Vee
10:00 am
Ano bang pweding gawin ngaun araw nakakatamad sa bahay - my phone rang.
hmmf si mommy
From: MomBaby come to my office if you're not busy, sabay tayong lunch.
Since wala akong magawa tinext kuna si mommy na papunta na ako doon.
After an hour andito na ako sa building ng office niya. Pag pasok ko palang lahat ng nakakasalubong ko ay bumabati sa akin, madalas kasi akong nandito kaya kilala na nila ako.
"Hi mom, miss you already" I kissed my mom after I entered to her office.
"I miss you more honey,-- what's wrong, why my little girl looks so sad?" my mom asked while typing on her computer.
Sumandal ako sa couch at nirelax ang likod ko "Nothing mom, I just felt bored". Tiningnan lang niya ako tapos nag type na ulit
"Is that so, why don't you hang out with your friends or your brothers para hindi ka mabored. Sige ka malapit na ang pasukan niyo hindi kana makakapang-gala niyan" natatawang sabi ni mommy.
"Wow! Mom seriously, kilala mo naman mga kaibigan ko sasakit lang ulo ko sa subrang kakulitan nila lalo na si Collin and as for my kuyas busy sila." naiinis na kinuha ko ang phone ko sa bag.
"Busy saan?"
"Well, si kuya Von ay busy sa pag hahanap ng mga materials niya para sa school, you knew your son mom masyadong seryoso sa pag aaral si kuya Vex naman busy sa pang bababae niya tska nag tatampo pa ako don dahil hindi pa niya natatapos yung pinapagawa ko sa kanya"
nakasimangot na sabi ko habang kinakalikot ko ang phone ko.
"Let me guess - dare na naman yan no?"
"Yeah, sabi ko e break niya si Kim, yung girlfriend niyang parang linta. Sabi niya susulitin muna daw niya bago niya e bbreak"
naiinis kasi ako sa babaing yun imagine pinag selosan pa ako at tinawag na flirt nung una dahil akala niya isa ako sa mga fling ni kuya tapos nung nalaman niyang kapatid ako ni kuya nakipag biso-biso at nakipag yakapan pa sa akin ang plastic. Ewh, sobra akong nag babad sa bathtub noon para lang maalis ung pagkadikit ng balat niya sa akin, maarte na kung maarte pero nadidiri ako sa mga ganong babae iiwan din naman sila sa huli so bakit nag papakahirap pa sila, how pathetic.
"Pag pasinsyahan muna ang kuya mo baby, ini-inis kalang non trust me" Hindi nalang ako sumagot, after an hour bored na ako.
"Mom matagal pa ba yan? I'm hungry" tumayo na siya habang pinapatay yung computer niya.
"I'm already done honey, so saan mo gustong kumain?" my mom asked habang kinukuha yung bag niya
"kahit saan nalang po"
FAST FORWARD
2:00 pm
Nag lalakad ako sa mall mag-isa umalis na kasi si mommy, biglang nag karoon daw ng meeting kaya naisipan kung pumunta nalang sa book store para bumili ng bagong novels, next time nalang ako bibili ng school supplies na gagamitin ko this coming school year, may 2 weeks pa naman akong natitira. Bumili nadin ako ng bagong camera luma na kasi yung dating ginagamit ko. Napagod ako kaya pumasok nalang ako sa isang coffee shop para maka pag relax, naupo ako sa bandang gilid para di agaw attention sabay order ng coffee baka isipin nilang tumatambay lang ako dito.