Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nag babantay kay Bryon.
Agad akong tumayo para palitan ang bimpo na nasa noo nya.
Basang basa sya ng pawis pero nananatili parin syang tulog at tila hindi nararamdamang meron syang sakit.Ma, lagi nalang nahuhuli si papa.
Napalingon ako sa kanya.
Nag sasalita sya ng tulog at ang nakakapag taka ay kung sino ang mga taong tinutukoy nyang Ma at Pa?San ka pupunta? Wala na nga si papa pati ikaw.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya na lalong pinapawisan.
Nakaramdam ako ng kaba habang ganun sya.Bryon. Bryon.
Pinatapik ko ng marahan ang kanyang pisngi para magising sya.
Wala syang ibang sinabi kundi Ma at Pa.Ma!
Bigla syang napaupo sa kama at halos hinihingal. Walang tigil ang pag patak ng pawis nya at hindi ko mapigilang mag alala.
Nananaginip ka. Tignan mo ko Bryon nananaginip ka lang.
Pinipilit ko syang pakalmahin matapos ng nangyari.
Tumingin sya sa mga mata ko at bigla nya akong hinila paupo sa kama saka ako niyakap ng mahigpit.
Ramdam ko ang malakas na kabog sa kanyang dibdib at hindi parin nawawala ang sakit nya.Dito kalang. Wag mo kong iiwanan.
Nanginginig ang boses nyang sabi at hindi parin ako binibitiwan.
Nananaginip kalang Bryon.
Muli kong sabi sa kanya na bumitaw na sa pag kakayakap sakin at halos pawis na pawis.
Pinunasan ko ang mukha nya habang nakatingin lang sya sakin.Mahiga kana. Nandito lang ako hindi kita iiwanan.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya kahit wala akong alam sa kanyang pinag daraanan.
Hihiga ako kung tatabi ka sakin Riley.
Sabi nya sakin saka nya hinawakan ang kamay ko.
Nakaramdam ako ng kaba lalong lalo na't lalaki sya.
Kahit na trabaho ko ang alagaan sila at nakasanayan ko ng kasama sila sa araw araw ay iba parin pag isa lang sa kanila ang kasama ko.Please Riley. Hindi ko kayang mag isa ngayon.
Pinilit kong intindihin ang sitwasyon.
Meron syang sakit sa kalagayan na ganito hindi ko pwedeng tanggihan ang gusto nya.Nandito lang ako sa harap mo Bryon. Wag kang mag alala.
Pero di gaya nt Bryon na walang pakialam, ibang iba ang Bryon na kaharap ko.
Parang awa mo na. Kaylangan ko ng kasama ngayon. Yung taong kayang yumakap sakin lalo na't kaylangan ko.
Hindi ko sigurado kung talaga bang umiiyak sya sa harapan ko.
Pero ang makitang todo ang kanyang pag mamakaawa ay halos durugin ang puso ko.Tumango lang ako sa kanya saka ako tumabi sa kanyang higaan.
Humiga kaming dalawa at saka lang sya muling pumikit.Tuwing napapanaginipan ko ang mga magulang ko. Wala akong matakbuhan kundi ang sarili ko. Kaya itong pangyayaring ito ay tatanawin kong napakalaking utang na loob Riley.
Sabi nya lang sakin habang nakapikit.
Gusto ko man itanong pa ang mga sinasabi ni Bryon ay hindi ko na muna ginawa.
Baka hindi makabuti sa kanya kung uungkatin ko pa ang kwento habang ganito ang kalagayan nya.Ah B-bryon. Sa sofa nalang ako matutulog.
Sabi ko sa kanya at dahan dahang tumalikod sa kanya para makatayo.
Pero bago pa man ako makahakbang paalis ng kama ay naramdaman ko ang mga braso nyang yumakap mula sa aking likod at nakadiin ang kanyang mukha sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romansa#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...