Faded Memories
One Shot
By JassMiney_____________________
Isang araw, may isang babae at isang lalaki na nagngangalang Dream at Sky.
Nagkatagpo sila sa loob ng tren. Sa bandang dulo kaya sila lamang ang naroon.
Dahil naiinip si Dream ay kinuha niya ang sketch pad niya at nag pinta. Pininta niya ang katabi niya.
Nagtaka ang si Sky dahil sa panay ang tingin nito sakaniya at tinanong, "Tinitingnan mo ba ako?"
Tumango lang si Dream at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi na mapigilan ni Sky ang tumingin sa ginagawa niya dala ng curiosity.
Nagulat siya nung makita niyang siya ang naroon sa drowing. Tinanong niya kung bakit siya at ang tanging sagot sakaniya ni Dream ay, "Naiinip ako."
Tumango na lamang siya ngunit may sumanggi sa isip niya na magandang ideya para may remembrance siya doon sa drowing.
Tinanong niya kung maaari bang kunan ito ng litrato kasama siya. Pumayag na lamang si Dream si gusto nito.
At pagkatapos noon ay saktong nakarating na sa eksaktong istasyon si Dream kaya tumayo na ito at iniwan si Sky ng walang paalam. Dirediretso lang ang kanyang lakad.
Nagulat sa Sky doon kaya sinundan niya ito kahit hindi pa niya istasyon. Hinanap ng kanyang mga mata si Dream ngunit nabigo lamang siya.
Gusto kasi niyang malaman ang basic information nito dahil hindi naman niya natanong kanina. Hindi naman sila nag usap kaya ang laki ng panghihinayang niya.
Kinabukasan ay sinubukan niyang hanapin ito sa social media ngunit nabigo lamang siya.
Pinost niya ito sa kanyang Facebook at Instagram dahil nagbabakasakali siya na makita ito ni Dream.
Nagtanong tanong din siya sa kakilala ngunit nabigo lamang siya.
Hanggang sa isang araw, nagkita muli sila.
Sa isang birthday party ng pinsan ni Sky. Isa pala itong kaibigan ng kaibigan ng pinsan niya.
Hindi na niya pinalampas ang pagkakataon at nagtanong tanong na. Gayundin si Dream.
Hanggang sa naging close sila.
Naging friends
Naging bestfriends
Hanggang sa dumating na yung punto na may mahuhulog na isa.
Si Dream.
Ngunit ang masakit ay ang hindi ito pansin ni Sky dahil may gusto siyang iba.
Kaso ang mas masakit ay pinsan ni Dream na sobrang close niya.
Wala naman siyang magawa. Kaysa sa maging desperada, naging isang kupido na lamang siya para makita niyang masaya ang mga mahal niya.
BINABASA MO ANG
Faded Memories (One Shot)
Short StoryCould we even have the chance to meet the person we've just met without knowing his or her name? But what if we've met again? Shall we be friends? What would happen when we've been close to each other after being friends? Would we fall? What if ther...