masyado akong nahulog sakanya, i fell so deep na kahit ako hindi ko alam kung paano aahon. I loved this guy unconditionally.

Dahil sakanya nagiba ako, naging selosa ako sa mga babaeng nagkaka-gusto sakanya. Lagi akong nakadikit sakanya at dahil dun lagi niya akong sinusungitan. Masakit oo! Dahil akala ko kaya niya ako mahalin kagaya ng pagmamahal ko sakanya pero i always tell myself that sooner or later he will love me as much as i love him!

I wasn't afraid to tell everyone what i feel for you. Na-alala ko pa yung araw na malakas kong sinigaw na 'MAHAL NA MAHAL KITA JAVIER!' nainis ka sakin ng sobra noon at hindi ako pinansin for 3 days pero dahil nga mahal kita i did everything para mapatawad mo ako.

Na-alala ko rin yung araw na umulan ng malakas at saktong uwian na non. Lahat ng estudyante ay naguwian na kasabay ang mga payong nila pero ikaw at ako na lang ang natira sa school. Wala kang payong kaya binigay ko sayo ang kaisa isang payong na meron ako, ayaw mo pa nga tanggapin dahil sabi mo ako ang mababasa, Aaminin ko kinilig ako dahil doon. pero sinabi ko sayo na meron pa akong payong sa loob ng bag kaya kunin mo na, and you did exactly what i say. umalis ka at naniwalang may payong ako para sa sarili ko pero i lied. Lumusong ako sa malakas na ulan para lang makauwi, umuwi ako ng basang basa at kahit pinagalitan ako ng mga magulang ko hindi ako nagsisi na binigay ko sayo ang payong ko kahit na nilagnat ako ng 3 araw, it was all worth it dahil nakauwi ka ng ligtas.

dumating ang araw na naging malapit tayo sa isa't isa. Lagi tayong sabay kumain kapag lunch break na, lagi tayong nag-uusap tungkol sa mga walang kwentang mga bagay. With you i fell like im a whole new person, minsan nagugulat na lang ako sa mga bagay na ginagawa ko kapag kasama kita na kahit sa panaginip ay hindi ko aakalaing magagawa ko.

I was alwys excited kapag papasok ako sa school dahil alam ko na ikaw ang unang bubungad sakin. Minsan naguguluhan ako sa totoong relaayon natin magkaibigan parin ba tayo o magka-IBIGAN na?

Akala ko yun na yun. Akala ko nagsisimula ka ng mahulog sakin. Akala ko natupad na ang pangarap ko. Akala ko mahal mo na ako pero lahat pala yun ay puro akala ko lang.

Dahil dumating yung araw na para bang hindi na tayo magkakilala na para bang hangin na lang ako na dinadaan daanan mo na lang. I ask myself what did i do wrong, for you to act like this. Wala akong natatandaan na may ginawa akong mali o sinabing mali sayo, akala ko yun na yung pinaka-masakit na magagawa mo sakin pero as usual mali nanaman ako dahil hindi iyon ang pinaka-masakit sa lahat. Ang pinaka-masakit ay ang makita ko kayo ni leslie na sobrang saya habang magkasama.

Pinagpaliban ko yun, even if it hurts i still force myself not to believe with what i saw.

I decided to talk to you, inaya kita sa rooftop at doon ko tinanog sayo kung anong nangyari? Bakit bigla ka na lang nanlamig? At anong meron sainyo ni leslie? And like what i expected, i got hurt in return. Sinabi mo na umasa lang ako na wala talagang tayo na si leslie ang mahal mo.

It hurts, sobrang sakit ng lahat. Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko sayo, kaya nakalimutan ko ang sarili ko. Naging distant siya saakin, at para akong sinasamapal ng reyalidad na walang kami na umasa lang ako na sakanya isa lang akong kaibigan pero saakin napaka-espesyal niya.

Masyado ng masakit paulit ulit na lang ang cycle paulit ulit na lang akong nasasaktan sa paulit ulit na dahilan. Minsan gusto ko na lang matulog ng habang buhay dahil kapag tulog ka wala kang iniintindi kaya minsan hinihiling ko na sana hindi na ako gumising sa reyalidad. Pero kahit gaano mo kamahal ang isang tao, mapapagod at mapapagod ka pa din. Lalo na kapag ikaw lang ang patuloy na lumalaban.

I got tired of the pain. I got tired of crying every night. And I got tired of loving you.

........

May part two po siya 'TO STOP'.

Thank you for reading and if you like you can vote and comment :)

Thank you xshleyness for the beautiful story cover!! Mwaaapsss : *

TO LOVEWhere stories live. Discover now