CHAPTER 1

439 86 164
                                    

I'm Queenie Auria La fuente. Sa totoo lang, hindi ko akalaing hahawak ako ng isa sa mga business ni Daddy-- it's the coffee shop which now I owned.

Hindi sa ayaw ko pero hindi naman business ang tinapos ko, I really wanted to be a nurse. Pero natapos ko nga, heto naman ang kinabagsakan ko. Whenever I try to speak about it, nagagalit lang siya.

And here I am...

"It's not so bad managing a business like this, you know..."

Tipid na ngiti lang ang binigay ko kay Cassidy.

Siya ang nag-iisang tao na pwede ko lang kausapin, makasama, maging kaibigan. Wala nang iba.

"Yeah right, ano bang malay ko rito ‘di ba? I finished nursing pero ito ang magiging trabaho ko?" Napapailing kong sabi.

Pangarap ko talagang maging isang propesyonal na nurse, pero hindi 'yon suportado ni Daddy. Actually, ayaw niya nga ipa-take 'yon pero inunahan ko lang siya para hindi na siya makaangal. So far, hindi naman niya 'ko pinilit mag-shift.

But damn... I didn't even had a chance to be a nurse.

"Okay lang yun, Queenie. Nandito naman ako, I'll help you with everything." Hinawakan n'ya ang kamay ko't ngumiti.

"Oo naman, did you forget it? Ikaw lang ang kaibigan ko." Natatawang sabi ko.

"That’s what your father wants."

"Kaya nga."

Napabuga ako sa hangin saka kinuha ang bag ko sa table, humarap ako sa kaniya, she's smiling politely at me.

"May bibilhin lang ako sa convinient store, asiwa na 'ko sa mga pagkain dito."

"Sasamahan kita."

Tumango nalang ako saka naunang lumabas. Of course as if I have a choice? Sabi ko nga, wala akong pwedeng makasama at maging kaibigan kundi si Cassidy lang.

"Dina, labas lang ako."

Paalam ko sa isa sa mga mapagkakatiwalaan kong empleyado rito. I'm here for almost two months now, managing the shop. Kahit hindi na si Mommy na siyang namamahala nito dati ang nandito, well, I can say that all of her employees are such a nice and professional people. They were treating well-- na nararapat lang naman.

"Root beer?!"

Gulat na tanong ni Cassidy nang makitang damputin ko ito sa ref ng convinient store.

I glanced at her, "Oo. Wala tayo neto sa shop," saka ako nauna sa counter.

"Wait, that's all? Sana nagpabili ka na lang," aniya nang makahabol sa 'kin sa counter.

"So? Why would I if I know I can, please keep the change." baling ko sa kahera at mabilis na tinalikuran siya.

Naglakad palabas habang binubuksan ang root beer.

"Hey, wait up!"

Naikot ko na lang ang mata ko. Minsan, hindi ko maiwasang makulitan kay Cassidy.

"Hindi mo man lang ako binilhan..."

Hinarap ko siya para ngiwian sana hanggang sa may marinig akong sumigaw.

"Aaaahhh!!!"

I'm pretty sure that Cassidy heard it too.

"Ano 'yun?" kunot noo kong tanong habang nakatingin sa likuran ni Cassidy. Isang looban na sa tingin ko ay abandunado na.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now