The Whole Summary

14.9K 219 98
                                    

Nakalabas ang lahat ng studyante sa Hell University at ngayon nabubuhay ng ordinaryo, ngunit ang kila Ace, Zein, Raze at Allison ay hindi magiging normal dahil binabalikan sila ng kanilang mga nakaraan.

Ang relasyon nila Ace at Zein ay nagkalamat dahil si Ace ay nawawalan ng oras para kay Zein dahil tumutulong sya sa Kuya Raze nya sa business ng pamilya nila. May mga tao naman ng nagtatangkang gumawa ng masama kay Zein. May mga sikretong hindi binabanggit si Ace kay Zein dahil ayaw nyang mag alala ito ngunit hindi nya alam nay yun ang makakasira sa kanilang relasyon.

Maraming beses na napahamak si Zein ngunit walang nagagawa si Ace dahil busy sya sa trabaho nya at sa skwela. Isang araw ay nawala nalang bigla si Zein at malakas ang kutob ni Ace na ligtas sya dahil may pinaghihinalaan na syang tao ngunit ayaw nyang paniwalaan ang hinala nya.

Isang linggo ng nawawala si Zein ngunit wala paring ginagawa si Ace at kampante lang sya pag inuutusan sya ng mga kaibigan ni Zein na hanapin sya ay wala syang kibo kahit na binubugbog na sya ng mga ito ay walang syang paki-alam.

Isang araw bumalik si Zein kasama ang mga kaibigan ng Ate Samantha nya sila Hanz at Winzy. Nagkatitigan sila Ace at Zein ngunit wala na ang kinang sa kanilang mga mata at napuno ito ng lamig na parang wala lang sila para sa isat isa.

May mga lalaking dumating at tinakpan ang ilong at bibig nila Ace, Zein, Raze at Allison at nawalan sila ng malay. Pagkagising nila ay nasa isa silang bahay at pamilyar it okay Ace at Raze dahil ito ang bahay ng mga Supremo sa loob ng Hell University.

Silang apat lang ang nandoon at alam nila kung sina ang may pakana. Ito yung araw na magiging madugo, hindi dahil patayan kundi dahil sa sakit ng puso sa malalaman nilang katotohanan.

Unang nagsalita si Allison at sinabi nya lahat ng mga ginawa nyang pagloko kay Raze sinabi nya yung pagpapalitan nila ni Samantha kapag kasama si Raze, dahil kambal sila hindi alam ni Raze na ang tinatawag nyang Samantha ay si Allison, sinabi rin ni Allison na yung araw na dapat magkikita si Samantha at Raze ay sya yung sumipot dahil kinulong nya sa dorm nila si Samantha dahil gusto ni Allison na sya ang mahalin ni Raze, at sa gabing yun ay gumawa sila ng kababalaghan.

Umiyak ng umiyak si Raze dahil sa sakit na nararamdaman nya ngayon ngunit hindi pa dito natatapos ang lahat ng sakit. Tinanong ni Raze si Ace kung may kasalanan man sya ay pinapatawad nya na agad, sinabi na ni Ace lahat ng paglilihim nya tungkol sa pagkamatay ni Samantha na sya ang dahilan, isang araw dati ay nagtatangkang tumakas sila Samantha, Hanz at Winzy gamit ang tulong ni Raze ngunit nagsumbong si Ace kay Francisco dahil akala nya ay iiwan na sya ng mga kaibigan nya at ng kuya nya kaya naabutan ni Francisco sila Raze at Samantha na palabas, binaril ni Francisco si Samantha at ito ay napahiga sa sahig.

Hindi makapaniwala si Raze sa nararamdaman nya, sobrang sakit na parang dinudurog ang puso nya. Sinabihan ni Samantha na tumakbo si Raze ngunit parang napako ang paa nya sa lupa, nakatakbo nalang sya nung barilin sya ni Francico sa kanyang mata na ikinadugo nito. Tumakbo sya ng tumakbo hanggang makita sya ng isang doctor, mabilis na ginamot ni Mr.Valdez si Raze at pinalitan ang isang nyang mata ng artificial na mata.

Ngayong nalaman na ni Raze lahat ng ginawa ni Ace ay lalo syang naiyak at nagluha sya ng dugo. Inalalayan ni Ace si Raze at nagsalita si Raze ang sabi nya " I'm tired, I think I could rest now." sabay ngiti nya at tuluyan ng nawalan ng malay. Pinalabas na sila sa bahay nayon dahil yung ang plano nila Hanz at Winzy, ang paaminin sila sa mga kasinungalingan nila.

Makalipas ang dalawang taon.

Si Allison ay nasa tapat ng puntod nya ngayon mangiyakngiyak ito dahil naalala nya ang mga masasayang araw nilang dalawa. Tumingin sya sa langit dahil pinipigilan nya ang pag-iyak, nagsalita ito "Salamat, Ate Samantha." Yun lang ang kanyang sinabi at umalis na sa puntod nito.

Pumunta sya sa isang coffee shop kung saan nandon si Raze, nagusap sila tungol sa mga bagay-bagay at bigla nalang niyakap ni Raze si Allison at sinabing namiss nya ito ngunit biglang may dumating na bata at tinignan silang dalawa "Bakit mo kayakap ang mommy ko?!" tanong ng batang nagngangalang Shark sinabi nalang ng Mommy Allison nya na yun ang Papa nya, niyakap ng mahigpit ni Raze si Shark at sumali narin si Allison, Family Hug kumbaga.

Umuwi na ng Pilipinas si Zein napatagal sya sa ibang bansa dapat 6 months lang sya don kaso nagustuhan nila yung mga performance nya kaya naabot sya ng 2 years . 2 years na wala silang komunikasyon ni Ace dahil pinutol lahat ni Zein yun.

Nagpapaparty si Zein ngayon, imbitado lahat ng kaibigan nya ngunit hindi imbitado si Ace dahil hindi nya raw alam kung pano sya mag aaproach dahil pinutol nya ang koneksyon nila.

Nagsisimula na yung party, marami na ang sumasayaw sa dance floor ngunit si Zein ay walang gana, inaya sya ni Cedric(SSG President sa skwela nila) na magsayaw at tumango ito dinala nya ito sa dancefloor. Nang magsasayaw na sila ay biglang namatay lahat ng ilaw at may nagsalita "You can dance anyone in this club but not my girl" wika nito.

Sumindi ang mga ilaw at nakatayo si Ace sa may stage at may hawak na remote "Dalawa lang ang buton dito ang isa ay para sa mga ilaw at isa para pasabugin ang club nato" wika pa nya. Iniwan ni Cedric si Zein sa dance floor na mukang takot na takot.

Biglang pumasok ang mga gwardya at inilabas si Ace. Nang makalabas sila ay humabol si Zein sakanila, ngunit pagkalabas nya ay wala na si Ace, mga gwardya nalang. "Nasan pumunta yung lalaking kaninang nilabas nyo?" wika ni Zein "Sa puso nyo po maam" wika ng gwardya.

Inis na inis si Zein dahil hindi nya alam kung san hahanapin si Ace, naisip nya bigla yung condo nilang dalawa at dun sya pumunta. Pagkapasok nya ay walang tao pumasok sya sa kwarto ni Ace ngunit wala rin sya ditto, humiga sya sa kama at biglang lumabas ang mga luha sa kanyang mata.

Habang umiiyak sya ay bumukas ang pinto ng banyo sa kwarto ni Ace at bumungad sa kanya ang isang Ace Craige na nakatapis lang at basa pa ang buhok. Pumunta ito sa harap ni Zein at inalis ang suot nyang tapis, pumikit lang si Zein dahil sa ginawa ni Ace.

Hinalikan ni Ace si Zein sa labi at pababa sa leeg nito. Ito na yung araw na sinabi ni Ace kay Zein na aangkinin nila ang isat isa. Patuloy ang paghalik ni Ace kay Zein hanggang magkadikit nag ang katawan nila.

*ding dong*

"Alas!" sigaw ni Raze "Alas buksan mo yung pinto may ikekwento ako!" Nagmamadaling nagsuot ng boxer si Ace at lumabas na may dalang baseball bat, bago sya makalabas ay bumulong si Zein "Better luck next time" wika nya na naka ngisi.

The end, kasi lahat may katapusan.

Chasing Hell SummaryWhere stories live. Discover now